< Zefanias 2 >
1 Bansang walang kahihiyan, magtulungan kayo at magtipun-tipon,
汝等羞恥を知ぬ民早く自ら内に省みよ
2 bago isagawa ng kautusan ang kahihinantan, bago lumipas ang araw na gaya ng ipa, bago dumating ang matinding galit ni Yahweh sa inyo! Bago dumating ang araw ng matinding poot ni Yahweh sa inyo!
夫日は糠粃の如く過ぎさる 然ば詔言のいまだ行はれざる先ヱホバの烈き怒のいまだ汝等に臨まざる先ヱホバの忿怒の日のいまだ汝等にきたらざるさきに自ら省みるべし
3 Hanapin ninyo si Yahweh, kayong mga mapagpakumbabang tao sa lupa na sumusunod sa kaniyang mga kautusan! Hanapin ninyo ang katuwiran! Hanapin ninyo ang kababaang-loob at marahil na iingatan kayo sa araw ng matinding poot ni Yahweh!
すべてヱホバの律法を行ふ斯地の遜るものよ 汝等ヱホバを求め公義を求め謙遜を求めよ 然すれば汝等ヱホバの忿怒の日に或は匿さるることあらん
4 Sapagkat pababayaan ang Gaza at mawawasak ang Ashkelon! Palalayasin nila ang mga Asdon sa tanghali at bubunutin nila ang Ekron!
夫ガザは棄られアシケロンは荒はてアシドドは白晝に逐はらはれエクロンは抜さらるべし
5 Kaawa-awa ang mga naninirahan sa tabing-dagat, ang bansa ng mga Queretita! Nagsalita si Yahweh laban sa inyo, Canaan, ang lupain ng mga Filisteo! Lilipulin ko kayo hanggang sa walang matira sa mga naninirahan!
海邊に住る者およびケレテの國民は禍なるかな ベリシテ人の國カナンよ ヱホバの言なんぢらを攻む 我なんぢを滅して住者なきに至らしむべし
6 Kaya ang tabing-dagat ay magiging pastulan para sa mga pastol at para sa kulungan ng mga tupa.
海邊は必ず牧塲となり牧者の洞および羊の牢そこに在ん
7 Mapapabilang ang baybaying rehiyon sa mga nalalabi sa sambahayan ng Juda na magpapastol ng kanilang mga kawan doon. Sa gabi, mahihiga ang kanilang mga tao sa mga tahanan ng Ashkelon, sapagkat iingatan sila ni Yahweh na kanilang Diyos at panunumbalikin ang kanilang mga kapalaran.
此地はユダの家の殘餘れる者に歸せん 彼ら其處にて草飼ひ暮に至ればアシケロンの家に臥ん そは彼らの神ヱホバかれらを顧みその俘囚を歸したまふべければなり
8 “Narinig ko ang mga panghahamak ng mga Moabita at ang pagsisiwalat ng mga Ammonita nang hamakin nila ang aking mga tao at nilabag ang kanilang mga hangganan.
我すでにモアブの嘲弄とアンモンの子孫の罵言を聞けり 彼らはわが民を嘲り自ら誇りて之が境界を侵せしなり
9 Kaya, ako ay nabubuhay, ito ang pahayag ni Yahweh ng mga hukbo, ang Diyos ng Israel, “Magiging katulad ng Moab ang Sodoma at tulad ng mga Ammonita ang Gomorra, isang madamong lugar at hukay na asin, na pinabayaan magpakailanman! Ngunit nanakawan sila ng mga nalalabi kong tao at mamanahin ng aking mga natitirang tao ang mga nagmula sa kanila!”
是故に萬軍のヱホバ、イスラエルの神 言たまふ 我は活く 必ずモアブはソドムのごとくになりアンモンの子孫はゴモラのごとくにならん 是は共に蕁麻の蔓延る處となり鹽坑の地となりて長久に荒はつべし 我民の遺れる者かれらを掠めわが國民の餘されたる者かれらを獲ん
10 Mangyayari ito sa Moab at Amon dahil sa kanilang pagmamataas, sapagkat hinamak at kinutya nila ang mga tao ni Yahweh ng mga hukbo!
この事の彼らに臨むはその傲慢による 即ち彼ら萬軍のヱホバの民を嘲りて自ら誇りたればなり
11 At matatakot sila kay Yahweh sapagkat hahamakin niya ang lahat ng diyos sa lupa. Sasambahin siya ng lahat, lahat ng nagmula sa kaniyang sariling lupain at mula sa bawat dalampasigan!
ヱホバは彼等に對ひては畏ろしくましまし地の諸の神や饑し滅したまふなり 諸の國の民おのおのその處より出てヱホバを拜まん
12 Mamamatay din kayong mga taga-Kush sa pamamagitan ng aking espada
エテオピア人よ汝等もまたわが劍にかかりて殺さる
13 at sasalakayin ng kamay ng Diyos ang hilaga at wawasakin ang Asiria upang pabayaang ganap na mawasak ang Nineve gaya ng tuyong disyerto.
ヱホバ北に手を伸てアッスリヤを滅したまはん 亦ニネベを荒して荒野のごとき旱地となしたまはん
14 Pagkatapos, hihiga ang mga kawan sa kalagitnaan ng Asiria, ang bawat hayop ng mga bansa at magpupugad ang mga ibon at mga kuwago sa taas ng kaniyang mga haligi. Magkakaroon ng tunog na huhuni sa mga bintana at tatawag ang mga uwak sa kanilang pintuan sapagkat inilantad niya ang mga kahoy na cedar.
而して畜の群もろもろの類の生物その中に伏し鸅鸕および刺猬其柱の頂に住み囀る者の聲 窓の内にきこえ荒落たる物 閾の上に積り香柏の板の細工 露顯になるべし
15 Ito ang pinakamasayang lungsod na namuhay nang walang takot, na nagsabi sa kaniyang puso, “Ako nga, at wala akong katulad!” Paano siya naging isang katatakutan, isang lugar na hinihigaan ng mga mababangis na hayop! Susutsot ang bawat daraan sa kaniya at ikukumpas ang kaniyang kamao sa kaniya!
是邑は驕り傲ぶりて安泰に立をり 唯我あり 我の外には誰もなしと心の中に言つつありし者なるが斯も荒はてて畜獣の臥す處となる者かな 此を過る者はみな嘶きて手をふるはん