< Zacarias 4 >
1 Pagkatapos ang anghel na nakikipag-usap sa akin ay bumalik at ginising ako na katulad ng isang lalaking ginising mula sa kaniyang pagkakatulog.
The angel who talked with me came again and wakened me, as a man who is wakened out of his sleep.
2 Sinabi niya sa akin, “Ano ang nakikita mo?” Sinabi ko, “Nakikita ko ang isang patungan ng lampara na gawa lahat sa ginto, may isang mangkok sa ibabaw nito. May pito itong lampara at pitong mitsa sa ibabaw ng bawat lampara.
He said to me, “What do you see?” I said, “I have seen, and behold, a lamp stand all of gold, with its bowl on the top of it, and its seven lamps on it; there are seven pipes to each of the lamps which are on the top of it;
3 Dalawang puno ng olibo ang nasa tabi nito, isa sa kanang bahagi ng mangkok at isa sa kaliwang bahagi.”
and two olive trees by it, one on the right side of the bowl, and the other on the left side of it.”
4 Kaya muli akong nagsalita sa anghel na nakikipag-usap sa akin. Sinabi ko, “Ano ang kahulugan ng mga bagay na ito, aking panginoon?”
I answered and spoke to the angel who talked with me, saying, “What are these, my lord?”
5 Sumagot ang anghel na nakikipag-usap sa akin at sinabi, “Hindi mo ba alam kung ano ang kahulugan ng mga bagay na ito?” Sinabi ko, “Hindi, aking panginoon.”
Then the angel who talked with me answered me, “Do not you know what these are?” I said, “No, my lord.”
6 Kaya sinabi niya sa akin, “Ito ang salita ni Yahweh kay Zerubabel: Hindi sa pamamagitan ng lakas ni sa pamamagitan ng kapangyarihan, ngunit sa pamamagitan ng aking Espiritu,' sabi ni Yahweh ng mga hukbo.
Then he answered and spoke to me, saying, “This is the LORD’s word to Zerubbabel, saying, ‘Not by might, nor by power, but by my Spirit,’ says the LORD of Armies.
7 'Ano ka, malaking bundok? Magiging isa kang kapatagan sa harapan ni Zerubabel at ilalabas niya ang itaas na bato upang sumigaw ng, “Biyaya! Biyaya!”'”
Who are you, great mountain? Before Zerubbabel you are a plain; and he will bring out the capstone with shouts of ‘Grace, grace, to it!’”
8 Dumating sa akin ang salita ni Yahweh:
Moreover the LORD’s word came to me, saying,
9 “Ang mga kamay ni Zerubabel ang naglatag sa pundasyon ng tahanang ito at ang kaniyang mga kamay ang tatapos nito. At malalaman mo na si Yahweh ng mga hukbo ang nagsugo sa akin sa iyo.
“The hands of Zerubbabel have laid the foundation of this house. His hands shall also finish it; and you will know that the LORD of Armies has sent me to you.
10 Sino ang humamak sa araw ng mga malililit na bagay? Magagalak ang mga taong ito at makikita ang pampantay na bato sa kamay ni Zerubabel. (Ang pitong lamparang ito ang mga mata ni Yahweh na naglilibot sa buong daigdig.)”
Indeed, who despises the day of small things? For these seven shall rejoice, and shall see the plumb line in the hand of Zerubbabel. These are the LORD’s eyes, which run back and forth through the whole earth.”
11 Pagkatapos, tinanong ko ang anghel. “Ano itong dalawang puno ng olibo na nakatayo sa kaliwa at sa kanan ng patungan ng lampara?”
Then I asked him, “What are these two olive trees on the right side of the lamp stand and on the left side of it?”
12 Muli ko siyang tinanong, “Ano ang dalawang sanga ng olibo na ito sa tabi ng dalawang gintong tubo na may gintong langis na bumubuhos mula sa mga ito?
I asked him the second time, “What are these two olive branches, which are beside the two golden spouts that pour the golden oil out of themselves?”
13 “Hindi mo ba alam kung ano ang mga ito?” At sinabi ko, “Hindi, aking panginoon.”
He answered me, “Do not you know what these are?” I said, “No, my lord.”
14 Kaya sinabi niya, “Ito ang dalawang puno ng olibo na nakatayo upang paglingkuran ang Panginoon ng buong daigdig.”
Then he said, “These are the two anointed ones who stand by the Lord of the whole earth.”