< Zacarias 14 >

1 Masdan ninyo! Darating ang araw para kay Yahweh na hahatiin ang iyong sinamsam sa inyong kalagitnaan!
見よ、主の日が来る。その時あなたの奪われた物は、あなたの中で分かたれる。
2 Sapagkat titipunin ko ang bawat bansa laban sa Jerusalem para sa isang labanan, at masasakop ang lungsod! Sasamsamin ang mga tahanan at gagawan ng karahasan ang mga kababaihan. Bibihagin ang kalahati ng lungsod, ngunit ang mga matitirang tao ay hindi pupuksain mula sa lungsod.
わたしは万国の民を集めて、エルサレムを攻め撃たせる。町は取られ、家はかすめられ、女は犯され、町の半ばは捕えられて行く。しかし残りの民は町から断たれることはない。
3 Ngunit lalabas si Yahweh at magtataguyod ng digmaan laban sa mga bansang iyon gaya nang pagtataguyod niya ng digmaan sa panahon ng labanan.
その時、主は出てきて、いくさの日にみずから戦われる時のように、それらの国びとと戦われる。
4 Sa araw na iyon, tatayo ang kaniyang mga paa sa Bundok ng mga Olibo, na nasa tabi ng Jerusalem sa silangan. Ang Bundok ng mga Olibo ay mahahati sa pagitan ng silangan at ng kanluran sa pamamagitan ng isang napakalaking lambak, at kalahati ng bundok ay maililipat sa dakong hilaga at ang kalahati sa dakong timog.
その日には彼の足が、東の方エルサレムの前にあるオリブ山の上に立つ。そしてオリブ山は、非常に広い一つの谷によって、東から西に二つに裂け、その山の半ばは北に、半ばは南に移り、
5 At kayo ay magsisitakas pababa sa lambak sa pagitan ng mga kabundukan ni Yahweh, sapagkat ang lambak sa pagitan ng mga bundok na iyon ay aabot hanggang sa Azal. Tatakas kayo gaya ng pagtakas ninyo mula sa lindol sa panahon ni Uzias, hari ng Juda. Pagkatapos, darating si Yahweh na aking Diyos, at kasama niya ang lahat ng mga banal.
わが山の谷はふさがれる。裂けた山の谷が、そのかたわらに接触するからである。そして、あなたがたはユダの王ウジヤの世に、地震を避けて逃げたように逃げる。こうして、あなたがたの神、主はこられる、もろもろの聖者と共にこられる。
6 Mangyayari ito sa araw na iyon na hindi na magkakaroon ng liwanag, ngunit wala nang lamig o ni tubig na namumuo sa lamig.
その日には、寒さも霜もない。
7 Sa araw na iyon, ang araw na si Yahweh lamang ang nakakaalam, hindi na magkakaroon ng umaga o gabi, sapagkat magiging maliwanag sa oras ng gabi.
そこには長い連続した日がある(主はこれを知られる)。これには昼もなく、夜もない。夕暮になっても、光があるからである。
8 At mangyayari din sa araw na iyon na ang umaagos na tubig ay dadaloy mula sa Jerusalem. Dadaloy ang kalahati ng tubig sa dagat sa silangan, at dadaloy ang kalahati sa dagat sa kanluran, tag-araw man o taglamig.
その日には、生ける水がエルサレムから流れ出て、その半ばは東の海に、その半ばは西の海に流れ、夏も冬もやむことがない。
9 Si Yahweh ang magiging hari sa buong mundo. Sa araw na iyon, naroon si Yahweh, ang nag-iisang Diyos, at ang kaniyang pangalan lamang.
主は全地の王となられる。その日には、主ひとり、その名一つのみとなる。
10 Magiging katulad ng Araba ang lahat ng lupain, mula Geba hanggang Rimmon sa timog ng Jerusalem. At patuloy na maitataas ang Jerusalem; mamumuhay siya sa kaniyang sariling lugar, mula sa Tarangkahan ng Benjamin hanggang sa dating kinaroroonan ng unang tarangkahan—na ngayon ay Tarangkahan sa Sulok, at mula sa tore ng Hananel hanggang sa mga pisaan ng ubas ng hari.
全地はゲバからエルサレムの南リンモンまで、平地のように変る。しかしエルサレムは高くなって、そのもとの所にとどまり、ベニヤミンの門から、先にあった門の所に及び、隅の門に至り、ハナネルのやぐらから、王の酒ぶねにまで及ぶ。
11 Maninirahan sa Jerusalem ang mga tao, at hindi na magkakaroon ng lubusang pagkawasak mula sa Diyos laban sa kanila; Mamumuhay ng ligtas ang Jerusalem.
