< 5 Mose 18 >

1 Lewifo Asɔfo no, nokware Lewi abusuakuw nyinaa no, nni kyɛfa ne agyapade biara wɔ Israelman mu te sɛ mmusuakuw a wɔaka no. Wobedi aduan afɔre a wɔbɔ ma Awurade no bi, efisɛ wonni agyapade.
Ang mga pari, na mga Levita, at ang lahat ng lipi ni Levi, ay walang bahagi ni pamana sa Israel; dapat nilang kainin ang mga handog kay Yahweh na gawa sa apoy bilang kanilang pamana.
2 Israelfo mu de, wɔrennya agyapade biara sɛ wɔn ankasa kyɛfa. Awurade ankasa bɛyɛ wɔn kyɛfa sɛnea ɔhyɛɛ wɔn bɔ no.
Dapat wala silang pamana kasama ng kanilang mga kapatid na lalaki; si Yahweh ang kanilang pamana, gaya ng sinabi niya sa kanila.
3 Eyi ne kyɛfa a asɔfo no benya afi nantwi ne oguan a nnipa no de bɛbɔ afɔre no mu: ne mmati, nʼabogye ne nʼayamde.
Ito ang magiging bahagi ng mga nakatakdang pari mula sa mga tao, mula sa kanila na naghahandog ng isang alay, maging ito ay mga baka o tupa: dapat nilang ibigay sa pari ang balikat, ang dalawang pisngi, at ang mga lamanloob.
4 Afei, momma wɔn mo atokokan mu ade, nsa foforo ne ngo ne nwi a edi kan a wotwitwa fi mo nguan ho no.
Ang mga unang bunga ng inyong butil, ng inyong bagong alak, at ng inyong langis, at ang unang balahibo ng inyong tupa, dapat ninyong ibigay sa kaniya.
5 Efisɛ Awurade, mo Nyankopɔn no, apaw Lewifo ne wɔn asefo afi mo mmusuakuw nyinaa mu sɛ wonnyina, nsom daa wɔ Awurade din mu.
Dahil pinili siya ni Yahweh na inyong Diyos mula sa lahat ng inyong lipi para tumayong maglingkod sa pangalan ni Yahweh, siya at ang kaniyang mga anak na lalaki magpakailanman.
6 Sɛ Lewini bi pɛ na ofi mo nkurow no mu biara a ɔte so wɔ Israel kɔ baabi a Awurade ayi a,
Kung may isang Levita na dumating mula sa alinman sa inyong mga bayan na mula sa buong Israel kung saan siya namumuhay, at nagnanais ng buong kaluluwa na siya'y pumunta sa lugar na pipiliin ni Yahweh,
7 otumi som wɔ Awurade, ne Nyankopɔn, din mu te sɛnea ne nkurɔfo Lewifo a wɔsom wɔ hɔ wɔ Awurade anim no yɛ no ara.
sa gayon dapat siyang maglingkod sa pangalan ni Yahweh na kaniyang Diyos gaya ng ginagawa ng lahat ng kaniyang kapatid na Levita, na siyang tumayo roon sa harapan ni Yahweh.
8 Sɛ mpo wanya sika bi afi abusua agyapade bi tɔn mu a, wɔde ne kyɛfa a ɛwɔ afɔrebɔde no mu sɛ Lewini no bɛma no sɛ asɛde.
Dapat silang magkaroon ng parehong bahagi para kainin, bukod sa kung ano ang dumating mula sa pinagbilhan ng pamana ng kaniyang pamilya.
9 Sɛ munya du asase a Awurade, mo Nyankopɔn no, de rema mo no so a, monhwɛ yiye na moansua amanaman a ɛwɔ hɔ no amanne a ɛyɛ akyiwade no.
Kapag nakarating kayo sa lupaing ibibigay ni Yahweh na inyong Diyos sa inyo, hindi ninyo dapat matutunan ang mga kasuklam-suklam na bagay ng mga bansang iyon.
10 Mommma wonhu sɛ mo mu bi de ne babarima anaa ne babea abɔ ɔhyew afɔre. Na mommma mo nnipa no nyɛ akɔmfo a wɔhyɛ abosom nkɔm, abayifo ne abisakɔfo, ne ntafowayifo
Walang dapat na makitang isa sa inyo na ginagawang padaanin ang kaniyang anak na lalaki o kaniyang anak na babae sa apoy, sinumang gumagawa ng panghuhula, sinumang nagsasanay ng hula, o alinmang mang-aakit, o alinmang mangkukulam,
11 ne nkaberekyerefo ne samanfrɛfo, osumanni a ɔfrɛ ɔsaman.
alinmang manggagayuma, sinumang nakipag-usap sa patay, o sinumang nakikipag-usap sa mga espiritu.
