< Yasa'Nin Tekrari 12 >
1 “Atalarınızın Tanrısı RAB'bin mülk edinmek için size verdiği ülkede yaşamınız boyunca uymanız gereken kurallar, ilkeler şunlardır:
Ito ang mga batas at ang mga panuntunan na pananatilihin ninyo sa lupain na si Yahweh, ang Diyos ng inyong mga ama, ang nagbigay sa inyo para inyong angkinin sa lahat ng araw na kayo ay nabubuhay sa mundo.
2 Topraklarını alacağınız ulusların ilahlarına taptıkları yüksek dağlardaki, tepelerdeki, bol yapraklı her ağacın altındaki yerleri tümüyle yıkacaksınız.
Tiyak na wawasakin ninyo ang lahat ng mga lugar kung saan ang mga bansa na inyong tatanggalan ng karapatan na sumamba sa kanilang mga diyus-diyosan, sa matataas na mga bundok, sa mga burol, at sa ilalim ng bawat luntiang puno;
3 Sunaklarını yıkacak, dikili taşlarını parçalayacak, Aşera putlarını yakacak, öbür putlarını parça parça edeceksiniz. İlahlarının adlarını oradan sileceksiniz.
at sisirain ninyo ang kanilang mga altar, pagpipira-pirasuhin ninyo ang kanilang banal na mga batong haligi, at susunugin ang kanilang mga posteng Asera; puputulin ninyo ang inukit na mga larawan ng kanilang mga diyus-diyosan at sisirain ang kanilang pangalan mula sa lugar na iyon.
4 “Siz Tanrınız RAB'be bu biçimde tapmamalısınız.
Hindi ninyo sasambahin si Yahweh na inyong Diyos tulad niyan.
5 Tanrınız RAB'bin adını yerleştirmek için bütün oymaklarınız arasından seçeceği yere, konutuna yönelmeli, oraya gitmelisiniz.
Pero sa lugar na pipiliin ni Yahweh na inyong Diyos mula sa lahat ng inyong mga lipi para ilagay ang kaniyang pangalan, na magiging lugar kung saan siya titira, at doon kayo pupunta.
6 Yakmalık sunularınızı, kurbanlarınızı, ondalıklarınızı, bağışlarınızı, dilek adaklarınızı, gönülden verdiğiniz sunuları, sığırlarınızın ve davarlarınızın ilk doğanlarını oraya götüreceksiniz.
Dadalhin ninyo roon ang inyong mga handog na susunugin, ang inyong mga alay, ang inyong mga ikapu, at ang mga handog na inihandog ng inyong kamay, ang inyong mga handog para sa mga panata, ang inyong kusang loob na mga handog, at ang panganay ng inyong mga hayop at mga kawan.
7 Orada, sizi kutsayan Tanrınız RAB'bin huzurunda, siz de aileleriniz de yiyeceksiniz ve el attığınız her işte sevinç bulacaksınız.
Kakainin ninyo roon sa harapan ni Yahweh na inyong Diyos at magsasaya tungkol sa lahat ng mga bagay na inyong ginagawa, kayo at ang inyong mga sambahayan, kung saan kayo ay pinagpala ni Yahweh na inyong Diyos.
8 “Bugün burada yaptığımızı yapmayın; herkes kendi gözünde doğru olanı yapıyor.
Hindi ninyo gagawin ang lahat ng mga bagay na ginagawa natin dito ngayon; gumawa ngayon ang bawat isa ng anumang bagay na tama sa kanilang sariling mga mata;
9 Çünkü Tanrınız RAB'bin size vereceği dinlenme yerine, mülke daha ulaşmadınız.
dahil hindi pa kayo nakarating sa kapahingahan, sa mga mamanahin na ibibigay ni Yahweh na inyong Diyos sa inyo.
10 Ama Şeria Irmağı'ndan geçip Tanrınız RAB'bin mülk olarak size vereceği ülkeye yerleşeceksiniz. RAB sizi çevrenizdeki bütün düşmanlarınızdan kurtarıp rahata kavuşturacak. Güvenlik içinde yaşayacaksınız.
Pero kapag tatawid na kayo sa Jordan at maninirahan sa lupain na idinulot ni Yahweh na inyong Diyos na inyong mamanahin, at kapag binibigyan niya kayo ng kapahingahan mula sa lahat ng inyong mga kaaway na nakapalibot, nang sa gayon manirahan kayo ng ligtas,
11 Tanrınız RAB adını yerleştirmek için bir yer seçecek. Size buyurduğum her şeyi oraya götüreceksiniz: Yakmalık sunularınızı, kurbanlarınızı, ondalıklarınızı, bağışlarınızı, RAB'be adadığınız bütün özel adaklarınızı.
pagkatapos mangyayari ito sa lugar kung saan piliin ni Yahweh na inyong Diyos doon na manirahan ang kaniyang pangalan, doon dalhin ninyo ang lahat ng iniutos ko sainyo: ang inyong mga sinunog na handog, ang inyong mga alay, ang inyong mga ikapu, at ang mga handog na inihandog ng inyong kamay, at lahat ng inyong piling handog para sa mga panata na inyong ipapangako kay Yahweh.
