< Yeremia 23 >
1 “Nnome nka nguanhwɛfo a wɔsɛe na wɔhwete me nguankuw no!” Awurade na ose.
“Aba sa inyong mga pastol na sumisira at nagsisingalat sa mga tupa ng aking pastulan—Ito ang pahayag ni Yahweh.”
2 Ɛno nti sɛɛ na Awurade, Israel Nyankopɔn, ka kyerɛ ahwɛfo a wɔhwɛ me nkurɔfo so ni: “Esiane sɛ moabɔ me nguankuw ahwete, na moapam wɔn na moanhwɛ wɔn so yiye no nti, mede asotwe bɛbrɛ mo, mo bɔne a moayɛ no nti,” nea Awurade se ni.
Kaya si Yahweh, ang Diyos ng Israel, sinasabi ito tungkol sa mga pastol na nagpapastol sa kaniyang mga tao, “Inyong pinapangalat ang aking kawan at itinaboy ninyo sila palayo. Hindi ninyo sila inalagaan kailanman. Alamin ninyo ito! Pagbabayarin ko kayo sa mga kasamaang ginagawa ninyo—Ito ang pahayag ni Yahweh.
3 “Mʼankasa mɛboaboa me nguan nkae no afi aman a mapam wɔn akɔ hɔ nyinaa no so na mede wɔn bɛsan aba wɔn adidibea bio, baabi wɔbɛwowo na wɔn ase atrɛw.
Ako mismo ang magtitipon sa mga nalabi sa aking mga kawan mula sa lahat ng mga lupain kung saan ko sila dinala, at ibabalik ko sila sa isang masaganang lugar, kung saan sila ay magiging mabunga at dadami.
4 Na meyi nguanhwɛfo a wɔbɛhwɛ wɔn so, na wɔrensuro na wɔremmɔ hu bio na wɔn mu baako mpo renyera.” Awurade na ose.
Pagkatapos ay magbabangon ako ng mga pastol na magpapastol sa kanila upang hindi na sila matatakot o magugulo. Wala ng maliligaw sa kanila—Ito ang pahayag ni Yahweh.
5 “Nna bi reba,” Awurade na ose, “sɛ mɛma trenee dubaa bi so ama Dawid ɔhene bi a obedi ade nyansa mu na wayɛ nea ɛteɛ ne nea eye wɔ asase yi so.
Tingnan ninyo, ang mga araw ay paparating—ito ang pahayag ni Yahweh—kapag magbabangon ako para kay David ng isang matuwid na sanga. Mamumuno siya bilang hari; magdadala siya ng kasaganaan at magpapatupad siya ng katarungan at katuwiran sa lupain.
6 Ne mmere so, wobegye Yuda nkwa na Israel bɛtena ase wɔ asomdwoe mu. Eyi ne din a wɔde bɛfrɛ no: Awurade Yɛn Trenee.
Sa kaniyang mga kapanahunan, maliligtas ang Juda at mamumuhay ang Israel ng may katiwasayan. At ito ang pangalan na itatawag sa kaniya: Si Yahweh ang ating Katuwiran.
7 Na afei nna bi reba,” Awurade na ose, “a nnipa renka bio se, ‘Nokware sɛ Awurade te ase yi, nea oyii Israelfo fii Misraim,’
Samakatuwid tingnan, paparating ang mga araw—ito ang pahayag ni Yahweh—kapag hindi na nila sasabihing,' Sapagkat buhay si Yahweh, na naglabas sa mga tao ng Israel mula sa lupain ng Egipto.'
8 na mmom, wɔbɛka se, ‘Nokware sɛ Awurade te ase yi, nea oyii Israel asefo fii atifi asase so ne aman nyinaa a ɔpam wɔn kɔɔ hɔ no so no.’ Na afei wɔbɛtena wɔn ankasa asase so.”
Sa halip sasabihin nila, 'Sapagkat buhay si Yahweh, na naglabas at nagbalik sa mga kaapu-apuhan ng sambahayan ng Israel mula sa hilagang lupain at sa lahat ng mga lupain kung saan sila dinala.' At mamumuhay sila sa kanilang sariling lupain.”