12 Obiara a ɔyɛ saa ade yi bi no yɛ Awurade akyiwade na saa akyiwade yi nti na Awurade, mo Nyankopɔn no, bɛpam saa aman no afi mo anim.
Dahil ang sinumang gumagawa ng mga bagay na ito ay kasuklam-suklam kay Yahweh; dahil sa mga kasuklam-suklam na bagay na ito palalayasin sila ni Yahweh na inyong Diyos mula sa inyong harapan.
13 Monyɛ pɛ wɔ Awurade, mo Nyankopɔn no, anim.
Wala dapat kayong bahid ng kasalanan sa harapan ni Yahweh na inyong Diyos.
14 Aman a morekotu wɔn yi tie wɔn a wɔpɛ abayisɛm ne nkɔmhyɛnsɛm. Nanso mo de, Awurade, mo Nyankopɔn no, mmaa mo kwan sɛ monyɛ saa ɛ.
dahil ang mga bansang ito na inyong sasakupin ay nakikinig sa mga taong gumagawa ng pangkukulam at panghuhula; pero para sa inyo, hindi kayo pinayagan ni Yahweh na inyong Diyos na gawin iyon.
15 Awurade, mo Nyankopɔn no, beyi odiyifo a ɔte sɛ me afi mo Israelfo yi ara mu. Ɛsɛ sɛ moyɛ osetie ma no.
Magtatatag si Yahweh na inyong Diyos ng isang propeta para sa inyo na mula sa inyo, isa sa inyong mga kapatid, katulad ko. Dapat kayong makinig sa kaniya.
16 Eyi ne nea mo ankasa mobisaa Awurade, mo Nyankopɔn no, bere a muhyiaa wɔ Horeb no. Mosrɛɛ sɛ mompɛ sɛ mote Awurade, mo Nyankopɔn no, nne anaa muhu ogyaframa bio, efisɛ musuro sɛ anhwɛ a, mubewuwu.
Ito ang inyong hiningi mula kay Yahweh na inyong Diyos sa Horeb ng araw ng pagpupulong, sa pagsasabing, 'Huwag nating hayaang marinig muli ang boses ni Yahweh na ating Diyos, ni makita pa man ang malaking apoy na ito, o tayo ay mamamatay.'
17 Na Awurade buae se, “Mɛyɛ wɔn abisade ama wɔn.
Sinabi ni Yahweh sa akin, 'Ang kanilang sinabi ay mabuti.
18 Mɛda odiyifo te sɛ wo adi afi wɔn nkurɔfo Israelfo mu. Mede me nsɛm bɛhyɛ nʼanom, na ɔbɛka biribiara a mɛhyɛ wɔn no akyerɛ wɔn.
Magtatatag ako ng isang propeta para sa kanila mula sa kanilang mga kapatid, na katulad mo. Ilalagay ko ang aking mga salita sa kaniyang bibig, at sasabihin niya sa kanila ang lahat ng iniutos ko sa kanila.
19 Mʼankasa me ne obiara a wantie asɛm a odiyifo no bɛka wɔ me din mu no bedi.
Mangyayari ito kung mayroong hindi makikinig sa aking mga salita na sinasabi niya sa aking pangalan, hihingin ko ito sa kaniya.
20 Na odiyifo biara bɛpatuw aka nea menhyɛe, anaa ɔnam onyame foforo bi din so ka asɛm no, ɛsɛ sɛ wokum no.”
Pero ang propetang magsasalita nang may kayabangan sa aking pangalan, isang salita na hindi ko iniutos sa kaniya na sabihin, o magsalita sa pangalan ng ibang mga diyus-diyosan, ang propetang iyan ay dapat na mamatay.'
21 Mubebisa mo ho se, “Ɛbɛyɛ dɛn na yɛahu sɛ adiyisɛm no fi Awurade anaasɛ emfi no?”
Kung sasabihin ninyo sa inyong puso, 'Paano natin makikilala ang isang mensahe na hindi sinabi ni Yahweh?'—
22 Sɛ odiyifo no hyɛ nkɔm wɔ Awurade din mu na amma mu a, na ɛnyɛ Awurade na ɔde asɛm no mae. Na ɛkyerɛ sɛ, saa odiyifo no ara kaa ɔno ankasa nʼasɛm bi kwa enti ɛnsɛ sɛ musuro.
kapag magsasalita ang isang propeta sa pangalan ni Yahweh, kung ang bagay na iyon ay hindi maganap ni mangyari, kung gayon iyon ay isang bagay na hindi sinabi ni Yahweh; sinasabi ito ng propeta ng may kayabangan, at hindi kayo dapat matakot sa kaniya.

< 5 Mose 18 >