< Tito 1 >
1 Pablo, isang lingkod ng Diyos at isang apostol ni Jesu- Cristo, para sa pananalig ng mga pinili ng Diyos at sa kaalaman ng katotohanang naaayon sa kabanalan.
Si Pablo, na alipin ng Dios, at apostol ni Jesucristo, ayon sa pananampalataya ng mga hinirang ng Dios, at sa pagkaalam ng katotohanan na ayon sa kabanalan,
2 Ang mga ito ay nasa pagtitiwala sa buhay na walang hanggan na ang Diyos, siyang walang pagsisinungaling, ay ipinangako bago ang lahat ng panahon. (aiōnios )
Sa pagasa sa buhay na walang hanggan, na ipinangako ng Dios na di makapagsisinungaling buhat pa ng mga panahong walang hanggan; (aiōnios )
3 At sa takdang panahon, ipinahayag niya ang kanyang salita sa mensahe na ipinagkatiwala sa akin upang isalaysay. Ginawa ko ito dahil sa utos ng Diyos na ating tagapagligtas.
Nguni't sa kaniyang mga panahon ay ipinahayag ang kaniyang salita sa pangangaral, na sa akin ay ipinagkatiwala ayon sa utos ng Dios na ating Tagapagligtas;
4 Kay Tito, isang tunay na anak sa ating pangkalahatang pananampalataya. Biyaya, awa at kapayapaan mula sa Diyos Ama at tagapagligtas na si Cristo Jesus.
Kay Tito na aking tunay na anak ayon sa pananampalataya ng lahat: Biyaya at kapayapaan nawang mula sa Dios Ama at kay Cristo Jesus na Tagapagligtas natin.
5 Para sa ganitong layunin iniwan kita sa Creta, upang ikaw ang maaaring mag-ayos ng mga bagay na hindi pa natapos at magtalaga ng mga nakatatanda sa bawat lungsod gaya ng iniutos ko sa iyo.
Dahil dito'y iniwan kita sa Creta, upang husayin mo ang mga bagay na nagkukulang, at maghalal ng mga matanda sa bawa't bayan, na gaya ng ipinagbilin ko sa iyo;
6 Ang isang nakatatanda ay dapat walang kapintasan, may iisang asawa, mayroong masunurin na mga anak hindi naparatangan ng pagiging masama o matigas ang ulo.
Kung ang sinoman ay walang kapintasan, asawa ng isang babae lamang, na may mga anak na nagsisisampalataya, na hindi maisusumbong sa pangliligalig o suwail.
7 Kinakailangan para sa tagapangasiwa, bilang tagapamahala ng sambahayan ng Diyos, ay walang kapintasan. Hindi dapat matabil at walang pagpipigil sa sarili. Hindi madaling magalit, hindi lulon sa alak, hindi isang palaaway, at hindi isang taong sakim.
Sapagka't dapat na ang obispo ay walang kapintasan, palibhasa siya'y katiwala ng Dios; hindi mapagsariling kalooban, hindi magagalitin, hindi manggugulo, hindi palaaway, hindi masakim sa mahalay na kapakinabangan;
8 Subalit dapat bukas ang kaniyang tahanan sa mga panauhin at isang kaibigan ng mabuti. Dapat siya ay matino, matuwid, makadiyos, at may pagpipigil sa sarili.
Kundi mapagpatuloy, maibigin sa mabuti, mahinahon ang pagiisip, matuwid, banal, mapagpigil;
9 Dapat siya ay matibay na nananangan sa naiturong mapakakatiwalaang mensahe, upang yaon siya ay maaaring magpalakas sa mga iba pa sa pamamagitan ng mabuting katuruan, at maituwid yaong mga sumasalungat sa kanya.
Na nananangan sa tapat na salita na ayon sa turo, upang umaral ng magaling na aral, at papaniwalain ang nagsisisalangsang.
10 Dahil marami ang taong naghihimagsik, lalo na sa yaong mga tuli. Walang silbi ang kanilang mga salita. Nililinlang nila at pinamumunuan ang mga tao sa maling dako.
Sapagka't may maraming mga suwail, na mapagsalita ng walang kabuluhan at mga magdaraya, lalong lalo na yaong mga sa pagtutuli,
11 Kinakailangan pigilan ang kanilang mga labi. Sila ay nagtuturo ng hindi dapat ituro para sa kahiya-hiyang kapakinabangan at winawasak ang mga pamilya.
Na ang kanilang mga bibig ay nararapat matikom; mga taong nagsisipanggulo sa buong mga sangbahayan, na nangagtuturo ng mga bagay na di nararapat, dahil sa mahalay na kapakinabangan.
12 Isa sa kanila, isang matalinong tao mula sa kanila, ang nagsabi “Ang mga Creto ay walang tigil sa pagsisinungaling, masama at mapanganib na mga hayop, tamad ang mga sikmura.”
Sinabi ng isa sa kanila rin, ng isang propetang sarili nila, Ang mga taga Creta kailan pa man ay mga sinungaling, masasamang hayop, matatakaw na mga tamad.
13 Ang pahayag na ito ay totoo, kaya mahigpit mo silang iwasto sa gayon sila ay maaaring maayos sa pananampalataya.
Ang patotoong ito ay tunay. Dahil dito'y sawayin mong may kabagsikan sila, upang mangapakagaling sa pananampalataya,
14 Huwag paglaanan ng pansin ang mga kathang isip ng Judio o sa mga kautusan ng mga taong tumalikod sa katotohan.
Na huwag mangakinig sa mga katha ng mga Judio, at sa mga utos ng mga tao na nangagsisisinsay sa katotohanan.
15 Sa yaong mga dalisay, lahat ng mga bagay ay dalisay. Ngunit sa yaong mga marumi at hindi naniniwala ay walang kadalisayan. Sapagkat ang kanilang mga pag-iisip at mga budhi ay madumi.
Sa malinis ang lahat ng mga bagay ay malinis: datapuwa't sa nangahawa at di nagsisisampalataya ay walang anomang malinis; kundi pati ng kanilang pagiisip at kanilang budhi ay pawang nangahawa.
16 Sinasabi nila na kilala ang Diyos, ngunit kanilang itinatatwa siya sa pamamagitan ng kanilang mga gawa. Sila ay kasuklam-suklam at masuwayin. Sila ay tumututol sa anumang mabuting gawa.
Sila'y nangagpapanggap na nakikilala nila ang Dios; nguni't ikinakaila sa pamamagitan ng kanilang mga gawa, palibhasa'y mga malulupit, at mga masuwayin, at mga itinakuwil sa bawa't gawang mabuti.