9 Nea ɛfa adiyifo no ho no: Me koma abubu wɔ me mu; me nnompe nyinaa wosow. Mete sɛ ɔsabowfo, mete sɛ obi a nsa abow no, esiane Awurade ne ne nsɛm kronkron no nti.
Tungkol sa mga propeta, nawasak ang aking puso, at nanginig ang lahat ng aking mga buto. Naging tulad ako ng isang lasing na lalaki, tulad ng isang lalaking nadaig ng alak, dahil kay Yahweh at sa kaniyang mga banal na salita.
10 Aguamammɔfo ahyɛ asase no so ma; nnome no nti asase no awo wosee, adidibea a ɛwɔ nweatam no so ahyew. Adiyifo no nam ɔkwan bɔne so de wɔn tumi yɛ nea ɛnteɛ.
Sapagkat ang lupain ay puno ng mga mangangalunya. Dahil sa mga ito ang lupain ay tumatangis. Ang mga parang sa ilang ay natuyo. Ang mga landas ng mga propetang ito ay masama; ang kanilang kapangyarihan ay hindi ginamit sa tamang paraan.
11 “Odiyifo ne ɔsɔfo nyinaa nsuro Nyankopɔn; mʼasɔredan mu mpo mihu wɔn amumɔyɛsɛm,” Awurade na ose.
“Sapagkat ang mga propeta at ang mga pari ay parehong marumi. Maging sa aking tahanan ay natagpuan ko ang kanilang kasamaan! —ito ang pahayag ni Yahweh—
12 “Ɛno nti, wɔn kwan so bɛyɛ torotorootoro; wɔbɛpam wɔn akɔ sum mu na hɔ na wɔbɛhwehwe ase. Mede amanehunu bɛba wɔn so wɔ afe a wɔbɛtwe wɔn aso mu no,” Awurade na ose.
samakatuwid ang kanilang mga landas ay magiging tulad ng isang madulas na lugar sa kadiliman. Itutulak sila pababa. Mahuhulog sila rito. Sapagkat magpapadala ako ng sakuna laban sa kanila sa taon ng kanilang kaparusahan—ito ang pahayag ni Yahweh—
13 “Samaria adiyifo mu no mihuu saa atantanne yi: Wɔde Baal hyɛɛ nkɔm nam so maa me nkurɔfo Israelfo fom kwan.
Sapagkat nakita ko ang mga kasalanan ng mga propeta sa Samaria. Nagpahayag sila sa pamamagitan ni Baal at iniligaw ang aking Israelita sa maling landas.
14 Na Yerusalem adiyifo mu no mahu ade a ɛyɛ hu: Wɔsɛe aware na wodi atoro. Wɔhyɛ wɔn a wɔyɛ bɔne no mpamuden, enti obiara ntwe ne ho mfi nʼamumɔyɛsɛm ho. Wɔn nyinaa te sɛ Sodom ma me; na Yerusalemfo te sɛ Gomora.”
At maging sa mga propeta sa Jerusalem ay nakita ko ang mga kakila-kilabot na mga bagay: Nangalunya at lumalakad sila sa kasinungalingan. Pinapalakas nila ang mga kamay ng mga gumagawa ng masama: walang isa man ang tumalikod mula sa kaniyang ginagawang kasamaan. Lahat sila ay naging tulad ng Sodoma sa akin at ang mga naninirahan dito ay tulad ng Gomorra!”
15 Ɛno nti sɛɛ na Asafo Awurade, se fa adiyifo no ho: “Mɛma wɔadi aduan a ɛyɛ nwen na wɔanom nsu a awuduru wɔ mu, efisɛ Yerusalem adiyifo nti, bɔneyɛ ahyɛ asase yi so ma.”
Samakatwid ito ang sinasabi ni Yahweh ng mga hukbo tungkol sa mga propeta, “Tingnan ninyo, pakakainin ko sila ng halamang mapait at paiinumin ng tubig na nakakalason, sapagkat lumabas ang karumihan mula sa mga propeta ng Jerusalem sa buong lupain.”
