< Mezmurlar 72 >
1 Süleyman'ın mezmuru Ey Tanrı, adaletini krala, Doğruluğunu kral oğluna armağan et.
Ibigay mo sa hari ang iyong mga matuwid na mga tuntunin, O Diyos, ang iyong katuwiran sa anak na lalaki ng hari.
2 Senin halkını doğrulukla, Mazlum kullarını adilce yargılasın!
Hatulan niya nawa ang mga tao nang may katuwiran at ang mahihirap na may katarungan.
3 Dağlar, tepeler, Halka adilce gönenç getirsin!
Magbunga nawa ang mga kabundukan ng kapayapaan sa bayan; magbunga nawa ng katuwiran ang mga burol.
4 Mazlumlara hakkını versin, Yoksulların çocuklarını kurtarsın, Zalimleriyse ezsin!
Hatulan niya nawa ang mahihirap sa bayan; iligtas niya nawa ang mga anak ng nangangailangan at pira-pirasuhin ang mga mapang-api.
5 Güneş ve ay durdukça, Kral kuşaklar boyunca yaşasın;
Parangalan nila nawa ikaw habang nananatili ang araw, at hangga’t ang buwan ay nananatili sa lahat ng salinlahi.
6 Yeni biçilmiş çayıra düşen yağmur gibi, Toprağı sulayan bereketli yağmurlar gibi olsun!
Bumaba siya nawa tulad ng ulan sa tuyong damo, tulad ng ambon na dinidiligan ang mundo.
7 Onun günlerinde doğruluk serpilip gelişsin, Ay ışıdığı sürece esenlik artsın!
Umunlad nawa ang matuwid sa kaniyang mga araw at magkaroon nawa ng kasaganahan ng kapayapaan hanggang sa mawala ang buwan.
8 Egemenlik sürsün denizden denize, Fırat'tan yeryüzünün ucuna dek!
Magkaroon nawa siya ng kapangyarihan mula mga dagat, at mula sa Ilog hanggang sa dulo ng mundo.
9 Çöl kabileleri diz çöksün önünde, Düşmanları toz yalasın.
Yumuko nawa sa harapan niya silang mga naninirahan sa ilang; dilaan nawa ng kaniyang mga kaaway ang alikabok.
10 Tarşiş'in ve kıyı ülkelerinin kralları Ona haraç getirsin, Saba ve Seva kralları armağanlar sunsun!
Magbigay nawa ng handog ang mga mga hari ng Tarsis at ng mga isla; mag-alay nawa ng mga handog ang mga hari ng Sheba at Seba.
11 Bütün krallar önünde yere kapansın, Bütün uluslar ona kulluk etsin!
Tunay nga, magsiyuko nawa sa harapan niya ang lahat ng mga hari; maglingkod nawa sa kaniya ang lahat ng mga bansa.
12 Çünkü yardım isteyen yoksulu, Dayanağı olmayan düşkünü o kurtarır.
Dahil tinutulungan niya ang mga nangangailangan na tumatawag at mahihirap na walang ibang katulong.
13 Yoksula, düşküne acır, Düşkünlerin canını kurtarır.
May awa siya sa mga mahihirap at nangangailangan, at nililigtas niya ang buhay ng mga nangangailangan.
14 Baskıdan, zorbalıktan özgür kılar onları, Çünkü onun gözünde onların kanı değerlidir.
Tinutubos niya ang mga buhay nila mula sa pang-aapi at karahasan, at ang kanilang mga dugo ay mahalaga sa kaniyang paningin.
15 Yaşasın kral! Ona Saba altını versinler; Durmadan dua etsinler onun için, Gün boyu onu övsünler!
Mabuhay ang hari! Ipagkaloob nawa sa kaniya ang mga ginto ng Sheba. Manalangin nawa ang mga tao sa kaniya; pagpalain siya nawa ng Diyos buong araw.
16 Ülkede bol buğday olsun, Dağ başlarında dalgalansın! Başakları Lübnan gibi verimli olsun, Kent halkı ot gibi serpilip çoğalsın!
Magkaroon nawa ng kasaganahan ng binhi sa tuktok ng mga kabundukan ng mundo; kumampay nawa sa hangin ang kanilang mga ani tulad ng mga puno sa Lebanon, at ang mga tao sa mga lungsod ay dumami gaya ng mga damo sa lupa.
17 Kralın adı sonsuza dek yaşasın, Güneş durdukça adı var olsun, Onun aracılığıyla insanlar kutsansın, Bütün uluslar “Ne mutlu ona” desin!
Manatili nawa ang pangalan ng hari magpakailanman; nawa tumagal ang pangalan niya gaya ng araw; pagpalain nawa ang mga tao sa kaniya; nawa ang lahat ng bansa ay tawagin siyang pinagpala.
18 RAB Tanrı'ya, İsrail'in Tanrısı'na övgüler olsun, Harikalar yaratan yalnız O'dur.
Pagpalain nawa si Yahweh, ang Diyos ng Israel, siya lamang na gumagawa ng mga kahanga-hangang mga bagay.
19 Yüce adına sonsuza dek övgüler olsun, Bütün yeryüzü O'nun yüceliğiyle dolsun! Amin! Amin!
Pagpalain nawa ang kaniyang maluwalhating pangalan magpakailanaman, at mapuno nawa ang mundo ng kaniyang kaluwalhatian. Amen at Amen.
20 İşay oğlu Davut'un duaları burada bitiyor.
Ang mga panalangin ni David, na anak ni Jesse, ay tapos na. Ikatlong Libro