< Yeşaya 33 >

1 Vay sana, yıkıp yok eden Ama kendisi yıkılmamış olan! Vay sana, ihanete uğramamış hain! Yıkıma son verir vermez sen de yıkılacaksın, İhanetin sona erer ermez sen de ihanete uğrayacaksın.
Kayo ay kaawa-awa, kayong mga tagawasak na hindi pa nawawasak! Kaawa-awa kayong mga taksil na hindi pinagtaksilan! Kapag itinigil ninyo ang pangwawasak, kayo ay mawawasak. Kapag itinigil ninyo ang pagtataksil, sila ay magtataksil sa inyo.
2 Ya RAB, lütfet bize, Çünkü sana umut bağladık, Gün be gün gücümüz ol! Sıkıntıya düştüğümüzde bizi kurtar.
Yahweh, maging maawain ka sa amin; maghihintay kami para sa iyo; maging aming bisig tuwing umaga, aming kaligtasan sa panahon ng kaguluhan.
3 Kükreyişinden halklar kaçışır, Sen ayağa kalkınca uluslar darmadağın olur.
Sa lakas ng ingay tumatakas ang mga tao; kapag bumangon ka, ang mga bansa ay nagkakawatak-watak.
4 Çekirgeler tarlayı nasıl yağmalarsa, Ganimetiniz de öyle yağmalanacak, ey uluslar. Malınızın üzerine çekirge sürüsü gibi saldıracaklar.
Ang iyong nasamsam ay tinitipon gaya ng mga balang na nagtitipon; gaya ng paglukso ng mga balang, ang mga tao ay lumulukso dito.
5 Yükseklerde oturan RAB yücedir, Siyon'u adalet ve doğrulukla doldurur.
Si Yahweh ay itinaas. Siya ay naninirahan sa isang mataas na lugar. Pupunuin niya ang Sion ng katarungan at katuwiran.
6 Yaşadığınız sürenin güvencesi O'dur. Bol bol kurtuluş, bilgi ve bilgelik sağlayacak. Halkın hazinesi RAB korkusudur.
Siya ay magiging katatagan sa mga panahon ninyo, kasaganaan ng kaligtasan, karunungan, at kaalaman; ang pagkatakot kay Yahweh ay ang kaniyang kayamanan.
7 İşte, en yiğitleri sokaklarda feryat ediyor, Barış elçileri acı acı ağlıyor.
Pagmasdan mo, umiyak ang kanilang mga sugo sa mga lansangan; kinatawang umaasa para sa kapayapaan ay nanangis nang may kalungkutan.
8 Anayollar bomboş, Yolculuk eden kimse kalmadı. Düşman antlaşmayı bozdu, kentleri hor gördü, İnsanları hiçe saydı.
Ang mga malawak na daanan ay napabayaan; wala ng mga manlalakbay. Ang mga kasunduan ay nasira, ang mga saksi ay hinamak, at ang mga lungsod ay hindi iginalang.
9 Ülke yas tutuyor, zayıflıyor. Lübnan utancından soldu, Şaron Ovası çöle döndü, Başan ve Karmel'de ağaçlar yaprak döküyor.
Ang lupain ay nagdadalamhati at natutuyot; ang Lebanon ay nalalanta at natutuyot; ang Sharon ay tulad ng isang patag na disyerto; at ang Bashan at Carmelo ay nagpapagpag ng kanilang mga dahon.
10 RAB diyor ki, “Şimdi harekete geçeceğim, Ne denli yüce ve üstün olduğumu göstereceğim.
“Ngayon babangon ako,” sabi ni Yahweh; “Ngayon maitataas ako; ngayon ako ay itataas.
11 Samana gebe kalıp anız doğuracaksınız, Soluğunuz sizi yiyip bitiren bir ateş olacak.
Nagbuntis kayo ng ipa, at ipanganganak ninyo ay dayami; ang inyong hininga ay isang apoy na tutupok sa inyo.
12 Halklar yanıp kül olacak, Kesilip yakılan dikenli çalı gibi olacak.
Ang bayan ay masusunog sa apog, gaya ng mga mayabong na halamang tinik na pinuputol at sinusunog.
13 “Ey uzaktakiler, ne yaptığımı işitin, Ey yakındakiler, gücümü anlayın.”
Kayo na nasa malayo, pakinggan ninyo kung ano ang aking nagawa; at, kayo na nasa malapit, kilalanin ninyo ang aking kakayahan.”
