< Zefanias 2 >

1 Bansang walang kahihiyan, magtulungan kayo at magtipun-tipon,
Bend yourselves, yea, bend ye, O nation not desired,
2 bago isagawa ng kautusan ang kahihinantan, bago lumipas ang araw na gaya ng ipa, bago dumating ang matinding galit ni Yahweh sa inyo! Bago dumating ang araw ng matinding poot ni Yahweh sa inyo!
Before the bringing forth of a statute, As chaff hath the day passed on, While yet not come in upon you doth the heat of the anger of Jehovah, While yet not come in upon you doth a day of the anger of Jehovah,
3 Hanapin ninyo si Yahweh, kayong mga mapagpakumbabang tao sa lupa na sumusunod sa kaniyang mga kautusan! Hanapin ninyo ang katuwiran! Hanapin ninyo ang kababaang-loob at marahil na iingatan kayo sa araw ng matinding poot ni Yahweh!
Seek Jehovah, all ye humble of the land, Who His judgment have done, Seek ye righteousness, seek humility, It may be ye are hidden in a day of the anger of Jehovah.
4 Sapagkat pababayaan ang Gaza at mawawasak ang Ashkelon! Palalayasin nila ang mga Asdon sa tanghali at bubunutin nila ang Ekron!
For Gaza is forsaken, And Ashkelon [is] for a desolation, Ashdod! at noon they do cast her forth, And Ekron is rooted up.
5 Kaawa-awa ang mga naninirahan sa tabing-dagat, ang bansa ng mga Queretita! Nagsalita si Yahweh laban sa inyo, Canaan, ang lupain ng mga Filisteo! Lilipulin ko kayo hanggang sa walang matira sa mga naninirahan!
Ho! O inhabitants of the sea-coast, Nation of the Cherethites, A word of Jehovah [is] against you, Canaan, land of the Philistines, And I have destroyed thee without an inhabitant.
6 Kaya ang tabing-dagat ay magiging pastulan para sa mga pastol at para sa kulungan ng mga tupa.
And the sea-coast hath been habitations, Cottages [for] shepherds, and folds [for] a flock.
7 Mapapabilang ang baybaying rehiyon sa mga nalalabi sa sambahayan ng Juda na magpapastol ng kanilang mga kawan doon. Sa gabi, mahihiga ang kanilang mga tao sa mga tahanan ng Ashkelon, sapagkat iingatan sila ni Yahweh na kanilang Diyos at panunumbalikin ang kanilang mga kapalaran.
And the coast hath been for the remnant of the house of Judah, By them they have pleasure, In houses of Ashkelon at even they lie down, For inspect them doth Jehovah their God, And He hath turned back [to] their captivity.
8 “Narinig ko ang mga panghahamak ng mga Moabita at ang pagsisiwalat ng mga Ammonita nang hamakin nila ang aking mga tao at nilabag ang kanilang mga hangganan.
I have heard the reproach of Moab, And the revilings of the sons of Ammon, Wherewith they reproached My people, And magnify [themselves] against their border.
9 Kaya, ako ay nabubuhay, ito ang pahayag ni Yahweh ng mga hukbo, ang Diyos ng Israel, “Magiging katulad ng Moab ang Sodoma at tulad ng mga Ammonita ang Gomorra, isang madamong lugar at hukay na asin, na pinabayaan magpakailanman! Ngunit nanakawan sila ng mga nalalabi kong tao at mamanahin ng aking mga natitirang tao ang mga nagmula sa kanila!”
Therefore, I live, An affirmation of Jehovah of Hosts, God of Israel, Surely, Moab is as Sodom, And the sons of Ammon as Gomorrah, An overrunning of nettles and salt-pits, And a desolation — unto the age. A residue of My people do seize them, And a remnant of My nation inherit them.
10 Mangyayari ito sa Moab at Amon dahil sa kanilang pagmamataas, sapagkat hinamak at kinutya nila ang mga tao ni Yahweh ng mga hukbo!
This [is] to them for their arrogancy, Because they have reproached, And they magnify [themselves] against the people of Jehovah of Hosts.
11 At matatakot sila kay Yahweh sapagkat hahamakin niya ang lahat ng diyos sa lupa. Sasambahin siya ng lahat, lahat ng nagmula sa kaniyang sariling lupain at mula sa bawat dalampasigan!
Fearful [is] Jehovah against them, For He made bare all gods of the land, And bow themselves to Him, each from his place, Do all islanders of the nations.
12 Mamamatay din kayong mga taga-Kush sa pamamagitan ng aking espada
Also ye, O Cushim, pierced of My sword [are] they.
13 at sasalakayin ng kamay ng Diyos ang hilaga at wawasakin ang Asiria upang pabayaang ganap na mawasak ang Nineve gaya ng tuyong disyerto.
And He stretcheth His hand against the north, And doth destroy Asshur, And he setteth Nineveh for a desolation, A dry land like a wilderness.
14 Pagkatapos, hihiga ang mga kawan sa kalagitnaan ng Asiria, ang bawat hayop ng mga bansa at magpupugad ang mga ibon at mga kuwago sa taas ng kaniyang mga haligi. Magkakaroon ng tunog na huhuni sa mga bintana at tatawag ang mga uwak sa kanilang pintuan sapagkat inilantad niya ang mga kahoy na cedar.
And crouched in her midst have droves, Every beast of the nation, Both pelican and hedge-hog in her knobs lodge, A voice doth sing at the window, 'Destruction [is] at the threshold, For the cedar-work is exposed.'
15 Ito ang pinakamasayang lungsod na namuhay nang walang takot, na nagsabi sa kaniyang puso, “Ako nga, at wala akong katulad!” Paano siya naging isang katatakutan, isang lugar na hinihigaan ng mga mababangis na hayop! Susutsot ang bawat daraan sa kaniya at ikukumpas ang kaniyang kamao sa kaniya!
This [is] the exulting city that is dwelling confidently, That is saying in her heart, 'I [am], and beside me there is none,' How hath she been for a desolation, A crouching-place for beasts, Every one passing by her doth hiss, He doth shake his hand!

< Zefanias 2 >