< Zacarias 5 >

1 Pagkatapos, lumingon ako at tumingala ako, at nakita ko, masdan ito, nakakita ako ng isang lumilipad na binalumbong kasulatan!
I looked up again, and I saw a scroll that was flying [through the air].
2 Sinabi sa akin ng anghel, “Ano ang nakikita mo?” Sumagot ako, “Nakikita ko ang isang lumilipad na binalumbong kasulatan, dalawampung siko ang haba at sampung siko ang lawak.”
The angel asked me, “What do you see?” I replied, “I see a flying scroll that is [huge], (10 yards/9 meters) long and (5 yards/4.5 meters) wide.”
3 Pagkatapos, sinabi niya sa akin, “Ito ang sumpa na darating sa ibabaw ng buong lupain, sapagkat mula ngayon, aalisin ang bawat magnanakaw batay sa sinasabi nito sa isang panig habang aalisin ang lahat ng nangako ng isang hindi totoong panata batay sa sinasabi nito sa kabilang panig, ayon sa kanilang mga salita.
Then he said to me, “On this scroll is written the [words that Yahweh is speaking to] curse the entire country. On [one side of] the scroll it is written that every thief will be banished. On [the other side] it is written that everyone who tells a lie when he is solemnly promising to tell the truth will also be banished from the country.
4 'Ipapadala ko ito' — ito ang pahayag ni Yahweh ng mga hukbo, 'kaya papasok ito sa tahanan ng magnanakaw at sa tahanan ng isang taong nangako ng hindi totoo sa pamamagitan ng aking pangalan. Mananatili ito sa kaniyang tahanan at tutupukin ang tabla at ang mga bato nito.'”
The Commander of the armies of angels says, ‘I will send [copies of] this scroll to the places where thieves live and to the houses of those who use my name when they solemnly promise to tell the truth. [The copies of] this scroll will stay in their houses, until those houses and all their wood and stones are destroyed.’”
5 Pagkatapos, lumabas ang anghel na nakikipag-usap sa akin at sinabi sa akin, “Tumingin ka sa taas at tingnan kung ano ang dumarating!”
Then the angel who had been talking to me came closer to me and said, “Look up and see what is appearing!”
6 Sinabi ko, “Ano ito?” Sinabi niya, “Isang basket ito na naglalaman ng efa na paparating. Ito ang kanilang kasamaan sa buong lupain.”
I asked him, “What is it?” He replied, “It is a big basket [for measuring grain]. But it represents the sins that everyone in this nation has committed.”
7 Pagkatapos, itinaas ang isang takip na tingga sa basket at may isang babae sa ilalim nito na nakaupo sa loob nito!
Then [the angel] lifted the basket’s cover, [which was made] of lead. There was a woman sitting inside the basket!
8 Sinabi ng anghel, “Kasamaan ito!” At itinapon niya ang babae pabalik sa loob ng basket at itinapon niya ang takip na tingga sa ibabaw nito.
The angel said, “She represents the wicked things [that people do].” Then the angel pushed her back into the basket and closed the very heavy lid [again].
9 Tumingala ako at nakita ko ang dalawang babaeng papalapit sa akin at ang hangin ay nasa kanilang mga pakpak—sapagkat may mga pakpak sila na tulad ng mga pakpak ng isang tagak. Itinaas nila ang basket sa pagitan ng lupa at langit.
Then I looked up and saw two women in front of me. They [were flying toward us], with their wings spread out in the wind. Their wings were [large], like [SIM] storks’ wings. They lifted the big basket up into the sky.
10 Kaya sinabi ko sa anghel na nakikipag-usap sa akin, “Saan nila dadalhin ang basket?”
I asked the angel who had been talking to me, “Where are they taking that basket?”
11 Sinabi niya sa akin, “Itatayo ang isang templo sa lupain ng Sinar para rito, upang kapag handa na ang templo, ilalagay doon ang basket sa inihandang patungan nito.”
He replied, “[They are taking it] to Babylonia to build a temple for it. When the temple is finished, they will set the basket there on a pedestal [for people to worship it].”

< Zacarias 5 >