12 Siz, oğullarınız, kızlarınız, erkek ve kadın köleleriniz, kentlerinizde yaşayan Levililer Tanrınız RAB'bin huzurunda sevineceksiniz. Çünkü Levililer'in sizin gibi kendilerine ait payları ve mülkleri yoktur.
Magsasaya kayo sa harapan ni Yahweh na inyong Diyos—kayo, ang inyong mga anak na lalaki, ang inyong mga anak na babae, ang inyong mga lingkod na lalaki at ang inyong mga lingkod na babae at ang mga Levita na nasa loob ng inyong tarangkahan, dahil wala siyang bahagi o pamana sa inyo.
13 Yakmalık sunularınızı herhangi bir yerde sunmamaya dikkat edin.
Bigyang pansin ang inyong sarili na hindi kayo magsusunog ng handog sa bawat lugar na inyong makikita;
14 Yakmalık sunularınızı RAB'bin oymaklarınızın birinde seçeceği yerde sunacaksınız. Size buyurduğum her şeyi orada yapacaksınız.
pero ito ay sa lugar na pipiliin ni Yahweh na mula sa isa sa inyong mga lipi na ang inyong mga handog ay susunugin, at gagawin ninyo doon ang lahat ng bagay na sinabi ko sa inyo.
15 “Tanrınız RAB'bin sizi kutsadığı ölçüde, yaşadığınız kentlerde dilediğiniz kadar hayvan kesip etini yiyebilirsiniz. Dinsel açıdan temiz ya da kirli kişi, bu eti ceylan ya da geyik eti yer gibi yiyebilir.
Gayon pa man, maaari kayong pumatay at kumain ng mga hayop na nasa loob ng lahat ng inyong mga tarangkahan, gaya ng nais ninyo, pagtanggap sa mga pagpapala ni Yahweh na inyong Diyos para sa lahat nang ibinigay niya sa inyo; ang marurumi at ang malilinis na mga tao ay parehong makakakain nitong mga hayop tulad ng gasela at usa.
16 Ancak kan yemeyeceksiniz. Kanı su gibi toprağa akıtacaksınız.
Pero hindi ninyo kakainin ang dugo, ibubuhos ninyo ito sa lupa na parang tubig.
17 Tahılınızın, yeni şarabınızın, zeytinyağınızın ondalığını, sığırlarınızın, davarlarınızın ilk doğanlarını, adadıklarınızın tümünü, gönülden verdiğiniz sunuları, bağışlarınızı yaşadığınız kentlerde yememelisiniz.
Hindi kayo maaaring kumain sa loob ng inyong mga tarangkahan mula sa ikapu ng inyong butil, ang inyong bagong alak, inyong langis, o ang panganay ng inyong hayop o kawan; at hindi kayo maaaring kumain ng anuman sa laman na inyong inialay kasama ng anumang mga panata na inyong ginawa, ni hindi ang inyong kusang-loob na mga handog, o ang mga handog na inihandog ng inyong kamay.
18 Siz, oğullarınız, kızlarınız, erkek ve kadın köleleriniz, kentlerinizde oturan Levililer bunları Tanrınız RAB'bin huzurunda, O'nun seçeceği yerde yiyeceksiniz. Tanrınız RAB'bin huzurunda el attığınız her işte sevinç bulacaksınız.
Sa halip, kakainin ninyo ang mga ito sa harapan ni Yahweh na inyong Diyos sa lugar na pipiliin ni Yahweh na inyong Diyos—kayo, ang inyong anak na lalaki, anak na babae, ang mga lingkod na lalaki, mga lingkod na babae, at ang mga Levita na nasa loob ng inyong tarangkahan; magsasaya kayo sa harapan ni Yahweh na inyong Diyos tungkol sa lahat ng bagay kung saan inilagay ninyo ang inyong kamay.
19 Ülkede yaşadığınız sürece Levililer'i yüzüstü bırakmamaya dikkat edin.
Bigyang pansin ang inyong sarili na hindi ninyo pababayaan ang mga Levita hangga't naninirahan kayo sa inyong lupain.
20 “Tanrınız RAB size verdiği söz uyarınca sınırınızı genişlettiğinde, et yemeye istek duyup, ‘Et yiyeceğiz’ derseniz, dilediğiniz kadar et yiyebilirsiniz.
Kapag pinalawak ni Yahweh na inyong Diyos ang inyong mga hangganan, tulad ng ipinangako niya sa inyo, at sinabi ninyo, 'Kakain ako ng laman,' dahil sa inyong pagnanais na kumain ng laman, maaari kayong kumain ng laman, gaya ng inyong pagnanais.
21 Tanrınız RAB'bin adını yerleştirmek için seçeceği yer sizden uzaksa, buyruğum uyarınca RAB'bin size verdiği sığırlardan, davarlardan kesebilirsiniz. Kentlerinizde dilediğiniz kadar et yiyebilirsiniz.
