< Zacarias 7 >
1 Nang apat na taon nang pinuno si Haring Dario, sa ikaapat na araw ng Kislev (kung saan ito ang ikasiyam na buwan), dumating kay Zacarias ang salita ni Yahweh.
ダリヨス王の四年の九月すなはちキスリウといふ月の四日にヱホバの言ゼカリヤに臨めり
2 Ipinadala ng mga tao ng Bethel sina Sarazer at Regem Melec at ang kanilang mga tao upang humingi ng tulong kay Yahweh.
ベテルかの時シヤレゼル、レゲンメレクおよびその從者を遣してヱホバを和めさせ
3 Kinausap nila ang mga pari na nasa tahanan ni Yahweh ng mga hukbo at ang mga propeta, sinabi nila, “Dapat ba akong magdalamhati sa ikalimang buwan sa pamamagitan ng pag-aayuno, gaya ng ginawa ko sa loob ng maraming taon?”
かつ萬軍のヱホバの室にをる祭司に問しめ且預言者に問しめて言けらく我今まで年久しく爲きたりしごとく尚五月をもて哭きかつ齋戒すべきやと
4 Kaya dumating sa akin ang salita ni Yahweh ng mga hukbo at sinabi,
ここにおいて萬軍のヱホバの言我に臨めり云く
5 “Magsalita ka sa lahat ng tao sa lupa at sa mga pari, sabihin mo, 'Nang nag-ayuno at nagdalamhati kayo sa ikalima at ikapitong buwan sa loob ng pitumpung taon na ito, nag-aayuno ba talaga kayo para sa akin?
國の諸民および祭司に告て言へ汝らは七十年のあひだ五月と七月とに斷食しかつ哀哭せしがその斷食せし時果して我にむかひて斷食せしや
6 At nang kumain at uminom kayo, hindi ba kayo kumain at uminom para sa inyong mga sarili?
汝ら食ひかつ飮は全く己のために食ひ己のために飮ならずや
7 Hindi ba ito katulad ng mga salitang ipinahayag ni Yahweh sa pamamagitan ng bibig ng mga naunang propeta, nang naninirahan pa lamang kayo sa Jerusalem at sa karatig na mga lungsod sa kasaganaan at namalagi sa Negeb at sa mga paanan ng bundok sa kanluran?'”
在昔ヱルサレムおよび周圍の邑々人の住ふありて平安なりし時南の地および平野にも人の住ひをりし時に已往の預言者によりてヱホバの宣ひたりし言を汝ら知ざるや
8 Dumating ang salita ni Yahweh kay Zacarias at sinabi,
ヱホバの言ゼカリヤに臨めり云く
9 “Ito ang sinasabi ni Yahweh ng mga hukbo: 'Humatol nang may tunay na katarungan, katapatan sa kasunduan at habag. Gawin ito ng bawat lalaki para sa kaniyang kapatid na lalaki.
萬軍のヱホバかく宣へり云く正義き審判を行ひ互に相愛しみ相憐め
10 Tungkol naman sa balo at ulila, ang dayuhan at ang mahirap na tao, huwag silang apihin. At sa paggawa ng anumang masama sa bawat isa, hindi kayo dapat magbalak ng anumang masama sa inyong puso.'
寡婦孤兒旅客および貧者を虐ぐるなかれ人を害せんと心に圖る勿れと
11 Ngunit tumanggi silang magbigay ng pansin at pinatigas ang kanilang mga balikat. Pinigilan nila ang kanilang mga tainga upang hindi sila makarinig.
然るに彼等は肯て耳を傾けず背を向け耳を鈍くして聽ず
12 Ginawa nilang kasing tigas ng bato ang kanilang mga puso upang hindi nila marinig ang kautusan o ang mga salita ni Yahweh ng mga hukbo. Ipinadala niya ang mga mensaheng ito sa mga tao sa pamamagitan ng kaniyang Espiritu noong unang panahon, sa pamamagitan ng bibig ng mga propeta. Ngunit tumangging makinig ang mga tao, kaya nagalit sa kanila si Yahweh ng mga hukbo.
且その心を金剛石のごとくし萬軍のヱホバがその御霊をもて已往の預言者に由て傳へたまひし律法と言詞に聽したがはざりき是をもて大なる怒萬軍のヱホバより出て臨めり
13 Nangyari ito nang tumawag siya, hindi sila nakinig. 'Sa ganoon ding paraan', sabi ni Yahweh ng mga hukbo, 'tatawag sila sa akin ngunit hindi ako makikinig.
彼かく呼はりたれども彼等聽ざりき其ごとく彼ら呼はるとも我聽じ萬軍のヱホバこれを言ふ
14 Sapagkat ikakalat ko sila sa lahat ng bansa na hindi pa nila nakikita sa pamamagitan ng ipu-ipo at mapapabayaan ang lupain kapag wala na sila. Sapagkat walang sinuman ang makakadaan sa lupain o makakabalik dito yamang pinabayaan ng mga tao ang kanilang kaaya-ayang lupain.'”
我かれらをその識ざる諸の國に吹散すべし其後にてこの地は荒て往來する者なきに至らん彼等かく美しき國を荒地となす