< Çölde Sayim 12 >

1 Musa Kûşlu bir kadınla evlenmişti. Bundan dolayı Miryam'la Harun onu yerdiler.
Pagkatapos, nagsalita sina Miriam at Aaron laban kay Moises dahil sa isang babaeng taga-Cus na napangasawa niya.
2 “RAB yalnız Musa aracılığıyla mı konuştu?” dediler, “Bizim aracılığımızla da konuşmadı mı?” RAB bu yakınmaları duydu.
Sinabi nila, “Kay Moises lamang ba nagsalita si Yahweh? Hindi rin ba siya nagsalita sa amin?” Ngayon narinig ni Yahweh kung ano ang kanilang sinabi.
3 Musa yeryüzünde yaşayan herkesten daha alçakgönüllüydü.
Ngayon ang lalaking si Moises ay lubos na mapagpakumbaba, higit pa sa sinuman sa mundo.
4 RAB ansızın Musa, Harun ve Miryam'a, “Üçünüz Buluşma Çadırı'na gelin” dedi. Üçü de gittiler.
Agad-agad nagsalita si Yahweh kay Moises, Aaron at Miriam: “Lumabas kayong tatlo, sa tolda ng pagpupulong.” Kaya lumabas silang tatlo.
5 RAB bulut sütununun içinde indi. Çadırın kapısında durup Harun'la Miryam'ı çağırdı. İkisi ilerlerken
Pagkatapos, bumaba si Yahweh sa isang haligi ng ulap. Tumayo siya sa pasukan ng tolda at tinawag sina Aaron at Miriam. Kapwa sila lumapit.
6 RAB onlara seslendi: “Sözlerime kulak verin: Eğer aranızda bir peygamber varsa, Ben RAB görümde kendimi ona tanıtır, Onunla düşte konuşurum.
Sinabi ni Yahweh, “Ngayon makinig kayo sa aking mga salita. Kapag kasama ninyo ang aking propeta, inihahayag ko ang aking sarili sa kaniya sa mga pangitain at nagsasalita ako sa kaniya sa mga panaginip.
7 Ama kulum Musa öyle değildir. O bütün evimde sadıktır.
Hindi ganyan ang aking lingkod na si Moises. Matapat siya sa lahat ng aking sambahayan.
8 Onunla bilmecelerle değil, Açıkça, yüzyüze konuşurum. O RAB'bin suretini görüyor. Öyleyse kulum Musa'yı yermekten korkmadınız mı?”
Tuwiran akong nagsasalita kay Moises, hindi sa pamamagitan ng mga pangitain o mga bugtong. Nakikita niya ang aking anyo. Kaya bakit hindi kayo takot na magsalita laban sa aking lingkod, laban kay Moises?”
9 RAB onlara öfkelenip oradan gitti.
Nag-alab ang galit ni Yahweh laban sa kanila at iniwan niya sila.
10 Bulut çadırın üzerinden ayrıldığında Miryam deri hastalığına yakalanmış, kar gibi bembeyaz olmuştu. Harun Miryam'a baktı, deri hastalığına yakalandığını gördü.
Pumaitaas ang ulap mula sa ibabaw ng tolda, at biglang naging ketongin si Miriam—pumuti siya kagaya ng niyebe. Nang lumingon si Aaron kay Miriam, nakita niya na nagkaroon siya ng ketong.
11 Musa'ya, “Ey efendim, lütfen akılsızca işlediğimiz günahtan ötürü bizi cezalandırma” dedi,
Sinabi ni Aaron kay Moises, “Oh aking panginoon, pakiusap, huwag mong ipataw ang kasalanang ito laban sa amin. Nagsalita kami nang may kahangalan, at nagkasala kami.
12 “Miryam etinin yarısı yenmiş olarak ana rahminden çıkan ölü bir bebeğe benzemesin.”
Pakiusap huwag siyang hayaang matulad sa isang patay na bagong silang na naubos ang kalahati ng laman nang lumabas mula sa sinapupunan ng kaniyang ina.”
13 Musa RAB'be, “Ey Tanrı, lütfen Miryam'ı iyileştir!” diye yakardı.
Kaya tumawag si Moises kay Yahweh. Sinabi niya, “Pakiusap pagalingin mo siya, oh Diyos, pakiusap.”
14 RAB, “Babası onun yüzüne tükürseydi, yedi gün utanç içinde kalmayacak mıydı?” diye karşılık verdi, “Onu yedi gün ordugahtan uzaklaştırın, sonra geri getirilsin.”
Sinabi ni Yahweh kay Moises, “Kung duraan ng kaniyang ama ang kaniyang mukha, mapapahiya siya sa loob ng pitong araw. Huwag ninyo siyang papasukin sa kampo sa loob ng pitong araw. Pagkatapos nito, papasukin siyang muli.”
15 Böylece Miryam yedi gün ordugahtan uzaklaştırıldı, o geri getirilene dek halk yola çıkmadı.
Kaya pinanatili si Miriam sa labas ng kampo sa loob ng pitong araw. Hindi naglakbay ang mga tao hanggang sa makabalik siya sa kampo.
16 Bundan sonra halk Haserot'tan ayrılıp Paran Çölü'nde konakladı.
Pagkatapos nito, naglakbay ang mga tao mula Hazerot at nagkampo sa ilang ng Paran.

< Çölde Sayim 12 >