< Daniel 5 >

1 Mfe bebree akyi no, Ɔhene Belsasar too pon kɛse maa ne mpanyimfo apem, na ɔne wɔn nom nsa.
Nagdaos si haring Belsazar nang napakalaking handaan para sa isang libo niyang maharlikang tauhan, at uminom siya ng alak sa harapan nilang lahat na isang libo.
2 Bere a nsa no ama Belsasar ani agye no, ɔhyɛe sɛ, wɔmfa sikakɔkɔɔ ne dwetɛ nkuruwa a nʼagya Nebukadnessar tase fii Yerusalem asɔredan mu no mmra, sɛnea ɔne ne mpanyimfo, ne yerenom ne ne mpenanom bɛnom mu nsa.
Habang tinitikman ni Belsazar ang alak, nagbigay siya ng mga utos na ilabas ang mga sisidlan na gawa sa ginto at pilak na kinuha sa templo ng Jerusalem ng kaniyang amang si Nebucadnezar, upang mainuman niya at ng kaniyang mga maharlikang tauhan at ng kaniyang mga asawa at mga asawang tagapaglingkod.
3 Enti ɔde saa sikakɔkɔɔ nkuruwa a wɔtase fii Onyankopɔn asɔredan a ɛwɔ Yerusalem mu no bae, na ɔhene no ne ne mpanyimfo, ne yerenom ne ne mpenanom nom mu nsa.
Dinala ng mga tagapaglingkod ang mga gintong sisidlan na kinuha sa templo, ang bahay ng Diyos sa Jerusalem. At ito ang pinag-inuman ng hari at ang mga maharlika niyang tauhan at kaniyang mga asawa at mga asawang niyang taga-paglingkod.
4 Wɔrenom nsa no, wɔkamfoo wɔn ahoni a wɔde sikakɔkɔɔ, dwetɛ, kɔbere, dade, dua ne abo ayɛ no.
Ininom nila ang alak at nagpuri sa kanilang mga diyus-diyosan na gawa sa ginto at pilak, tanso, bakal, kahoy at bato.
5 Amono mu hɔ no ara, wohui sɛ, onipa nsateaa rekyerɛw ɔhene ahemfi fasu no a ɛbɛn kaneadua no ho. Ɔhene no hwɛɛ nsa a ɛrekyerɛw no,
Sa sandaling iyon, lumitaw ang mga daliri ng isang kamay ng tao sa harapan ng patungan ng ilaw at nagsulat sa napalitadahang pader sa palasyo ng hari. At nakikita ng hari ang bahagi ng kamay habang nagsusulat.
6 na ehu maa nʼanim danee. Sɛnea ɔbɔɔ hu no maa ne kotodwe keka bobɔɔ mu, na ne nan mu yɛɛ mmrɛw.
Nagbago ang mukha ng hari at tinakot siya ng kaniyang isipan; ang kaniyang mga hita ay hindi siya kayang suportahan at ang kaniyang mga tuhod ay nag-uumpugan.
7 Ɔhene no teɛɛ mu frɛɛ se wɔmfa pɛadeahufo, Kaldeafo ne ntafowayifo mmra nʼanim. Ɔka kyerɛɛ saa Babilonia anyansafo yi se, “Obiara a obetumi akenkan nkyerɛw yi, akyerɛ me ase no, wobefura no ɔtamkɔkɔɔ a ɛyɛ adehye abasobɔde, na wɔde sikakɔkɔɔ ntweaban agu ne kɔn mu. Ɔno na ɔbɛyɛ ɔman sodifo a ɔto so abiɛsa wɔ ahemman yi mu.”
Sumigaw ang hari at nag-utos na papasukin ang mga nagsasabing nakikipag-usap sa mga patay, mga matatalinong kalalakihan at mga astrologo. At sinabi ng hari sa mga kilala dahil sa kanilang mga karunungan sa Babilonia, “Kung sino man ang makapagpapaliwanag sa nakasulat at makapagsasabi ng kahulugan nito ay dadamitan ng kulay ube at lalagyan ng gintong kuwintas sa kaniyang leeg. Magkakaroon siya ng kapangyarihan ng ikatlong pinakamataas na pinuno sa kaharian.”