16 Sɛɛ na Asafo Awurade se: “Munntie nkɔm a adiyifo no hyɛ kyerɛ mo; wɔma mo nya anidaso a enni nnyinaso. Wɔbɔ wɔn tirim ka anisoadehu, a emfi Awurade anom.
Ito ang sinasabi ni Yahweh ng mga hukbo, “Huwag ninyong pakinggan ang mga salita ng mga propeta na nagpapahayag sa inyo. Dinaya nila kayo! Naghahayag sila ng mga pangitain mula sa kanilang sariling mga kaisipan, hindi nagmula sa bibig ni Yahweh.
17 Wɔkɔ so ka kyerɛ wɔn a wobu me animtiaa no se, ‘Awurade se: Mubenya asomdwoe.’ Na wɔn a wodi wɔn komaden akyi no nyinaa, wɔka kyerɛ wɔn se, ‘Ɔhaw biara remma mo so.’
Patuloy nilang sinasabi sa mga taong hindi nagpaparangal sa akin, 'Ipinapahayag ni Yahweh na magkakaroon ng kapayapaan para sa inyo.' At ang bawat isa na lumalakad sa katigasan ng kanilang puso ay sinasabing, 'Ang sakuna ay hindi darating sa inyo.'
18 Na wɔn mu hena na wasɔre wɔ Awurade agyinatufo mu sɛ ɔbɛhwɛ anaa obetie nʼasɛm? Hena na wayɛ aso ate nʼasɛm?
Ngayon, sino ang tatayo sa konseho ng pagtitipon ni Yahweh? Sino ang makakakita at makakarinig sa kaniyang salita? Sino ang magbibigay pansin sa kaniyang salita at makikinig?
19 Hwɛ, Awurade ahum betu abufuwhyew mu, mfɛtɛ bedi kyinhyia wɔ amumɔyɛfo mpampam.
Tingnan, may isang bagyo na parating mula kay Yahweh! Ang kaniyang matinding galit ay lalabas na, at ang bagyo ay paikot-ikot. Ito ay iikot-ikot sa palibot ng mga ulo ng masasama.
20 Awurade abufuw rensan kosi sɛ obewie ne koma mu nhyehyɛe nyinaa. Nna a ɛreba no mu no mobɛte ase yiye.
Ang galit ni Yahweh ay hindi huhupa hanggang sa maisagawa ang mga ito at maisakatuparan ang layunin ng kaniyang puso. Maiintindihan ninyo ito, sa mga huling araw.
21 Mansoma saa adiyifo yi, nanso wɔde wɔn asɛm akyinkyin; mamma wɔn nkra biara, nanso wɔahyɛ nkɔm.
Hindi ko ipinadala ang mga propetang ito. Lumitaw lamang sila. Hindi ako nagpahayag ng anumang bagay sa kanila, ngunit patuloy silang nagpapahayag,
22 Sɛ wɔkaa mʼagyinatufo ho a, anka wɔbɛpae mu aka mʼasɛm akyerɛ me nkurɔfo na ama wɔatwe wɔn ho afi wɔn akwammɔne ne wɔn nneyɛe bɔne ho.
Sapagkat kung sila ay tumayo sa aking konsehong pagtitipon, ipaparinig nila sa aking mga tao ang aking salita; ito ang dahilan upang tumalikod sila sa kanilang mga masasamang salita at maruruming mga gawain.
23 “Meyɛ Onyankopɔn a mebɛn nko ara anaa,” Awurade na ose, “na menyɛ Onyankopɔn a mewɔ akyirikyiri nso?
Diyos lamang ba ako sa malapit—Ito ang pahayag ni Yahweh—at hindi rin ba Diyos sa malayo?
24 Obi betumi de ne ho asie baabi a merentumi nhu no ana?” Awurade na ose. “Menyɛɛ ɔsoro ne asase so ma ana?” Awurade na ose.
