< Hesekiel 31 >
1 Mfe dubaako mu, ɔsram a ɛto so abiɛsa no da a edi kan no, Awurade asɛm baa me nkyɛn se,
At nangyari ito sa ikalabing isang taon sa unang araw ng ikatlong buwan na ang salita ni Yahweh ay dumating sa akin at sinabi,
2 “Onipa ba, ka kyerɛ Misraimhene Farao ne ne dɔm se: “‘Hena ho na wɔde wo kɛseyɛ bɛtoto?
“Anak ng tao, sabihin mo kay Faraon, ang hari ng Egipto, at sa kaniyang mga tagapaglingkod na nakapalibot sa kaniya, 'Sa iyong kadakilaan, sino ang katulad mo?
3 Dwene Asiria ho, sida bi a bere bi na ɛwɔ Lebanon, Ɔde mman a ɛyɛ fɛ, na ɛhyɛ kwae so nyin kɔɔ soro yiye, ma ne nkɔn mu boro nhaban a ayɛ kusuu no so.
Masdan ninyo! Ang Asiria ay isang punong sedar sa Lebanon na may mga magagandang sanga, mayayabong na lilim, at napakataas! At ang dulo nito ay nasa itaas ng mga sanga.
4 Nsu no maa no aduan, mmura a mu dɔ ma enyin kɔɔ soro; wɔn nsuwansuwa sen faa nʼase nyinaa de kɔɔ mfuw no so nnua nyinaa ho.
Pinataas ito ng maraming tubig; pinalaki ito ng mga malalalim na tubig. Umaagos ang mga ilog sa lahat ng palibot nito kung saan ito nakatanim, sapagkat ang kanilang mga lagusan ay umaabot sa lahat ng mga punongkahoy sa parang.
5 Enti ɛkɔɔ sorosoro sen mfuw no so nnua nyinaa; ne dubaa dɔɔso ne mman nyin yɛɛ atenten, na nsu dodow a enyaa no nti ɛdennanee.
Ang labis na taas nito ay higit sa kahit na anong punongkahoy sa parang, at naging napakarami ang mga sanga nito; humaba ang mga sanga nito dahil sa maraming tubig habang lumalaki ang mga ito.
6 Wim nnomaa nyinaa yɛɛ wɔn berebuw wɔ ne dubaa no mu, wuram mmoa nyinaa wowoo mma wɔ ne mman no ase aman akɛse nyinaa tenaa ne nwini ase.
Pinamugaran ng lahat ng ibon sa kalangitan ang mga sanga nito, habang ang lahat ng nabubuhay sa parang ay nagsisilang ng kanilang mga anak sa ilalim ng mga dahon nito. Nakatira ang lahat ng maraming bansa sa ilalim ng lilim nito.
7 Na ne kɛseyɛ no yɛ fɛ, ne dubaa a adennan no nti, na ne ntin nyin kɔɔ fam koduu nsu bebree mu.
Sapagkat ang kagandahan nito ay sa kalakihan at sa haba ng mga sanga nito, sapagkat ang mga ugat nito ay nasa maraming tubig!
8 Sida a ɛwɔ Onyankopɔn turo mu nto no, na ɔpepaw nnua nso dubaa ne no nyɛ pɛ, na wontumi mfa ɔfo nnua nso ntoto ne mman ho, dua biara nni Onyankopɔn turo no mu a nʼahoɔfɛ te sɛ no.
Hindi ito kayang tumbasan ng mga punong sedar sa halamanan ng Diyos! Wala sa mga punong abeto ang makapapantay sa mga sanga nito, at walang anumang mga punongkahoy ang makatutumbas sa mga sanga nito. Walang punongkahoy sa halamanan ng Diyos ang makatutumbas sa ganda nito!
9 Mebɔɔ no ahoɔfɛ maa no mman bebree, na nnua a ɛwɔ Eden nyinaa Onyankopɔn turo no mu no ani beree no.
Pinaganda ko ito sa kaniyang maraming mga sanga; at kinaiingitan ito ng lahat ng mga punongkahoy sa Eden na nasa halamanan ng Diyos.
10 “‘Ɛno nti, sɛɛ na Otumfo Awurade se: Esiane sɛ enyin kɔɔ soro, maa ne nkɔn mu hyɛɛ nhaban a abunkam so, na afei ɔyɛɛ ahantan wɔ ne tentenyɛ ho nti,
Kaya, ito ang sinasabi ng Panginoong Yahweh: Dahil sa napakataas nito, at dahil sa itinaas niya ang dulo ng kaniyang punongkahoy sa itaas ng mga sanga at itinaas niya ang kaniyang puso sa taas na iyon—
11 mede no hyɛɛ amanaman sodifo nsa, sɛ ɔne no nni no sɛnea nʼamumɔyɛ te. Mepoo no,
kaya ibinigay ko siya sa kamay ng mga pinaka-makapangyarihang pinuno ng mga bansa! Kumilos ang pinunong ito laban sa kaniya at pinalayas siya dahil sa kaniyang kasamaan!
