< Eyüp 5 >
1 “Haydi çağır, seni yanıtlayan çıkacak mı? Meleklerin hangisine yöneleceksin?
Manawagan ka na ngayon, mayroon bang makikinig sa iyo? Sino sa mga banal ang malalapitan mo?
2 Aptalı üzüntü öldürür, Budalayı kıskançlık bitirir.
Dahil papatayin ng galit ang isang hangal, papatayin ng selos ang walang isip.
3 Ben aptalın kök saldığını görünce, Hemen yurduna lanet ettim.
Nakakita na ako ng isang hangal na lumalalim na ang ugat, pero bigla kong sinumpa ang kaniyang tahanan.
4 Çocukları güvenlikten uzak, Mahkeme kapısında ezilir, Savunan çıkmaz.
Ang kaniyang mga anak ay malayo sa kaligtasan; naipit sila sa mga tarangkahan ng lungsod. Wala kahit isa ang magliligtas sa kanila —
5 Ürününü açlar yer, Dikenler arasındakini bile toplarlar; Mallarını susamışlar yutmak ister.
ang ani nila ay kinain ng mga nagugutom, ng mga taong kumukuha nito mula sa mga matinik na lugar; ang mga kayamanan nila ay sinimot ng mga taong nauuhaw dito.
6 Çünkü dert topraktan çıkmaz, Sıkıntı yerden bitmez.
Sapagkat ang mga paghihirap ay hindi tumutubo mula sa lupa; kahit ang kaguluhan ay hindi umuusbong mula sa lupa;
7 Havaya uçuşan kıvılcımlar gibi Sıkıntı çekmek için doğar insan.
Pero gumagawa ang sangkatuhan ng sarili niyang kaguluhan, gaya ng mga apoy na lumilipad paitaas.
8 “Oysa ben Tanrı'ya yönelir, Davamı O'na bırakırdım.
Pero ako, sa Diyos ako lalapit, ipagkakatiwala ko sa Diyos ang aking kalagayan —
9 Anlayamadığımız büyük işler, Sayısız şaşılası işler yapan O'dur.
siya na gumagawa ng mga dakila at makabuluhang mga bagay, mga kamangha-manghang bagay na hindi na mabilang.
10 Yeryüzüne yağmur yağdırır, Tarlalara sular gönderir.
Nagbibigay siya ng ulan sa lupa, at nagpapadala ng tubig sa mga taniman.
11 Düşkünleri yükseltir, Yaslıları esenliğe çıkarır.
Ginawa niya ito para itaas ang mga mabababa; para ilikas ang mga taong nagdadalamhati sa mga abo.
12 Kurnazların oyununu bozar, Düzenlerini gerçekleştiremesinler diye.
Binibigo niya ang mga balak ng mga tuso, para hindi makamit ang mga binalak nila.
13 Bilgeleri kurnazlıklarında yakalar, Düzenbazların oyunu son bulur.
Binibitag niya ang mga matatalino sa kanilang katusuhan; ang mga plano ng matatalino ay matatapos din.
14 Gündüz karanlığa toslar, Öğlen, geceymiş gibi el yordamıyla ararlar.
Nagpupulong sila sa dilim tuwing umaga, at nangangapa sa tanghali na tulad nang sa gabi.
15 Yoksulu onların kılıç gibi ağzından Ve güçlünün elinden O kurtarır.
Pero inililigtas niya ang mga mahihirap mula sa mga espada na nasa kanilang mga bibig, at ang mga nangangailangan mula sa mga mayayaman.
16 Yoksul umutlanır, Haksızlık ağzını kapar.
Kaya may pag-asa ang mahihirap, at ang kawalan ng katarungan ay itinitikom ang kaniyang sariling bibig.
17 “İşte, ne mutlu Tanrı'nın eğittiği insana! Bu yüzden Her Şeye Gücü Yeten'in yola getirişini küçümseme.
Tingnan mo, masaya ang taong tinutuwid ng Diyos; kaya huwag mong kamuhian ang pagtutuwid ng Makapangyarihan.
18 Çünkü O hem yaralar hem sarar, O incitir, ama elleri sağaltır.
Dahil siya ay sumusugat at tumatapal, sumusugat siya at siya rin ang gumagamot.
19 Altı kez sıkıntıya düşsen seni kurtarır, Yedinci kez de sana zarar vermez.
Ililigtas ka niya sa anim na kaguluhan; lalo na, sa pitong kaguluhan, walang anumang masama ang makagagalaw sa iyo.
20 Kıtlıkta ölümden, Savaşta kılıçtan seni O koruyacak.
Sa tag-gutom ikaw ay kaniyang ililigtas mula sa kamatayan; sa digmaan mula sa kapangyarihan ng espada.
21 Kamçılayan dillerden uzak kalacak, Yıkım gelince korkmayacaksın.
Ikukublli ka mula sa latay ng mga dila; at hindi ka matatakot kapag ang pagkawasak ay dumating.
22 Yıkıma, açlığa gülüp geçecek, Yabanıl hayvanlardan ürkmeyeceksin.
Tatawanan mo ang pagkawasak at tag-gutom, at hindi ka matatakot sa mga mababangis na hayop.
23 Çünkü tarladaki taşlarla anlaşacaksın, Yabanıl hayvanlar seninle barışacak.
Sapagkat may kasunduan ka sa mga bato sa iyong taniman; magiging mapayapa ka sa mga mababangis na hayop.
24 Çadırının güvenlik içinde olduğunu bilecek, Yurdunu yoklayınca eksik bulmayacaksın.
Matitiyak mo na ang iyong tolda ay ligtas; dadalawin mo ang iyong kawan at makikitang hindi ito nabawasan.
25 Çocuklarının çoğalacağını bileceksin, Soyun ot gibi bitecek.
Matitiyak mo na dadami ang iyong lahi, na ang iyong mga anak ay matutulad sa mga damo sa lupa.
26 Zamanında toplanan demetler gibi, Mezara dinç gireceksin.
Uuwi ka sa iyong puntod sa iyong katandaan, tulad ng mga naipong mga tangkay ng palay na dinadala sa giikan.
27 “İşte araştırdık, doğrudur, Onun için bunu dinle ve belle.”
Tingnan mo, siniyasat namin ang bagay na ito; ganito talaga ito; pakinggan mo ito at patunayan sa iyong sarili.”