< Awit ng mga Awit 3 >
1 Sa gabi sa aking higaan ako ay nananabik sa aking mahal, hinanap ko siya, pero hindi ko siya matagpuan.
[[M.]] Upon my bed, in the night, I sought him whom my soul loveth; I sought him, but found him not.
2 Sabi ko sa aking sarili, “Babangon ako at pupunta sa iba't ibang dako ng lungsod, sa mga lansangan at mga plasa; hahanapin ko ang aking minamahal”. Hinanap ko siya pero, hindi ko siya matagpuan.
I will arise now [[said I]], and go about the city; In the streets and the broad ways will I seek him whom my soul loveth; I sought him, but found him not.
3 Natagpuan ako ng mga bantay habang sila ay nag-iikot sa lungsod. Tinanong ko sila, “Nakita ba ninyo ang aking minamahal?”
The watchmen who go about the city found me; “Have you seen [[said I]] him whom my soul loveth?”
4 Ilang sandali palang ang nakalipas pagkatapos ko silang malampasan nang natagpuan ko siya na minamahal ng aking kaluluwa. Hinawakan ko siya at hindi siya binitiwan hanggang nadala ko siya sa bahay ng aking ina, sa silid ng nagbuntis sa akin. Nagsasalita sa ibang kababaihan ang babae
I had but just passed them, When I found him whom my soul loveth; I held him, and would not let him go, Till I had brought him into my mother's house, Into the apartment of her that bore me.
5 Nais kong mangako kayo, mga anak na dalaga ng bayang Jerusalem, kasama ng mga gasel at mga babaing usa sa parang, na hindi ninyo gagambalain ang aming pagtatalik hanggang ito ay matapos. Nagsasalita sa kaniyang sarili ang babae
[[Lov.]] I charge you, O ye daughters of Jerusalem! By the gazelles, and by the hinds of the field, That ye stir not up, nor awake my love, till she please.
6 Ano iyon na dumarating mula sa ilang tulad ng isang hanay ng usok, pinabanguhan ng mira at kamanyang, kasama ng lahat ng mga pulbos na ipinagbili ng mga mangangalakal?
Who is this that cometh up from the wilderness, Like pillars of smoke, Perfumed with myrrh and frankincense, With all the powders of the merchant?
7 Tingnan mo, ang arag-arag ni Solomon na binubuhat; animnapung mga mandirigma ang nakapaligid dito, animnapung mga sundalo ng Israel.
Behold, the carriage of Solomon! Threescore valiant men are around it, Of the valiant men of Israel.
8 Sila ay mga dalubhasa sa espada at bihasa sa digmaan. Bawa't lalaki ay may espada sa kaniyang tagiliran, armado laban sa mga kilabot ng gabi.
They all wear swords, Being skilled in war. Every one hath his sword girt upon his thigh, On account of danger in the night.
9 Ginawan ni Haring Solomon ang kaniyang sarili ng isang upuan na yari sa kahoy na Sedan na mula sa Lebanon.
King Solomon made for himself a carriage Of the wood of Lebanon.
10 Ang mga poste nito ay gawa sa pilak, ang likuran ay gawa sa ginto, at ang upuan sa lilang tela. Ang panloob nito ay pinalamutian ng may pag-ibig ng mga anak na dalaga ng bayang Jerusalem. Nagsasalita sa ibang kababaihan ng Jerusalem ang dalaga.
The pillars thereof he made of silver, The railing of gold, The seat of purple, Its interior curiously wrought by a lovely one of the daughters of Jerusalem.
11 Lumabas kayo, mga dalaga ng bayang Sion, at masdang mabuti si Haring Solomon, suot-suot ang korona na siyang ikinorona sa kaniya ng kaniyang ina sa araw ng kaniyang kasal, doon sa masayang araw ng kaniyang buhay.
Go forth, O ye daughters of Zion! And behold King Solomon In the crown with which his mother crowned him, In the day of his espousals, In the day of the gladness of his heart.