< Hezekiel 8 >

1 Sürgünlüğün altıncı yılı, altıncı ayın beşinci günü evde Yahuda'nın ileri gelenleriyle otururken Egemen RAB'bin eli bana dokundu.
At nangyari na sa ika-anim na taon at ika-anim na buwan sa ika-limang araw ng buwan, habang nakaupo ako sa aking bahay at nakaupo sa aking harapan ang mga nakatatanda ng Juda, ang kamay ng Panginoong Yahweh ay muling dumating sa akin doon.
2 Baktım, insana benzer birini gördüm: Görünüşü, belinden aşağısı ateşi andırıyor, belinden yukarısı maden gibi ışıldıyordu.
Kaya tumingin ako, at pinagmasdan, mayroong larawan na tulad ng isang lalaki na may anyong tulad ng apoy mula sa kaniyang balakang pababa! At mayroong isang nagniningning na anyo na tulad ng kumikinang na metal mula sa kaniyang balakang pataas!
3 Eli andıran bir şey uzatıp beni saçlarımdan tuttu. Ruh beni yerle gök arasına kaldırdı ve Tanrı'dan gelen görümlerde Yeruşalim'e, iç avlunun kuzeye bakan kapısının giriş bölümüne götürdü. Tanrı'nın kıskançlığını uyandıran kıskançlık putu orada dikiliydi.
At inabot niya ang hugis ng isang kamay at dinala ako sa pamamagitan ng buhok ng aking ulo; itinaas ako ng Espiritu sa pagitan ng lupa at langit at sa mga pangitain mula sa Diyos, dinala niya ako sa Jerusalem, sa pasukan ng pinakaloob ng hilagang tarangkahan, kung saan nakatayo ang diyus-diyosang pumupukaw ng matinding paninibugho.
4 Ovada gördüğüm görümdeki gibi, İsrail'in Tanrısı'nın görkemi oradaydı.
At ang kaluwalhatian ng Diyos ng Israel ay naroon, na ang anyo ay tulad ng aking nakita sa kapatagan.
5 Sonra bana, “Ey insanoğlu, kuzeye bak!” dedi. Baktım, sunak kapısının kuzeye bakan giriş bölümünde duran kıskançlık putunu gördüm.
Pagkatapos, sinabi niya sa akin, “Anak ng tao, ibaling mo ang iyong mga mata sa hilaga.” Kaya ibinaling ko ang aking mga mata sa hilaga, at sa hilaga ng tarangkahan patungo sa altar, doon sa pasukan ay mayroong diyus-diyosan ng paninibugho.
6 Bana, “İnsanoğlu, ne yaptıklarını görüyor musun?” dedi, “Tapınağımdan uzaklaşayım diye İsrail halkı çok iğrenç şeyler yapıyor. Bundan daha iğrenç şeyler göreceksin.”
Kaya sinabi niya sa akin, “Anak ng tao, nakikita mo ba ang kanilang ginagawa? Ito ay malaking pagkasuklam na ginawa ng sambahayan ng Israel dito upang lumayo ako mula sa aking sariling santuwaryo! Ngunit lumingon ka at makakakita ng mas malalaking pagkasuklam!”
7 Beni avlunun giriş bölümüne getirdi. Baktım, duvarda bir delik gördüm.
At dinala niya ako sa pintuan ng patyo at tumingin ako, at mayroong isang butas sa pader.
8 Bana, “Haydi duvarı del, insanoğlu” dedi. Duvarı deldim, orada bir kapı gördüm.
Sinabi niya sa akin, “Anak ng tao, maghukay ka sa pader na ito.” Kaya naghukay ako sa pader at mayroong isang pintuan!
9 Bana, “İçeri gir de burada yaptıkları kötü ve iğrenç şeyleri gör” dedi.
At sinabi niya sa akin “Pumasok ka at tingnan ang kasamaang kasuklam-suklam na kanilang ginagawa rito.”
10 Böylece içeriye girip baktım. Duvarın her yanına çeşit çeşit sürüngen, iğrenç hayvan şekilleri ve İsrail halkının bütün putları oyulmuştu.
Kaya pumasok ako at tumingin, at hala! Mayroong ibat-ibang anyo mula sa mga gumagapang hanggang sa mga kamuhi-muhing hayop! Bawat diyus-diyosan ng sambahayan ng Israel ay iniukit sa pader sa palibot.
