< Ruth 2 >

1 Ngayon ang asawa ni Naomi, si Elimelek, ay may kamag-anak, si Boaz, na isang mayaman, maimpluwensiyang tao.
Noemi imaše rođaka po mužu, čovjeka vrlo imućna, iz porodice Elimelekove: zvao se Boaz.
2 Sinabi ni Ruth, na Moabita, kay Naomi, “Ngayon hayaan mo akong umalis at mamulot ng mga uhay ng natitirang butil sa mga bukid. Susunod ako sa kahit kaninong mga mata ako makatagpo ng pabor.” Kaya sinabi ni Naomi sa kaniya, “Pumunta ka, aking anak.”
Tada Ruta Moapka reče Noemi: “Htjela bih ići u polje pabirčiti klasje za onim u koga nađem milost.” Ona joj odgovori: “Hajde, kćeri moja!”
3 Si Ruth ay nagpunta at namulot sa bukid kasunod ng mga mang-aani. Nangyaring napunta siya sa bahagi ng bukiring nabibilang kay Boaz, na may kaugnayan kay Elimelek.
I ode, dođe u polje te poče pabirčiti za žeteocima. A sreća je dovede u polje koje pripadaše Boazu, iz roda Elimelekova.
4 Masdan, si Boaz ay dumating mula Betlehem at sinabi sa mga mang-aani, “Sumainyo nawa si Yahweh.” Sumagot sila sa kaniya, “Pagpalain kayo nawa ni Yahweh”.
I gle, dođe Boaz iz Betlehema. “Jahve bio s vama!” - pozdravi on žeteoce. A oni mu odgovoriše: “Jahve te blagoslovio!”
5 Pagkatapos, sinabi ni Boaz sa kaniyang lingkod na nangangasiwa sa mga mang-aani,” Kanino nabibilang ang kabataang babaeng ito?”
Boaz će nato momku koji je nadzirao žeteoce: “Čija je ona mlada žena?”
6 Sumagot ang lingkod na nangangasiwa sa mga mang-aani at sinabi, “Iyan ang kabataang babaeng Moabitang bumalik kasama ni Naomi mula sa lupain ng Moab.
A momak koji bijaše nad žeteocima odgovori: “Ono je mlada Moapka što je došla prateći Noemi s Moapskih poljana.
7 Sinabi niya sa akin, 'Pakiusap hayaan mo akong mamulot at magtipon ng mga uhay habang sumusunod ako sa mga nag-aani.' Kaya dumating siya rito at nagpapatuloy mula umaga hanggang ngayon, maliban na nagpahinga siya nang kaunti sa bahay.”
Pitala je: 'Smijem li pabirčiti i kupiti klasje između snopova za žeteocima?' I došla je, eto, i ostala od ranog jutra sve dosad; i samo je malo ušla u kuću.”
8 Pagkatapos sinabi ni Boaz kay Ruth, “Nakikinig ka ba sa akin, aking anak? Huwag kang pumaroon at mamulot sa ibang bukid; huwag mong iwan ang aking bukid. Sa halip, manatili ka rito at magtrabaho kasama ng aking mga kabataang babaing manggagawa.
Onda Boaz reče Ruti: “Čuj me, kćeri moja, ne idi pabirčiti u drugoga nego se drži mojih njiva i mojih poslenika.
9 Panatilihin mo lang na nakatuon ang iyong mga mata sa bukid kung saan ang mga lalaki ay nag-aani at sumusunod sa likod ng ibang kababaihan. Hindi ko ba tinagubilinan ang mga kalalakihan na huwag kang galawin? Kapag nauuhaw ka, maaari kang pumunta sa mga banga ng tubig at inumin ang tubig na naigib ng mga kalalakihan.”
Pazi na kojoj njivi oni žanju, pa idi za njima. A naredio sam momcima da te nitko ne dira. Kad ožedniš, idi k posudama i pij što moje sluge zahitaju.”