8 Nanso ɔhene no anyansafo no bae no, wɔn mu biara antumi ankenkan nkyerɛw no, ankyerɛ ase amma ɔhene no.
At ang lahat ng mga kalalakihan ng hari na kilala sa kanilang karunungan ay pumasok, ngunit hindi nila mabasa ang nakasulat o maipaliwanag sa hari ang kahulugan nito.
9 Enti ɛmaa ɔhene no ho yeraw no yiye, na nʼanim sesae. Nʼabirɛmpɔn nso ho yeraw wɔn.
At labis na nabagabag si haring Belsazar at nagbago ang anyo ng kaniyang mukha. At namangha ang mga maharlika niyang tauhan.
10 Na bere a Ɔhemmea no tee ɔhene ne ne mpanyimfo nteɛteɛmu no, ɔyɛɛ ntɛm kɔɔ apontodan mu hɔ. Ɔka kyerɛɛ Belsasar se, “Nana nkwa so! Nana, nsuro na mma wʼanim nsesa!
Ngayon, pumasok ang inang reyna sa loob ng pinagpigingang bahay kung saan ang handaan dahil sa sinabi ng hari at ng kaniyang mga maharlikang tauhan. Sinabi ng inang reyna, “Hari, mabuhay ka magpakailanman! Huwag mong hayaang guluhin ka ng iyong pag-iisip. Huwag mong hayaang magbago ang anyo ng iyong mukha.
11 Ɔbarima bi wɔ wʼahenni mu ha a ɔwɔ anyame kronkron honhom wɔ ne mu. Wʼagya Nebukadnessar adedi mu no, wohuu sɛ, saa ɔbarima yi wɔ ntease nhumu ne nyansa te sɛ anyame no. Wʼagya Nebukadnessar sii no panyin wɔ nkonyaayifo, pɛadeahufo, Kaldeafo ne ntafowayifo so wɔ Babilonia.
May isang lalaki sa iyong kaharian na nagtataglay ng espiritu ng mga banal na diyos. Sa mga panahon ng iyong ama, nakikita sa kaniya ang ilaw, pang-unawa at karunungan gaya ng karunungan ng mga diyos. Si haring Nebucadnezar, na iyong amang hari, ang nagtalaga sa kaniya na maging pinuno ng mga salamangkero at siya rin ang pinuno ng mga nakikipag usap sa patay, ng matatalinong kalalakihan at ng mga astrologo.
12 Saa ɔbarima Daniel yi a ɔhene too no din Beltesasar yi adwene mu dɔ, na Onyankopɔn ho nimdeɛ ne ntease ahyɛ no ma. Otumi kyerɛ dae ne kasanyansa ase, na nsɛm a ɛkyere adwene no, ɔsan mu. Momfrɛ Daniel na ɔbɛkyerɛ mo nkyerɛw no ase.”
Ang lahat ng mga katangian na ito, natatanging espiritu, karunungan, pang-unawa, pagbibigay kahulugan sa mga panaginip, nagpapaliwanag sa mga matalinhagang salita, paglulutas ng mga suliranin ay matatagpuan sa mismong Daniel na pinangalanan ng hari na Beltesazar. Ipatawag mo si Daniel ngayon at sasabihin niya sa iyo ang kahulugan ng nakasulat.”
13 Enti wɔkɔfaa Daniel baa ɔhene anim. Ɔhene no bisaa no se, “Wone Daniel no a mʼagya Nebukadnessar faa wo nnommum de wo fii Yuda bae no?
Pagkatapos dinala si Daniel sa harapan ng hari. Sinabi ng hari sa kaniya, “Ikaw iyong Daniel, na isa sa mga taong binihag sa Juda, na kinuha ng aking ama mula sa Juda.
14 Mate wo nka sɛ, wowɔ anyame honhom wɔ wo mu, na ntease, nhumu ne nyansa ahyɛ wo ma.
Nabalitaan ko ang tungkol sa iyo, na ang espiritu ng mga diyos ay nasa iyo, ang ilaw, ang pang-unawa at natatanging karunungan ay matatagpuan sa iyo.
15 Wɔde anyansafo ne pɛadeahufo baa mʼanim sɛ wɔbɛkenkan nkyerɛw a egu ɔfasu yi ho yi na wɔnkyerɛ me ase, nanso wɔantumi.