Kung masyadong malayo mula sa inyo ang lugar na pipiliin ni Yahweh na inyong Diyos na lagyan ng kaniyang pangalan, sa gayon papatay kayo ng ilan sa inyong mga hayop o inyong mga kawan na ibinigay ni Yahweh sa inyo, katulad ng sinabi ko sa inyo; maaari kayong kumain sa loob ng inyong mga tarangkahan, ayon sa inyong pagnanais.
22 Dinsel açıdan temiz ya da kirli kişi bu eti ceylan ya da geyik eti yer gibi yiyebilir.
Tulad ng ang gasela at ang usa ay kinakain, kakain din kayo nito; maaaring kumain nito ang magkatulad na marurumi at malilinis na mga tao.
23 Ama kan yememeye dikkat edin. Çünkü ete can veren kandır. Etle birlikte canı yememelisiniz.
Tiyakin lamang na huwag ninyong kakainin ang dugo, dahil ang dugo ay ang buhay; hindi ninyo kakainin ang buhay kasama ang laman.
24 Kan yememelisiniz; kanı su gibi toprağa akıtacaksınız.
Hindi ninyo ito kakainin; ibubuhos ninyo ito sa lupa na parang tubig.
25 Kan yemeyeceksiniz. Öyle ki, size ve sizden sonra gelen çocuklarınıza iyilik gelsin. Böylece RAB'bin gözünde doğru olanı yapmış olursunuz.
Hindi ninyo ito kakainin, para lahat ay maging mabuti sa inyo, at ng inyong mga anak na susunod sa inyo, kapag ginawa ninyo kung ano ang tama sa mga mata ni Yahweh.
26 “Kutsal sunularınızı, dilek adaklarınızı alıp RAB'bin seçeceği yere gideceksiniz.
Pero ang mga bagay na nabibilang kay Yahweh na mayroon kayo at ang mga handog para sa inyong mga panata—kukunin ninyo ang mga ito at pupunta sa lugar na pipiliin ni Yahweh.
27 Yakmalık sunularınızı, eti ve kanı Tanrınız RAB'bin sunağında sunacaksınız. Kurbanınızın kanı Tanrınız RAB'bin sunağına akacak. Ama eti yiyebilirsiniz.
Ihahain ninyo ang inyong mga sinunog na handog, ang laman at ang dugo, sa altar ni Yahweh na inyong Diyos; ang dugo ng inyong mga alay ay ibubuhos sa altar ni Yahweh na inyong Diyos, at kakainin ninyo ang laman.
28 Size bildirdiğim bütün bu buyruklara iyice uyun ki, size ve sizden sonra gelen çocuklarınıza sürekli iyilik gelsin. Böylece Tanrınız RAB'bin gözünde iyi ve doğru olanı yapmış olacaksınız.”
Magmasid at makinig sa lahat ng mga salitang ito na sinasabi ko sa inyo, na maaaring makabuti ito sa inyo at sa inyong mga anak na susunod sa inyo magpakailanman, kapag ginawa ninyo kung ano ang mabuti at tama sa mga mata ni Yahweh na inyong Diyos.
29 “Tanrınız RAB topraklarını alacağınız ulusları önünüzden yok edecek. Topraklarını miras alıp orada yaşadığınızda
Kapag winasak ni Yahweh ang mga bansa mula sa harapan ninyo, kapag pumasok kayo para alisan sila ng karapatan, at mapaalis ninyo sila, at maninirahan sa kanilang lupain,
30 ve onları yok ettiğinizde, onların tuzaklarına düşmekten sakının. İlahlarına yönelip, ‘Bu uluslar ilahlarına nasıl tapıyorlardı? Biz de aynısını yapalım’ demeyin.
bigyan pansin ang inyong sarili na hindi kayo mabibitag sa pagsunod sa kanila, pagkatapos silang mawasak mula sa harapan ninyo—mabitag sa pagsisiyasat sa kanilang mga diyos, sa pagtatanong, 'Paano sumasamba ang mga bansang ito sa kanilang mga diyus-diyosan? Ganoon din ang gagawin ko.'
31 Tanrınız RAB'be bu biçimde tapınmayacaksınız. Onlar ilahlarına RAB'bin tiksindiği iğrenç şeyler sunuyorlar. Oğullarını, kızlarını bile yakarak ilahlarına kurban ediyorlar.
Hindi ninyo iyan gagawin sa paggalang kay Yahweh na inyong Diyos, dahil ang lahat ng bagay na kasuklam-suklam kay Yahweh, ang mga bagay na kinasusuklaman niya—ginawa nila ang mga ito sa kanilang diyus-diyosan; sinunog nila kahit pa ang kanilang mga anak na lalaki at kanilang mga anak na babae sa apoy para sa kanilang mga diyus-diyosan.
32 “Size bildirdiğim bütün buyruklara iyice uyun. Bunlara hiçbir şey eklemeyin, hiçbir şey çıkarmayın.
Anuman ang sinabi ko sa inyo ay sundin ito. Huwag itong dagdagan o bawasan.