< Zacarias 10 >

1 Humingi kayo ng ulan kay Yahweh sa panahon ng tag-ulan ng tagsibol —Si Yahweh na siyang gumagawa ng bagyo! — at ipagkakaloob niya ang pagbuhos ng ulan para sa kanila, at sa mga pananim sa kabukiran para sa sangkatauhan.
봄비 때에 여호와 곧 번개를 내는 여호와께 비를 구하라 무리에게 소낙비를 내려서 밭의 채소를 각 사람에게 주리라
2 Sapagkat nagsasabi ng kasinungalingan ang mga diyus-diyosang nasa sambahayan; nagsasabi ang mga manghuhula ng pangitaing kasinungalingan; nagsabi sila ng mga mapanlinlang na mga panaginip at nagbibigay ng aliw na walang kabuluhan. Kaya naliligaw sila na kagaya ng tupa at nagdurusa dahil walang pastol.
대저 드라빔들은 허탄한 것을 말하며 복술자는 진실치 않은 것을 보고 거짓 꿈을 말한즉 그 위로함이 헛되므로 백성이 양 같이 유리하며 목자가 없으므로 곤고를 당하나니
3 Nagliliyab ang aking poot laban sa mga pastol; ito ay ang mga lalaking kambing—ang mga pinuno— na aking parurusahan. Aalagaan din ni Yahweh ng mga hukbo ang kaniyang kawan, ang sambahayan ni Juda, at gagawin silang kagaya ng kabayong pandigma sa labanan!
내가 목자들에게 노를 발하며 내가 수염소들을 벌하리라 만군의 여호와가 그 무리 곧 유다 족속을 권고하여 그들로 전쟁의 준마와 같게 하리니
4 Magmumula sa kanila ang panulukang bato, magmumula sa kanila ang tulos ng tolda, magmumula sa kanila ang panang pandigma; magmumula sa kanila ang bawat pinuno.
모퉁이 돌이 그에게로서, 말뚝이 그에게로서, 싸우는 활이 그에게로서, 권세 잡은 자가 다 일제히 그에게로서 나와서
5 Magiging kagaya sila ng mga mandirigmang tinatapakan ang kanilang mga kaaway sa maputik na mga daan sa labanan; makikipagdigma sila sapagkat nasa kanila si Yahweh, at ipahihiya nila ang mga nakasakay sa mga kabayong pandigma.
싸울 때에 용사같이 거리의 진흙중에 대적을 밟을 것이라 여호와가 그들과 함께한즉 그들이 싸워 말탄 자들로 부끄러워하게 하리라
6 Palalakasin ko ang sambahayan ni Juda at ililigtas ang sambahayan ni Jose; sapagkat panunumbalikin ko sila at magkakaroon ako ng awa sa kanila. Parang hindi ko sila itinakwil, sapagkat Ako si Yahweh ang kanilang Diyos, at ako ay tutugon sa kanila.
내가 유다 족속을 견고하게 하며 요셉 족속을 구원할지라 내가 그들을 긍휼히 여김으로 그들로 돌아오게 하리니 그들이 내게 내어 버리움이 없었음 같이 되리라 나는 그들의 하나님 여호와라 내가 그들을 들으리라
7 At magiging katulad ng isang mandirigma ang Efraim, at magagalak ang kanilang mga puso na parang nakainom ng alak; makikita ito ng kanilang mga anak at sila ay magagalak. Magagalak ang kanilang mga puso sa akin.
에브라임이 용사 같아서 포도주를 마심 같이 마음이 즐거울 것이요 그 자손은 보고 기뻐하며 여호와를 인하여 마음에 즐거워하리라
8 Sisipulan ako sa sila at titipunin, sapagkat sasagipin ko sila at magiging napakarami nila kagaya ng dati.
내가 그들을 향하여 휘파람 불어 모을 것은 내가 그들을 구속하였음이라 그들이 전에 번성하던 것 같이 번성하리라
9 Inihasik ko sila sa mga tao ngunit naalala parin nila ako sa malayong mga bansa. Kaya sila at ang kanilang mga anak ay mabubuhay at makakabalik.
내가 그들을 열방에 뿌리려니와 그들이 원방에서 나를 기억하고 그들의 자녀와 함께 다 생존하여 돌아올지라
10 Sapagkat panunumbalikin ko muli sila mula sa lupain ng Egipto at titipunin sila mula sa Asiria, dadalhin ko sila sa lupain ng Gilead at Lebanon hanggang sa wala nang silid para sa kanila.
내가 그들을 애굽 땅에서 이끌어 돌아오며 그들을 앗수르에서부터 모으며 길르앗 땅과 레바논으로 그들을 이끌어 가리니 그 거할 곳이 부족하리라
11 Dadaan ako sa dagat ng kanilang kadalamhatian; hahampasin ko ang mga alon sa dagat at patutuyuin ko ang lahat ng kalaliman ng Nilo. Babagsak ang karangyan ng Asiria. At ang kapangyarihan ng setro ng Egipto ay mawawala mula sa mga taga Egipto.
내가 그들로 고해를 지나게 하며 바다 물결을 치리니 나일의 깊은 곳이 다 마르겠고 앗수르의 교만이 낮아지겠고 애굽의 홀이 없어지리라
12 Palalakasin ko sila sa aking sarili, at lalakad sila ayon sa aking pangalan. Ito ang pahayag ni Yahweh.
내가 그들로 나 여호와를 의지하여 견고케 하리니 그들이 내 이름을 받들어 왕래하리라 나 여호와의 말이니라

< Zacarias 10 >