12 na ananafo aman no mu anuɔdenfo twaa no hwee fam, na ogyaw no hɔ. Ne dubaa no hwehwee mmepɔw ne aku mu; ne mman mu bubuu wɔ subon mu. Asase so aman nyinaa fii ne nwini ase, na wogyaw no hɔ.
Pinutol siya ng mga dayuhang kinatatakutan ng lahat ng mga bansa at pagkatapos ay iniwan siya. Ang mga sanga nito ay nagsihulog sa mga bundok at sa mga lambak, at nasira ang mga sanga nito sa lahat ng mga batis sa mundo. At lumabas ang lahat ng mga bansa sa mundo mula sa lilim nito at iniwan siya.
13 Wim nnomaa nyinaa sisii dua a abu no so, na wuram mmoa kɔhyehyɛɛ ne mman mu.
At nagpahinga sa mga puno nito ang lahat ng mga ibon sa mga kalangitan, at umupo sa mga sanga nito ang lahat ng mga mababangis na hayop sa parang.
14 Ɛno nti, nnua a ɛwɔ nsu ho no mu biara renyɛ ahantan, nnyin nkɔ sorosoro, mmoro nhaban a abunkam so no so. Nnua afoforo biara a enya nsu bebree no rennyin nkɔ soro saa bio. Wɔahyɛ sɛ wɔn nyinaa bewu akɔ asase ase, wɔ nnipamma a wosian kɔ amoa mu no nkyɛn.
Nangyari ito upang walang mga punongkahoy na sagana sa tubig ang lalago nang ganoong kataas, upang hindi nila itaas ang kanilang mga dulo sa itaas ng mga dahon, sapagkat wala ng iba pang punongkahoy na nakainom ng tubig ang muling lalago nang ganoong kataas. Sapagkat ipinasakamay silang lahat sa kamatayan hanggang sa pinakamababang bahagi ng mundo, sa gitna ng mga tao ng sangkatauhan na bumaba sa hukay.
15 “‘Sɛɛ na Otumfo Awurade se: Da a wɔde no too ɔda mu no, mede awerɛhow kataa nsuwansuwa a mu dɔ no so maa no, na amma ne nsuten no ansen, na misiw ne nsu dodow no kwan. Ne nti mede kusuuyɛ furaa Lebanon, na nnua a ɛwɔ sare no so nyinaa botowee. (Sheol )
Ito ang sinasabi ng Panginoong Yahweh: Sa araw na bumaba siya sa sheol, nagdala ako ng pagtangis sa mundo. Tinakpan ko ang mga malalalim na tubig dahil sa kaniya, at pinigilan ko ang mga tubig sa karagatan. Ipinagkait ko ang mga malalawak na tubig at nagdala ako ng pagtangis sa Lebanon para sa kaniya! Kaya ang lahat ng mga punongkahoy sa parang ay tumangis sa kaniya. (Sheol )
16 Memaa aman no ho popoo wɔ nʼasehwe nnyigyei no ho, bere a mede no baa ɔda mu ne wɔn a wɔasian kɔ amoa mu no. Afei Eden nnua nyinaa, nea ɛte apɔw na ɛyɛ papa wɔ Lebanon, nnua a enya nsu yiye nyinaa nyaa awerɛkyekye wɔ asase ase. (Sheol )
Nagdala ako ng panginginig sa mga bansa sa ugong ng kaniyang pagbagsak, nang itinapon ko siya sa sheol kasama ng mga bumaba sa hukay! At napanatag ko ang lahat ng mga punongkahoy ng Eden sa mga pinakamababang bahagi ng mundo! Ito ang mga pinakapili at pinakamagandang punongkahoy ng Lebanon, ang mga puno na nagsiinom ng mga tubig! (Sheol )
17 Wɔn a wɔtenaa ne nwini ase, ne ne dɔm a wɔwɔ amanaman no mu nso ne no kɔ ɔda mu, akɔka wɔn a wɔtotɔɔ wɔ afoa ano no ho. (Sheol )
Sapagkat bumaba din silang kasama niya sa sheol, silang mga pinatay sa pamamagitan ng mga espada! Ito ang mga malalakas niyang braso, ang mga bansa na nanirahan sa kaniyang lilim. (Sheol )
18 “‘Nnua a ɛwɔ Eden no mu de, ɛwɔ he na ebetumi de ne ho atoto wo ho wɔ anuonyam ne kɛseyɛ mu? Nanso wo nso wobesian wo akɔ fam, wo ne Eden nnua no. Wobɛfra momonotofo mu, wɔn a wɔatotɔ wɔ afoa ano no. “‘Eyi yɛ Farao ne ne dɔm no, Otumfo Awurade asɛm ni.’”
Alin sa mga punongkahoy sa Eden ang papantay sa iyong kaluwalhatian at kadakilaan? Sapagkat dadalhin ka pababa kasama ng mga punongkahoy ng Eden sa mga pinakamababang bahagi ng mundo kasama ng mga taong hindi tuli; mamumuhay ka kasama ng mga taong pinatay sa pamamagitan ng espada! Ito ay si Faraon at ang lahat ng kaniyang mga tagapaglingkod! —ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh!”'