その中には人が住み、もはやのろいはなく、エルサレムは安らかに立つ。
12 Ito ang magiging salot na gagamitin ni Yahweh upang lusubin ang lahat ng tao na nakipagdigma laban sa Jerusalem, mabubulok ang kanilang laman kahit na nakatayo sila sa kanilang mga paa. Mabubulok ang kanilang mga mata sa mga ukit nito, at mabubulok ang kanilang mga dila sa loob ng kanilang mga bibig.
エルサレムを攻撃したもろもろの民を、主は災をもって撃たれる。すなわち彼らはなお足で立っているうちに、その肉は腐れ、目はその穴の中で腐れ、舌はその口の中で腐れる。
13 Mangyayari ito sa araw na iyon na ang lubhang pagkatakot na magmumula sa Diyos ay darating sa kanila. Susunggaban ng bawat tao ang kamay ng kaniyang kapwa; bawat kamay ay laban sa kaniyang kapwa.
その日には、主は彼らを大いにあわてさせられるので、彼らはおのおのその隣り人を捕え、手をあげてその隣り人を攻める。
14 Makikipaglaban din ang Juda sa Jerusalem. Titipunin nila ang lahat ng kayamanan ng mga karatig bansa— ginto, pilak, at mga magagandang kasuotan na talagang sagana.
ユダもまた、エルサレムに敵して戦う。その周囲のすべての国びとの財宝、すなわち金銀、衣服などが、はなはだ多く集められる。
15 Magkakaroon din ng salot ang mga kabayo at ang mga mola, ang mga kamelyo at mga asno, at ang bawat hayop na naroon sa mga kampamentong iyon; dadanasin din ng mga ito ang parehong salot.
また馬、騾、らくだ、ろば、およびその陣営にあるすべての家畜にも、この災のような災が臨む。
16 At mangyayari na lahat ng mananatili sa mga bansang iyon na nakipaglaban sa Jerusalem ay aakyat taun-taon upang sumamba sa hari, kay Yahweh ng mga hukbo, at upang ipagdiwang ang Pista ng mga Tolda.
エルサレムに攻めて来たもろもろの国びとの残った者は、皆年々上って来て、王なる万軍の主を拝み、仮庵の祭を守るようになる。
17 At mangyayari na kung hindi aakyat sa Jerusalem ang sinuman mula sa lahat ng bansa sa mundo upang sumamba sa hari, kay Yahweh ng mga hukbo, hindi magbibigay ng ulan si Yahweh sa kanila.
地の諸族のうち、王なる万軍の主を拝むために、エルサレムに上らない者の上には、雨が降らない。
18 At kung ang bansa ng Egipto ay hindi aakyat, hindi sila magkakaroon ng ulan. Isang salot na magmumula kay Yahweh ang lulusob sa mga bansang hindi aakyat upang ipagdiwang ang Pista ng mga Tolda.
エジプトの人々が、もし上ってこない時には、主が仮庵の祭を守るために、上ってこないすべての国びとを撃たれるその災が、彼らの上に臨む。
19 Ito ang magiging parusa sa Egipto at ang parusa sa bawat bansa na hindi aakyat upang ipagdiwang ang Pista ng mga Tolda.
これが、エジプトびとの受ける罰、およびすべて仮庵の祭を守るために上ってこない国びとの受ける罰である。
20 Ngunit sa araw na iyon, sasabihin ng mga kampanilya ng mga kabayo, “Naitalaga kay Yahweh,” at ang mga palanggana sa tahanan ng Diyos ay magiging tulad ng mangkok sa harap ng altar.
その日には、馬の鈴の上に「主に聖なる者」と、しるすのである。また主の宮のなべは、祭壇の前の鉢のように、聖なる物となる。
21 Sapagkat itatalaga kay Yahweh ng mga hukbo ang bawat palayok sa Jerusalem at Juda, at ang bawat isa na magdadala ng alay ay kakain at magpapakulo sa mga ito. Hindi na magkakaroon ng mangangalakal sa tahanan ni Yahweh ng mga hukbo sa araw na iyon.
エルサレムおよびユダのすべてのなべは、万軍の主に対して聖なる物となり、すべて犠牲をささげる者は来てこれを取り、その中で犠牲の肉を煮ることができる。その日には、万軍の主の宮に、もはや商人はいない。

< Zacarias 14 >