Maaari bang makapagtago ang sinuman sa tagong lugar na hindi ko siya nakikita? —Ito ang pahayag ni Yahweh—at hindi ba ako ang nagpuno ng mga langit at ang lupa? —ito ang pahayag ni Yahweh.
25 “Mate nea adiyifo a wɔde me din hyɛ atoro nkɔm no keka. Wɔkeka se, ‘Mesoo dae! Mesoo dae!’
Narinig ko kung ano ang sinabi ng mga propeta, doon sa mga nagpapahayag ng may panlilinlang sa aking pangalan. Sinabi nila, 'Mayroon akong isang panaginip! Mayroon akong isang panaginip!'
26 Eyi bɛkɔ so akosi da bɛn wɔ atoro adiyifo yi koma mu? Wɔn a wɔbɔ wɔn tirim hyɛ nnaadaa nkɔm?
Gaano katagal ito magpapatuloy, ang mga propetang nagpapahayag ng kasinungalingan mula sa kanilang mga kaisipan, at sa mga nagpapahayag ng panlilinlang sa kanilang mga puso?
27 Wodwen sɛ dae a wɔkeka kyerɛkyerɛ wɔn ho no bɛma me nkurɔfo werɛ afi me din, sɛnea Baal som nti wɔn agyanom werɛ fii me din no.
Binabalak nilang gawin na kalimutan ng aking mga tao ang aking pangalan ayon sa mga panaginip na kanilang ibinalita, bawat isa sa kaniyang kapwa, gaya lamang ng kanilang mga ninuno na kinalimutan ang aking pangalan alang-alang sa pangalan ni Baal.
28 Ma odiyifo a waso dae no nka nʼadaeso, na ma nea ɔwɔ mʼasɛm no nka no nokware mu. Na dɛn na ntɛtɛ ne awi wɔ yɛ?” Awurade na ose.
Ang propetang may panaginip, hayaang ibalita ang kaniyang panaginip. Ngunit sa isa na pinahayagan ko ng ilang bagay, ipahayag niya ng makatotohanan ang aking salita. Ano ang gagawin ng dayami sa kaniyang butil? —Ito ang pahayag ni Yahweh—
29 “Na mʼasɛm nte sɛ ogya,” Awurade na ose, “ɛnte sɛ asae a ɛpaapae ɔbotan mu nketenkete ana?
at ang aking salita ay hindi ba tulad ng apoy? —ito ang pahayag ni Yahweh—at tulad ng maso na dinudurog ang bato?
30 “Ɛno nti,” Awurade na ose, “mikyi adiyifo a wɔfa nsɛm a efi wɔn yɔnkonom nkyɛn, na wɔpae mu ka no sɛnea efi me nkyɛn no.
Kaya tingnan ninyo, hindi ako sang-ayon sa mga propeta—ito ang pahayag ni Yahweh—sinumang magnanakaw ng salita mula sa ibang tao at sinasabi nilang sila ay galing sa akin.
31 Yiw,” Awurade asɛm ni, “mikyi saa adiyifo a wɔde wɔn ankasa tɛkrɛmawo ka se, ‘Awurade na ose.’
Tingnan, hindi ako sang-ayon sa mga propeta—ito ang pahayag ni Yahweh—na gumagamit ng kanilang mga dila upang magpahayag ng mga babala.
32 Nokware, mikyi wɔn a wɔhyɛ adaeso ho atoro nkɔm,” Awurade na ose. “Wɔka kyerɛ wɔn na wɔde atoro nsɛm daadaa me nkurɔfo ma wɔfom kwan, nso mensomaa wɔn na minnyii wɔn. Wɔn so nni mfaso mma saa nnipa yi koraa,” Awurade na ose.
Tingnan ninyo, hindi ako sang-ayon sa mga propeta na nananaginip ng mapanlinlang—Ito ang pahayag ni Yahweh—at pagkatapos ay ipapahayag ang mga ito at sa paraang ito naliligaw ang aking mga tao sa kanilang panlilinlang at pagmamataas. Hindi ako sang-ayon sa kanila, sapagkat hindi ko sila isinugo ni binigyan ng mga utos. Kaya tiyak na hindi nila tutulungan ang mga taong ito—ito ang pahayag ni Yahweh.