At dinala sa harapan ko ang mga kalalakihan na kilala sa kanilang mga karunungan at ang mga nagsasabing nakikipag-usap sa mga patay, upang basahin ang nakasulat at sabihin sa akin ang kahulugan nito, ngunit hindi nila kayang sabihin ang kahulugan nito.
16 Na mate wo nka sɛ wutumi kyerɛ nsɛm ase; na wosan nsɛm a ɛkyere adwene mu. Na sɛ wutumi kenkan nkyerɛw a ɛwɔ ɔfasu yi ho na wokyerɛ me ase a, wobefura wo ɔtamkɔkɔɔ a ɛyɛ adehye abasobɔde, na wɔde sikakɔkɔɔ ntweaban begu wo kɔn mu. Na wobɛyɛ ɔman sodifo a ɔto so abiɛsa wɔ ahemman yi mu.”
Narinig ko na kaya mong magbigay ng kahulugan at lumutas ng mga suliranin. Ngayon kapag nabasa mo ang nakasulat at sabihin sa akin ang kahulugan nito, dadamitan ka ng kulay ube at lalagyan ang iyong leeg ng gintong kuwintas, at ipagkakaloob sa iyo ang kapangyarihan ng ikatlong pinakamataas na pinuno sa kaharian.”
17 Daniel buaa ɔhene no se, “Nana, mesrɛ, ma wʼakyɛde no ntena hɔ na fa wʼabasobɔde no ma obi foforo. Nanso, Nana, mɛkenkan nkyerɛw no, na makyerɛ wo ase.
At sumagot si Daniel sa harapan ng hari, “Hayaang mong sa iyo ang iyong mga kaloob at ibigay ang iyong mga gantimpala sa ibang tao. Ganoon pa man, babasahin ko sa iyo ang nakasulat, hari, at sasabihin ko sa iyo ang kahulugan.
18 “Nana, Ɔsorosoro Nyankopɔn maa wʼagya Nebukadnessar kɛseyɛ, anuonyam ne nidi.
Para sa iyo, hari, ang Kataas-taasang Diyos ang nagbigay ng kaharian kay Nebucadnezar na iyong ama nang may kadakilaan, karangalan at kapangyarihan.
19 Ɔyɛɛ no kɛse ara kosii sɛ, nnipa ahorow nyinaa, aman nyinaa ne kasa biara du nʼanim a, wɔn ho popo biribiribiri. Okunkum wɔn a ɔpɛ sɛ okunkum wɔn, na ogyaa wɔn a ɔpɛ sɛ ogyaa wɔn. Ɔhyɛɛ wɔn a ɔpɛ sɛ ɔhyɛ wɔn anuonyam no anuonyam, na wɔn a ɔpɛ sɛ ɔbrɛ wɔn ase no, ɔbrɛɛ wɔn ase.
At dahil sa kadakilaang ibinigay ng Diyos sa kaniya, ang lahat ng tao, mga bansa at mga wika ay nanginig at natakot sa kaniya. Ipinapatay niya ang mga gusto niyang mamatay at pinapanatili niyang buhay ang mga gusto niyang mabuhay. Binigyan niya ng karangalan ang mga gusto niyang parangalan, at ibinababa niya ang mga gusto niyang ibaba.
20 Nanso ahomaso maa ne koma ne nʼadwene yɛɛ den no, woyii no fii nʼahengua so, sii no fam, gyee nʼanuonyam no.
Ngunit nang nagmataas ang kaniyang puso at naging matigas ang kaniyang espiritu kaya kumilos siya ng may kapalaluan, ibinaba siya mula sa pagkahari, at tinanggal nila ang kaniyang kapangyarihan.
21 Wɔpam no fii nnipa mu. Wɔmaa no aboa adwene, na ɔne wuram mmoa tenae. Ɔwee sare te sɛ nantwi, na ɔsoro bosu fɔw no fɔkyee kosii sɛ, afei ohui sɛ, sɛɛ Ɔsorosoro Nyankopɔn na odi wiase ahemman nyinaa so, na ɔno ara nso na oyi obi a ɔpɛ ma odi so.
