< Zacarias 13 >
1 “Sa araw na iyon, isang bukal ang bubuksan para sa sambahayan ni David at sa mga naninirahan sa Jerusalem, para sa kanilang kasalanan at karumihan.
У тај ће дан бити отворен извор дому Давидовом и становницима јерусалимским за грех и за нечистоту.
2 At mangyayari ito sa araw na iyon, “—ito ang pahayag ni Yahweh ng mga hukbo—”na tatanggalin ko ang mga pangalan ng mga diyus-diyosan mula sa lupain upang hindi na sila maalala kailanman. Palalabasin ko rin sa lupain ang mga bulaang propeta at ang kanilang maruming espiritu.
И у тај ћу дан, говори Господ над војскама, истребити из земље имена идолима да се више не спомињу, и пророке и нечисти дух уклонићу из земље.
3 Kung magpapatuloy sa pagpapahayag ang sinuman, sasabihin sa kaniya ng kaniyang ama at ina na siyang nagsilang sa kaniya, 'Hindi ka mabubuhay, sapagkat nagsalita ka ng kasinungalingan sa pangalan ni Yahweh!' At ang ama at ina na siyang nagsilang sa kaniya ang sasaksak sa kaniya kapag magpapahayag siya.
И ако ко још успророкује, рећи ће му отац његов и мати његова, који га родише: Нећеш бити жив, јер си говорио лаж у име Господње. И отац ће га његов и мати његова, који га родише, пробости, што пророкова.
4 At mangyayari ito sa araw na iyon na ang bawat propeta ay ikakahiya ang kaniyang pangitain kapag siya ay magpapahayag na. Ang mga propetang ito ay hindi na magsusuot kailanman ng mabalahibong balabal, upang linlangin ang mga tao.
И у тај ће се дан стидети пророци, сваки своје утваре, кад би пророковао, и неће се огртати плаштем од кострети да би лагали.
5 Sapagkat sasabihin ng bawat isa, 'Hindi ako isang propeta! Isa akong lalaking nagtatrabaho sa lupa, sapagkat ang lupa ay naging trabaho ko na nang ako ay binata pa lamang!'
Него ће сваки рећи: Нисам пророк, ратар сам, јер ме човек најми од младости моје.
6 Ngunit may isang magsasabi sa kaniya, 'Ano ang mga sugat na ito sa pagitan ng iyong mga braso?' at sasagot siya, 'Ako ay nasugatan nang nasa bahay ako ng aking mga kaibigan.”'
И ако му ко рече: Какве су ти то ране на рукама? Он ће одговорити: Допадох их у кући пријатеља својих.
7 “Espada! Gisingin mo ang iyong sarili labanan mo ang aking pastol, ang lalaki na nakatayo ng malapit sa akin” —Ito ang pahayag ni Yahweh ng mga hukbo.” Patayin ang pastol, at ang kawan ay magkakawatak-watak! Sapagkat ipipihit ko ang aking kamay laban sa mga mahihina.
Мачу, устани на пастира мог, и на човека друга мог, говори Господ над војскама, удари пастира, и овце ће се разбећи, али ћу окренути руку своју к малима.
8 At mangyayari ito sa buong lupain”— ito ang pahayag ni Yahweh— “na ang dalawa sa tatlong bahagi nito ay mahihiwalay! Ang mga taong iyon ay mamatay; ang ikatlong bahagi lamang ang mananatli doon.
И у свој земљи, говори Господ, два ће се дела истребити у њој и погинути, а трећи ће остати у њој;
9 Dadalhin ko ang ikatlong bahaging iyon sa apoy at dadalisayin ang mga ito na gaya ng pagdalisay sa pilak; susubukin ko sila gaya ng pagsubok sa ginto. Tatawag sila sa aking pangalan, at sasagutin ko sila at sasabihin, 'Ito ay aking mga tao!' at sasabihin nila, 'Si Yahweh ay aming Diyos!”
И ту ћу трећину метнути у огањ, и претопићу их како се претапа сребро, и окушаћу их како се куша злато, они ће призвати име моје, и ја ћу им се одазвати и рећи ћу: То је мој народ; а они ће рећи: Господ је Бог наш.