14 Siyon'daki günahkârlar dehşet içinde, Tanrısızları titreme aldı. “Her şeyi yiyip bitiren ateşin yanında Hangimiz oturabilir? Sonsuza dek sönmeyecek alevin yanında Hangimiz yaşayabilir?” diye soruyorlar.
Ang mga makasalanan sa Sion ay natatakot; panginginig ang lumukob sa mga hindi maka-diyos. Sino sa atin ang kayang manirahan ng ilang araw sa lumalagablab na apoy? Sino sa atin ang kayang manirahan sa walang hanggang pagkakasunog?
15 Ama doğru yolda yürüyüp doğru dürüst konuşan, Zorbalıkla edinilen kazancı reddeden, Elini rüşvetten uzak tutan, Kan dökenlerin telkinlerine kulak vermeyen, Kötülük görmeye dayanamayan,
Siya na lumalakad nang matuwid at nagsasalita nang matapat; siyang namumuhi sa pakinabang sa pang-aapi, na tumatanggi para tumanggap ng suhol, na hindi nagbabalak ng marahas na krimen, at hindi tumitingin sa masama.
16 Yükseklerde oturacak; Uçurumun başındaki kaleler onun korunağı olacak, Ekmeği sağlanacak, hiç susuz kalmayacak.
Siya ay gagawa ng kaniyang tahanan sa kaitaasan; ang lugar ng kaniyang kuta ay magiging mga batong tanggulan; ang kaniyang pagkain at tubig ay magpapatuloy na dadaloy.
17 Kralı bütün güzelliğiyle görecek, Uçsuz bucaksız ülkeyi seyredeceksin.
Makikita ng inyong mga mata ang hari sa kaniyang kagandahan; sila ay tatanaw ng isang malawak na lupain.
18 “Haracı tartıp kaydeden nerede, Kulelerden sorumlu olan nerede?” diyerek Geçmişteki dehşetli günleri düşüneceksin.
Magugunita ng inyong puso ang kilabot; nasaan ang eskriba, nasaan siya na nagtimbang ng pera? Nasaan siya na bumilang ng mga tore?
19 Garip, anlaşılmaz bir yabancı dil konuşan O küstah halkı artık görmeyeceksin.
Hindi na ninyo makikita ang bayan na suwail, isang bayan na may isang kakaibang wika, na hindi ninyo mauunawaan.
20 Bayramlarımızın kenti olan Siyon'a bak! Yeruşalim'i bir esenlik yurdu, Kazıkları asla yerinden sökülmeyen, Gergi ipleri hiç kopmayan, Sarsılmaz bir çadır olarak görecek gözlerin.
Pagmasdan ang Sion, ang lungsod ng aming mga pista; makikita ng inyong mga mata ang Jerusalem bilang isang tahimik na matitirahan, isang tolda na hindi maaalis, na ang mga tulos ay hindi mahihila ni anuman sa mga tali nito ang masisira.
21 Heybetli RAB orada bizden yana olacak. Orası geniş ırmakların, çayların yeri olacak. Bunların üzerinden ne kürekli tekneler, Ne de büyük gemiler geçecek.
Sa halip, ang kadakilaan ni Yahweh ay mapapasaatin, sa isang lugar na malawak na mga ilog at batis. Walang bapor na pandigma na may mga sagwan ang maglalakbay dito, at walang mga malalaking barko ang maglalayag dito.
22 Çünkü yargıcımız RAB'dir; Yasamızı koyan RAB'dir, Kralımız RAB'dir, bizi O kurtaracak.
Dahil si Yahweh ay ating hukom, si Yahweh ay ating tagapagbigay ng batas, si Yahweh ay ating hari; ililigtas niya tayo.
23 Senin gemilerinin halatları gevşedi, Direklerinin dibini pekiştirmediler, Yelkenleri açmadılar. O zaman büyük ganimet paylaşılacak, Topallar bile yağmaya katılacak.
Ang inyong mga palubid at palayag ay maluwag; hindi nila mapipigilan ang poste ng bapor sa lugar; hindi nila mailaladlad ang layag; kapag ang malaking samsam ay nahati, kahit ang pilay ay hihilahin ang nasamsam.
24 Siyon'da oturan hiç kimse “Hastayım” demeyecek, Orada yaşayan halkın suçu bağışlanacak.
Hindi sasabihin ng mga naninirahan, “Ako ay may sakit;” ang bayan na naninirahan doon ay patatawarin sa kanilang kasalanan.

< Yeşaya 33 >