< Awit ng mga Awit 8 >

1 Hinahangad kong maging tulad ka ng aking kapatid na lalaki, na sumuso sa dibdib ng aking ina. At, sa tuwing nakikita kita sa labas, mahahalikan kita, at walang maaaring humamak sa akin.
Nangandoy ako nga ikaw sama sa akong igsoon nga lalaki, nga nagsuso sa akong inahan. Aron kung bisan asa ko ikaw matagboan sa gawas, makahimo ako sa paghalok kanimo, ug walay bisan usa nga motamay kanako.
2 Pangungunahan kita at dadalhin kita sa bahay ng aking ina, at ako ay tuturuan mo. Bibigyan kita ng alak na hinaluan ng pampalasa para inumin at kaunting katas ng aking mga bunga na granada. Ang dalagang babae ay nagsasalita sa kaniyang sarili.
Giyahan ko ikaw ug dad-on ko ikaw ngadto sa panimalay sa akong inahan, ug tudloan mo ako. Hatagan ko ikaw sa gipahumot nga bino ug duga sa akong mga granada aron imnon. Nagsulti ang batan-ong babaye sa iyang kaugalingon.
3 Hinahawakan ng kaniyang kaliwang kamay ang aking ulo; niyayapos niya ako ng kaniyang kanang kamay. Ang babae ay nagsasalita sa ibang kababaihan.
Ang iyang wala nga kamot anaa sa ilalom sa akong ulo ug ang iyang tuong kamot naggakos kanako. Nakigsulti ang babaye ngadto sa laing babaye.
4 Nais kong manumpa kayo, mga anak na babae ng kalalakihan ng Jerusalem, na hindi ninyo gagambalain ang aming pagtatalik hanggang ito ay matapos. Ang mga kababaihan ng Jerusalem ay nagsasalita
Gusto ko nga manumpa ka, mga anak nga babaye sa katawhan sa Jerusalem, nga dili mo kami samokon sa among paghinigugmaay samtang dili pa kini mahuman. Nagsulti ang mga babaye sa Jerusalem.
5 Sino ito na dumarating mula sa ilang, na sumasandal sa kaniyang minamahal? Ang dalaga ay nagsasalita sa kaniyang mangingibig ginising kita sa ilalim ng puno ng aprikot kung saan ipinagbuntis ka ng iyong ina, kung saan ka niya isinilang.
Kinsa man kining miabot gikan sa kamingawan, nga nagsandig sa iyang hinigugma? Ang batan-on nga babaye nakigsulti sa iyang hinigugma, gipukaw ko ikaw ilalom sa kahoy nga apricot; didto gipanamkon ka sa imong inahan; didto ka niya gimabdos, siya ang naghimugso kanimo.
6 Ilagay mo ako bilang isang tatak sa iyong puso, katulad ng isang selyo sa iyong bisig, dahil ang pag-ibig ay kasing lakas tulad ng kamatayan. Ang madamdaming debosyon ay tulad ng pagpupumilit ng sheol; ang mga apoy nito ay lumalagablab; ito ay isang nagliliyab na apoy, isang apoy na mas mainit kaysa sa anumang apoy. (Sheol h7585)
Himoa ako ingon nga silyo sa tibuok mong kasingkasing, sama sa silyo sa imong bukton, kay ang gugma kusgan sama sa kamatayon. Ang kainit sa hilabihan nga pagbati sama sa Sheol; miulbo ang kalayo niini; nagdilaab kini nga kalayo, usa ka kalayo nga mas init kaysa ubang kalayo. (Sheol h7585)
7 Hindi kayang pawiin ng mga tubig na dumadaluyong ang pag-ibig, kahit mga baha ay hindi kayang tangayin nito. Kung ibinigay ng isang lalaki ang lahat ng mga pag-aari sa kaniyang tahanan para sa pag-ibig, ang inaalok niya ay maaaring lubos na hamakin. Ang mga kapatid na lalaki ng dalagang babae ay nagsasalita sa kanilang mga sarili.
Ang baha dili makapahunong sa gugma, ni ang baha makabanlas niini. Kung ihatag sa usa ka lalaki ang tanan niyang mga kabtangan nga anaa sa iyang balay alang sa gugma, ang tanyag pagatamayon gayod. Ang igsoon nga mga lalaki sa batan-ong babaye nagsultianay sa ilang mga kaugalingon.
8 Kami ay mayroong isang batang kapatid na babae, at hindi pa lumalaki ang kaniyang mga dibdib. Ano ang magagawa namin para sa aming kapatid na babae sa araw na siya ay ipapangakong ikakasal?
Aduna kami igsoon nga batan-ong babaye, ug wala pa siya namukol. Unsa man ang among mabuhat alang sa among igsoon nga babaye sa adlaw nga saaran siya nga minyoan?
9 Kung siya ay isang pader, magtatayo kami sa kaniya ng isang tore na pilak. Kung siya ay isang pintuan, siya ay aming pagagandahin na may mga tabla ng cedar. Ang dalaga ay nagsasalita sa kaniyang sarili.
Kung siya usa ka paril, pagatukoran namo siya ug usa ka tore nga plata. Kung siya usa ka pultahan, pagadayandayanan namo siya sa tabla nga sedro. Ang batan-ong babaye nakigsulti sa iyang kaugalingon.
10 Ako ay isang pader, pero ang dibdib ko ay katulad ng kuta ng mga tore; kaya ako ay ganap ng hinog sa kaniyang paningin. Ang dalaga ay nagsasalita sa kaniyang sarili.
Usa ako ka paril kaniadto, apan ang akong suso karon sama sa kahabog sa mga tore; busa hamtong na gayod ako sa iyang mga mata. Ang batan-ong babaye nakigsulti sa iyang kaugalingon.
11 May isang ubasan si Solomon sa Baal Hamon; pinaupahan niya ang ubasan sa mga nais mag-alaga nito. Bawa't isa ay magdadala ng isang libong halaga ng pilak para sa bunga nito.
Adunay kaparasan si Solomon didto sa Baal Hamon. Gipaabangan niya ang kaparasan niadtong gusto mag-atiman niini. Ang matag usa magdala sa liboan ka mga shekel nga plata alang sa bunga niini.
12 Ang aking ubasan ay talagang akin; ang libong pera ay iyong pag-aari, minamahal kong Solomon, at ang dalawang daang pera ay para sa mga nag-aalaga para sa bunga nito. Ang kasintahan ng babae ay nagsasalita sa kaniya
Ang akong kaparasan, akoa lang gayod; ang liboan ka mga shekel nahisakop kanimo, akong hinigugma nga si Solomon, ug ang duha ka gatos nga mga shekel alang niadtong nag-atiman sa bunga niini. Nakigsulti ang hinigugma sa babaye ngadto kaniya.
13 Ikaw na naninirahan sa mga hardin, ang aking mga kasama ay nakikinig sa iyong tinig; hayaan mong ako ay makarinig din nito. Ang dalaga ay nagsasalita sa kaniyang kasintahan
Ikaw nga nagpuyo sa mga tanaman, naminaw sa imong tingog ang akong mga kaubanan; hinaot nga ako lamang ang makadungog niini. Ang batan-ong babaye nakigsulti sa iyang hinigugma.
14 Magmadali ka, aking minamahal, at maging katulad ng isang gasel o isang batang usang barako sa mga bundok ng mga sangkap ng pabango.
Pagdali, akong hinigugma, ug pahisama sa usa ka lagsaw o sa nating binaw nga anaa ibabaw sa kabukiran sa mga pahumot.

< Awit ng mga Awit 8 >