< Zacarias 12 >

1 Ito ang pahayag ng salita ni Yahweh tungkol sa Israel— ang pahayag ni Yahweh na siyang lumikha ng kalangitan at nagtatag sa pundasyon ng mundo, siya na lumalang sa espiritu ng sangkatauhan sa loob ng tao:
託宣 イスラエルについての主の言葉。すなわち天をのべ、地の基をすえ、人の霊をその中に造られた主は、こう仰せられる、
2 “Tingnan mo, gagawin kong isang tasa ang Jerusalem na magdudulot sa lahat ng mga taong nakapalibot sa kaniya para magpasuray-suray; magiging ganito rin ang Juda sa panahon ng paglusob laban sa Jerusalem.
「見よ、わたしはエルサレムを、その周囲にあるすべての民をよろめかす杯にしようとしている。これはエルサレムの攻め囲まれる時、ユダにも及ぶ。
3 Mangyayari ito sa panahong iyon na gagawin kong mabigat na bato ang Jerusalem para sa lahat ng mga tao. Ang sinumang sumubok na magbuhat sa batong iyon ay labis niyang masasaktan ang kaniyang sarili, at magsasama-sama laban sa lungsod na iyon ang lahat ng mga bansa sa mundo.
その日には、わたしはエルサレムをすべての民に対して重い石とする。これを持ちあげる者はみな大傷を受ける。地の国々の民は皆集まって、これを攻める。
4 Ito ang pahayag ni Yahweh”— Sa araw na iyon, hahampasin ko ng malaking pagkatakot ang bawat kabayo at ng pagkabaliw ang bawat mangangabayo. Titingin ako ng may kagandahang-loob sa sambahayan ng Juda at bubulagin ang bawat kabayo ng mga hukbo.
主は言われる、その日には、わたしはすべての馬を撃って驚かせ、その乗り手を撃って狂わせる。しかし、もろもろの民の馬を、ことごとく撃って、めくらとするとき、ユダの家に対しては、わたしの目を開く。
5 At sasabihin ng mga pinuno ng Juda sa kanilang mga puso, 'Ang mga naninirahan sa Jerusalem ang aming kalakasan dahil kay Yahweh ng mga hukbo, na kanilang Diyos.'
その時ユダの諸族は、その心の中に『エルサレムの住民は、その神、万軍の主によって力強くなった』と言う。
6 Sa araw na iyon, gagawin kong parang paglutuan sa gitna ng panggatong ang mga pinuno ng Juda at parang umaapoy na sulo sa gitna ng mga nakatayong ginapas na mga trigo, sapagkat tutupukin nila ang lahat ng mga taong nakapalibot sa kanilang kanan at sa kanilang kaliwa. Muling mamumuhay ang Jerusalem sa kanilang sariling lugar. “
その日には、わたしはユダの諸族を、たきぎの中の火皿のようにし、麦束の中のたいまつのようにする。彼らは右に左に、その周囲にあるすべての民を、焼き滅ぼす。しかしエルサレムはなお、そのもとの所、すなわちエルサレムで、人の住む所となる。
7 Unang ililigtas ni Yahweh ang mga tolda ng Juda, upang ang karangalan ng sambahayan ni David at ang karangalan ng mga naninirahan sa Jerusalem ay hindi magiging higit kaysa sa buong Juda.
主はまずユダの幕屋を救われる。これはダビデの家の光栄と、エルサレムの住民の光栄とが、ユダの光栄にまさることのないようにするためである。
8 Sa araw na iyon si Yahweh ang magiging taga-pagtanggol ng mga naninirahan sa Jerusalem, at sa araw na iyon ang mga mahihina sa kanila ay magiging tulad ni David, habang ang sambahayan ni David ay magiging tulad ng Diyos, tulad ng anghel ni Yahweh sa harapan nila.
その日、主はエルサレムの住民を守られる。彼らの中の弱い者も、その日には、ダビデのようになる。またダビデの家は神のように、彼らに先だつ主の使のようになる。
9 “Mangyayari ito sa araw na iyon na sisimulan kong wasakin ang lahat ng bansa na dumating laban sa Jerusalem.”
その日には、わたしはエルサレムに攻めて来る国民を、ことごとく滅ぼそうと努める。
10 Ngunit ibubuhos ko ang espiritu ng pagkahabag at pagsusumamo sa sambahayan ni David at sa mga naninirahan sa Jerusalem, kaya titingin sila sa akin, na kanilang sinaksak. Tatangis sila para sa akin, gaya ng isang tumatangis para sa nag-iisang anak na lalaki; Mananaghoy sila nang may kapaitan para sa kaniya tulad ng mga nananaghoy sa pagkamatay ng panganay na anak na lalaki.
わたしはダビデの家およびエルサレムの住民に、恵みと祈の霊とを注ぐ。彼らはその刺した者を見る時、ひとり子のために嘆くように彼のために嘆き、ういごのために悲しむように、彼のためにいたく悲しむ。
11 Sa araw na iyon ang mga panaghoy sa Jerusalem ay magiging katulad ng mga panaghoy sa Hagad-rimon sa kapatagan ng Megido.
その日には、エルサレムの嘆きは、メギドの平野にあったハダデ・リンモンのための嘆きのように大きい。
12 Ang lupain ay tatangis, ang bawat angkan ay hiwalay mula sa ibang mga angkan. Ang angkan ng sambahayan ni David ay ihihiwalay, at ang kanilang mga asawa ay ihihiwalay mula sa mga lalaki. Ang angkan ng sambahayan ni Nathan ay ihihiwalay, at ang kanilang mga asawang babae ay ihihiwalay sa mga lalaki.
国じゅう、氏族おのおの別れて嘆く。すなわちダビデの家の氏族は別れて嘆き、その妻たちも別れて嘆く。ナタンの家の氏族は別れて嘆き、その妻たちも別れて嘆く。
13 Ang angkan ng sambahayan ni Levi ay ihihiwalay, at ang kanilang mga asawang babae ay ihihiwalay sa mga lalaki.
レビの家の氏族は別れて嘆き、その妻たちも別れて嘆く。シメイの氏族は別れて嘆き、その妻たちも別れて嘆く。
14 Lahat ng natitirang mga angkan— ang bawat angkan ay ihihiwalay, at ang kanilang mga asawang babae ay ihihiwalay sa mga lalaki.”
その他の氏族も皆別れて嘆き、その妻たちも別れて嘆くのである。

< Zacarias 12 >