33 “Sɛ saa nnipa yi, anaa odiyifo anaa ɔsɔfo bisa mo se, ‘Dɛn ne Awurade adiyisɛm no a?’ Monka nkyerɛ wɔn se, ‘Adiyisɛm bɛn? Mɛpo mo, Awurade na ose.’
Kapag ang mga taong ito o isang propeta o isang pari ang magtatanong sa iyo, 'Ano ang pahayag ni Yahweh?' at dapat mong sabihin sa kanila, 'Anong pahayag? Sapagkat iniwan ko na kayo'—ito ang pahayag ni Yahweh.
34 Sɛ odiyifo bi, ɔsɔfo bi anaa obi foforo si so dua se, ‘Awurade adiyisɛm ni’ a, mɛtwe saa ɔbarima no ne ne fifo aso.
Para sa mga propeta, mga pari at ang mga taong nagsasabing, 'Ito ang pahayag ni Yahweh,' Parurusahan ko ang taong iyon at ang kaniyang sambahayan.
35 Eyi ne nea mo mu biara kɔ so ka kyerɛ ne yɔnko anaa ne busuani: ‘Awurade mmuae ne dɛn?’ Anaa ‘Dɛn na Awurade aka?’
Patuloy ninyong sinasabi, bawat tao sa kaniyang kapwa at bawat tao sa kaniyang kapatid na lalaki, 'Ano ang sagot ni Yahweh?' at 'Ano ang pahayag ni Yahweh?'
36 Nanso ɛnsɛ sɛ mobɔ ‘Awurade adiyisɛm’ so bio; efisɛ obiara asɛm bɛyɛ nʼadiyisɛm, ne saa nti modannan nsɛm a efi Onyankopɔn, Ɔteasefo, Asafo Awurade yɛn Nyankopɔn nkyɛn no mu.
Ngunit hindi na ninyo kailangan pang magsalita tungkol sa pahayag ni Yahweh, sapagkat sa bawat pahayag mula sa bawat tao ay naging kaniyang sariling mensahe, at binago ninyo ang mga salita ng buhay na Diyos, si Yahweh ng mga hukbo, na ating Diyos.
37 Eyi ne nea mokɔ so ka kyerɛ odiyifo: ‘Mmuae bɛn na Awurade de ama mo?’ Anaa ‘Asɛm bɛn na Awurade aka?’
Ito ang inyong tinatanong sa propeta, 'Ano ang isinagot ni Yahweh sa inyo? Ano ang ipinahayag ni Yahweh?
38 Ɛwɔ mu, musi so dua se, ‘Eyi ne Awurade adiyisɛm’ nanso sɛɛ na Awurade ka: Mokae se, ‘Eyi yɛ Awurade adiyisɛm,’ wɔ bere a maka akyerɛ mo se monnka saa nsɛm yi bio.
Pagkatapos ibabalita ninyo ang isang pahayag mula kay Yahweh, ngunit ito ang sinasabi ni Yahweh, 'Sinasabi mo, “Narito ang pahayag ni Yahweh,” kahit na magpapadala ako ng utos sa inyo at sinabing, “Huwag mong sabihin: Ito ang isang pahayag mula kay Yahweh.”
39 Afei, nokware, me werɛ befi mo, na mapam mo ne kuropɔn a mede maa mo ne mo agyanom afi mʼani so.
Kaya, tingnan ninyo, pupulutin ko kayo at itatapon palayo mula sa akin, kasama ang lungsod na ibinigay ko sa inyo at sa inyong mga ninuno.
40 Na mede daa animguase, ne daa ahohora a werɛ remfi da bɛba mo so.”
Pagkatapos ay ilalagay ko kayo sa walang hanggang kahihiyan at lalaitin kayo ng hindi malilimutan.'”