11 İsrail ileri gelenlerinden yetmiş kişiyle Şafan oğlu Yaazanya orada, putların önünde duruyordu. Her birinin elinde bir buhurdan vardı; buhurun kokusu bulut gibi yükseliyordu.
Pitumpung nakatatanda ng sambahayan ng Israel ang nandoon at sa kanilang kalagitnaan ay nakatayo si Jaasanias na anak na lalaki ni Safan. Nakatayo sila sa harapan ng mga imahen at ang bawat tao ay may pangsuub sa kaniyang kamay upang ang amoy ng ulap ng insenso ay pumaitaas.
12 “İnsanoğlu, İsrail halkının ileri gelenlerinin kendi putlarının odalarında, karanlıkta neler yaptıklarını gördün mü?” dedi, “Onlar, ‘RAB bizi görmüyor, RAB ülkeyi bıraktı’ diyorlar.”
Pagkatapos, sinabi niya sa akin, “Anak ng tao, nakikita mo ba kung ano ang ginagawa sa dilim ng mga nakatatanda ng sambahayan ng Israel? Ginagawa ito ng bawat tao sa kaniyang nakatagong kamara kasama ng kaniyang diyus-diyosan, sapagkat sinasabi nila, ''Hindi kami nakikita ni Yahweh! Pinabayaan ni Yahweh ang lupain!”'
13 Bana yine, “Daha iğrenç şeyler yaptıklarını da göreceksin” dedi.
At sinabi niya sa akin, “Lumingon ka muli at tingnan ang ibang mas malaking pagkasuklam na kanilang ginagawa.”
14 Bundan sonra beni RAB'bin Tapınağı'nın kuzeye bakan kapısının giriş bölümüne götürdü. Orada oturup Tammuz için ağlayan kadınları gördüm.
Ang sumunod, dinala niya ako sa pasukan ng tarangkahan ng tahanan ni Yahweh na naroon sa hilagang bahagi, at masdan ninyo! Ang mga kababaihang nakaupo roon ay nagluluksa para kay Tammuz. Kaya sinabi niya sa akin,
15 Bana, “İnsanoğlu, bunu gördün mü? Bundan daha iğrenç şeyler de göreceksin” dedi.
“Nakikita mo ba ito, anak ng tao? “Lumingon ka muli at tingnan ang ibang mas malaking pagkasuklam kaysa sa mga ito.”
16 Beni RAB'bin Tapınağı'nın iç avlusuna götürdü. Tapınağın girişinde, eyvanla sunak arasında yirmi beş kadar adam vardı. Sırtlarını RAB'bin Tapınağı'na, yüzlerini doğuya dönmüş, güneşe tapınıyorlardı.
At dinala niya ako sa loobang patyo sa tahanan ni Yahweh, at hala! Sa pasukan ng templo ni Yahweh sa pagitan ng portiko at ng altar, mayroong halos dalawampu't limang kalalakihan na nakatalikod sa templo ni Yahweh at ang kanilang mga mukha ay nakaharap sa silangan at sumasamba sila kay Shemesh.
17 Bana, “İnsanoğlu, bunları gördün mü?” dedi, “Yahuda halkı burada yaptığı iğrenç şeyler yetmiyormuş gibi, ülkeyi zorbalıkla doldurup beni sürekli öfkelendiriyor. Bak, dalı nasıl burunlarına uzatıyorlar!
Sinabi niya sa akin, “Nakikita mo ba ito anak ng tao? Ito ba ay napakaliit na bagay para sa sambahayan ng Juda upang gawin ang mga nakasusuklam na ito na kanilang ginagawa rito? Sapagkat pinuno nila ang lupain ng karahasan at bumalik muli upang pukawin ang aking galit, naglalagay ng mga sanga sa kanilang mga ilong.
18 Bundan ötürü onlara öfkeyle davranacak, acımayacağım, onları esirgemeyeceğim. Yüksek sesle beni çağırsalar bile onları dinlemeyeceğim.”
Kaya kikilos din ako sa kanila, hindi mahahabag ang aking mata sa kanila at hindi ko sila kaaawaan. Kahit tatawag sila sa aking mga tainga na may isang malakas na tinig, hindi ko sila diringgin!”

< Hezekiel 8 >