Itinaboy siya mula sa mga tao, at siya ay nagkaroon ng pag-iisip ng isang hayop, at nabuhay siya na kasama ang maiilap na mga asno. Kumakain siya ng damo tulad ng baka. Nababasa ang kaniyang katawan sa hamog na mula sa kalangitan hanggang sa natutuhan niyang ang Kataas-taasang Diyos ang naghahari sa mga kaharian ng mga tao at itinatalaga niya ang sinumang nais niyang maghari sa kanila.
22 “Nanso wo, ne ba Belsasar, wunim eyinom nyinaa, nanso woammrɛ wo ho ase.
Ikaw Belsazar, na kaniyang anak na lalaki, hindi mo ipinakumbaba ang iyong puso, kahit na alam mo ang lahat ng mga ito.
23 Woama wo ho so atia Ɔsoro Awurade mmom. Woafa saa nkuruwa yi a esisi wʼanim a wɔfa fii nʼasɔredan mu no. Wo ne wʼatitiriw ne wo yerenom ne wo mpenanom anom mu nsa, bere a morekamfo dwetɛ, sikakɔkɔɔ, kɔbere, dade, dua ne ɔbo anyame a wonhu ade, na wɔnnte asɛm, na wonnim hwee koraa no. Na moamfa nidi amma Onyankopɔn a okura mo nkwa na odi mo nkrabea so no.
Itinaas mo ang iyong sarili laban sa Panginoon ng langit. Mula sa kaniyang tahanan dinala sa iyo ang mga sisidlang ininuman mo ng alak at iyong mga maharlikang tauhan at ng iyong mga asawa at ng iyong mga asawang lingkod at nagpuri kayo sa inyong mga diyus-diyosang gawa sa pilak at ginto, tanso, bakal, kahoy at bato—-mga diyus-diyosang hindi makakita, hindi makarinig, o hindi nakakaalam ng anumang bagay. Hindi mo iginalang ang Diyos na may hawak ng iyong hininga sa kaniyang kamay at nakakaalam sa lahat ng iyong mga pamamaraan.
24 Ne saa nti, Onyankopɔn asoma nsa yi sɛ, ɛmmɛkyerɛw nkra yi.
Kaya nagpadala ang Dios ng isang kamay mula sa kaniya at isinulat ito.
25 “Nkra a, ɛkyerɛwee ni: Mene, Mene, Tekel, Parsin.
At ito ang kaniyang isinulat: MENE, MENE, TEKEL, UPHARSIN.
26 “Saa nsɛm yi nkyerɛase ni: “‘Mene’ nkyerɛase ne wɔakan. Onyankopɔn akan wʼahenni nna a aka na watwa so de aba nʼawiei.
Ito ang kahulugan nito: MENE, ''Binilang' ng Diyos ang iyong kaharian at ito ay kaniyang winakasan.
27 “‘Tekel’ nkyerɛase ne: wɔakari. Wɔakari wo wɔ nsania so, nanso woantumi sɔhwɛ no.
TEKEL, ikaw ay 'tinimbang' sa mga timbangan at nakita na ikaw ay nagkulang.
28 “‘Parsin’ nkyerɛase ne: wɔakyekyɛ mu. Wɔakyekyɛ wʼahenni mu ama Mediafo ne Persiafo.”
PERES, ang iyong kaharian ay 'nahati' at ibinigay sa Medes at Persia.”
29 Afei Belsasar ma wofuraa Daniel ɔtamkɔkɔɔ a ɛyɛ adehye abasobɔde, de sikakɔkɔɔ ntweaban guu ne kɔn mu. Wɔsoaa no sɛ, ɔman sodifo a ɔto so abiɛsa wɔ ahemman no mu.
Pagkatapos nito, nagbigay ng utos si Belsazar na damitan ng kulay ube si Daniel. Isang kuwintas na ginto ang isinuot sa kaniyang leeg at nagpahayag ang hari tungkol sa kaniya na siya ay magkakaroon ng kapangyarihan sa ikatlong pinakamataas na pinuno sa kaharian.
30 Saa anadwo no ara, wokum Babiloniahene Belsasar.
Sa gabing iyon pinatay si Belsazar, ang hari ng Babilonia,
31 Na Dario a ofi Mede faa ahenni no, na wadi mfirihyia aduosia abien.
at natanggap ni Darius na taga-Mede ang kaharian nang siya ay mag-aanimnapu't dalawang taong gulang.

< Daniel 5 >