< Awit ng mga Awit 7 >

1 Kay ganda ng iyong mga paa sa iyong sandalyas, anak na babae ng prinsipe! Ang hugis ng iyong mga hita ay katulad ng hiyas, gawa ng mga kamay ng isang dalubhasa.
Hvor skønne er dine Trin i Skoene, du ædelbaarne! Dine Hofters Runding er som Halsbaand, Kunstnerhaands Værk,
2 Ang pusod mo ay katulad ng isang bilugang mangkok; nawa ito ay hindi kailanman magkukulang ng pinaghalong alak. Ang puson mo ay tulad ng isang tambak ng trigo na napaligiran ng mga liryo.
dit Skød som det runde Bæger, ej savne det Vin, dit Liv som en Hvededynge, hegnet af Liljer;
3 Ang dalawang dibdib mo ay tulad ng dalawang munting mga usa, magkakambal na gasel.
dit Bryst som to Hjortekalve, Gazelletvillinger,
4 Ang iyong leeg ay tulad ng isang tore ng garing; ang iyong mga mata ay tulad ng mga lawa sa Hesbon sa tarangkahan ng Bat Rabim. Ang iyong ilong ay tulad ng tore sa Lebanon na nakamasid patungo sa Damasco.
din Hals som Elfenbenstaarnet, dine Øjne som Hesjbons Damme ved Bat-Rabbims Port, din Næse som Libanons Taarn, der ser mod Damaskus,
5 Parang bundok ng Carmelo ang iyong ulo; ang buhok sa iyong ulo ay itim na lila. Ang hari ay nabihag sa pamamagitan ng mga tirintas nito.
Hovedet paa dig som Karmel, dit Hoveds Lokker som Purpur; en Konge er fanget i Garnet.
6 Kay ganda at kaibig-ibig mo, nag-iisang minamahal, kasama ang iyong kagalakan!
Hvor er du fager og yndig, du elskede, yndefulde!
7 Ang iyong taas ay katulad ng isang puno ng palmang datiles, at ang mga dibdib mo ay tulad ng mga kumpol na bunga.
Som Palmen, saa er din Vækst, dit Bryst som Klaser.
8 Iniisip ko, “Nais kong akyatin ang punong palmang iyon; Ako ay hahawak sa mga sanga nito.” Nawa maging katulad ng kumpol na mga ubas ang iyong mga dibdib, at nawa ang halimuyak ng iyong ilong ay maging katulad ng mga aprikot.
Jeg tænker: Jeg vil op i Palmen, gribe fat i dens Stilke; dit Bryst skal være som Vinstokkens Klaser, din Næses Aande som Æbleduft,
9 Nawa ang iyong bibig ay maging katulad ng pinakamasarap na alak, banayad na dumadaloy sa aking minamahal, dumudulas sa ating mga labi at mga ngipin. Ang dalaga ay nagsasalita sa kaniyang mangingibig.
din Gane som ædel Vin, der liflig flyder ind i min Mund, glider over mine Læber og Tænder.
10 Ako ay sa aking minamahal, at ninanais niya ako.
Jeg er min Vens, og til mig staar hans Attraa.
11 Lumapit ka, aking minamahal, lumabas tayo sa kabukiran; hayaan nating magpalipas ng gabi sa mga nayon.
Kom min Ven, vi vil ud paa Landet, blive i Landsbyer Natten over;
12 Halina tayo ay bumangon ng maaga para magtungo sa mga ubasan; tingnan natin kung umusbong ang mga puno ng ubas, kung ang kanilang mga bulaklak ay namukadkad, at kung ang bunga ng granada ay namulaklak. Doon ibibigay ko sa iyo ang aking pag-ibig.
Vingaarde søger vi aarle, vi ser, om Vinstokken skyder, om Knopperne aabnes, Granattræet blomstrer. Der giver jeg dig min Kærlighed.
13 Nagbibigay ng kanilang halimuyak ang mga mandragora; sa pintuan kung saan tayo nananatili ay may mga uri lahat ng piling mga bunga, bago at luma, na aking inimbak para sa iyo, aking minamahal.
Kærlighedsæblerne dufter, for vor Dør er al Slags Frugt, ny og gammel tillige; til dig, min Ven, har jeg gemt dem.

< Awit ng mga Awit 7 >