< Awit ng mga Awit 7 >
1 Kay ganda ng iyong mga paa sa iyong sandalyas, anak na babae ng prinsipe! Ang hugis ng iyong mga hita ay katulad ng hiyas, gawa ng mga kamay ng isang dalubhasa.
«Kor fagert din fot stig på skoen, du gjævings møy. Dine lender er bogne som ei sylgja, smidd av ei kunstnarhand.
2 Ang pusod mo ay katulad ng isang bilugang mangkok; nawa ito ay hindi kailanman magkukulang ng pinaghalong alak. Ang puson mo ay tulad ng isang tambak ng trigo na napaligiran ng mga liryo.
Fanget som skåli rund, ho aldri vante vin. Livet ein kveitehaug med liljor ikring.
3 Ang dalawang dibdib mo ay tulad ng dalawang munting mga usa, magkakambal na gasel.
Eit killingpar barmen, tvillingar til ei gasella.
4 Ang iyong leeg ay tulad ng isang tore ng garing; ang iyong mga mata ay tulad ng mga lawa sa Hesbon sa tarangkahan ng Bat Rabim. Ang iyong ilong ay tulad ng tore sa Lebanon na nakamasid patungo sa Damasco.
Din hals som eit filsbeinstårn, augo som Hesbons tjørner ved Bat-rabbims port. Nasen som Libanons tårn, som vender imot Damaskus.
5 Parang bundok ng Carmelo ang iyong ulo; ang buhok sa iyong ulo ay itim na lila. Ang hari ay nabihag sa pamamagitan ng mga tirintas nito.
Ditt hovudet som Karmel ris upp, og lokkarne purpur er, ein konge i flettom er fanga.»
6 Kay ganda at kaibig-ibig mo, nag-iisang minamahal, kasama ang iyong kagalakan!
«Å, kor fager, kor frid du er, du kjærleik so hugnadrik!
7 Ang iyong taas ay katulad ng isang puno ng palmang datiles, at ang mga dibdib mo ay tulad ng mga kumpol na bunga.
Som ei palma er du i vokster, som druvor din barm.
8 Iniisip ko, “Nais kong akyatin ang punong palmang iyon; Ako ay hahawak sa mga sanga nito.” Nawa maging katulad ng kumpol na mga ubas ang iyong mga dibdib, at nawa ang halimuyak ng iyong ilong ay maging katulad ng mga aprikot.
Eg meiner upp i palmen eg stig, i stylkerne tek eg tak, din barm skal vera som druvor, din ande er som dåm av eple.
9 Nawa ang iyong bibig ay maging katulad ng pinakamasarap na alak, banayad na dumadaloy sa aking minamahal, dumudulas sa ating mga labi at mga ngipin. Ang dalaga ay nagsasalita sa kaniyang mangingibig.
Og munnen som ljuvaste vin.» «Som lett glid ned for min ven og kveikjer sovandes lippor.
10 Ako ay sa aking minamahal, at ninanais niya ako.
Til min ven høyrer eg, og til meg stend hans trå.»
11 Lumapit ka, aking minamahal, lumabas tayo sa kabukiran; hayaan nating magpalipas ng gabi sa mga nayon.
«Kom so min ven, ut på marki lat oss gå og i byom oss kvara!
12 Halina tayo ay bumangon ng maaga para magtungo sa mga ubasan; tingnan natin kung umusbong ang mga puno ng ubas, kung ang kanilang mga bulaklak ay namukadkad, at kung ang bunga ng granada ay namulaklak. Doon ibibigay ko sa iyo ang aking pag-ibig.
Og i otta inni vingardom sjå, um vintreet sprett, um knupparne spring, um granattreet blømer! Der vil eg gjeva min elsk til deg.
13 Nagbibigay ng kanilang halimuyak ang mga mandragora; sa pintuan kung saan tayo nananatili ay may mga uri lahat ng piling mga bunga, bago at luma, na aking inimbak para sa iyo, aking minamahal.
Frå kjærleiks-epli strøymer ein fræn, alle slag frukt er ved dørom. Nye og gamle, min ven, hev eg gøymt til deg.