10 Pagkatapos yumuko siya sa harap ni Boaz, na nakasayad ang ulo sa lupa. Sinabi niya sa kaniya, “Bakit ako nakatagpo ng pabor sa iyong paningin, dapat ka bang magmalasakit sa akin, isang dayuhan?”
Ona tada pade ničice, pokloni se do zemlje i reče: “Čime sam stekla toliku milost u očima tvojim da mi posvećuješ pažnju kad sam tuđinka?”
11 Sumagot si Boaz at sinabi sa kaniya,” Naibalita sa akin, lahat ng nagawa mo simula nang mamatay ang iyong asawa. Iniwan mo ang iyong ama, ina, at ang lupain ng iyong kapanganakan para sundan ang iyong biyenang babae at para pumunta sa isang bayang hindi mo kilala.
Boaz joj odgovori: “Čuo sam što si sve učinila za svoju svekrvu poslije smrti svoga muža; kako si ostavila oca svoga, majku svoju i zavičaj svoj te došla u narod kojega do jučer ili prekjučer nisi poznavala.
12 Gantimpalaan ka nawa ni Yahweh dahil sa iyong ginawa. Makatanggap ka nawa ng buong kabayaran mula kay Yahweh, ang Diyos ng Israel, sa ilalim ng mga pakpak na nahanap mo ang kanlungan.”
Neka ti Jahve plati sve što si učinila i neka ti udijeli pravu nagradu Jahve, Bog Izraelov, kad si došla da se pod krila njegova skloniš!”
13 Pagkatapos sinabi niya, “Hayaan mong makatagpo ako ng pabor sa inyong paningin, aking panginoon, dahil inaliw mo ako, at nakipag-usap kang may kagandahang-loob sa akin, kahit na hindi ako isa sa inyong mga babaeng lingkod.”
Ona preuze: “Kad bih mogla uvijek nalaziti milost u tvojim očima, gospodaru, jer si me utješio i milostivo progovorio sluškinji svojoj, ako i nisam kao jedna od tvojih sluškinja.”
14 Nang oras na ng kainan sinabi ni Boaz kay Ruth, “Pumarito ka, at kumain ng kaunting tinapay, at isawsaw mo ang iyong pagkain sa sukang alak.” Umupo siya sa gilid ng mga mang-aani, at inalok niya siya ng kaunting inihaw na butil. Kumain siya hanggang sa mabusog siya at iniwan ang natira nito.
Kad bijaše vrijeme ručku, Boaz joj reče: “Hodi ovamo, jedi ovog kruha i umoči svoj zalogaj u ocat!” Ona sjede pokraj žetelaca, a on stavi pred nju prženih zrna. Jela je i nasitila se i još joj preteče.
15 Nang tumindig siya para mamulot, inutusan ni Boaz ang kaniyang mga kabataang lalaki, sinasabing, “Hayaan ninyo siyang mamulot kahit sa mga binigkis, at huwag magsasabi ng kahit anong masama sa kaniya.
Kad je ustala da pabirči dalje, Boaz zapovjedi svojim slugama: “I među snopljem neka ona pabirči, a vi joj nemojte zanovijetati.
16 At dapat hilain ninyo palabas ang ilang mga binigkis para sa kaniya mula sa mga bigkis, at iwan ang mga ito para pulutin niya. Huwag ninyo siyang sasawayin.”
Nego navlaš ispuštajte klasove iz svojih rukoveti i ostavljajte joj neka kÓupi i nemojte je koriti!”
17 Kaya namulot siya sa bukid hanggang gabi. Pagkatapos giniik niya ang mga uhay ng butil na kaniyang napulot, at ang butil ay halos isang salop ng sebada.
I tako je pabirčila sve do večeri, pa onda ovrše ono što je napabirčila: bijaše otprilike jedna efa ječma.
18 Binuhat niya ito at nagtungo ng lungsod. Pagkatapos nakita ng kaniyang biyenan ang kaniyang napulot. Dinala din ni Ruth ang inihaw na butil na natira mula sa kaniyang pagkain at ibinigay ito sa kaniya.
Uze ona svoje i dođe u grad, a svekrva vidje koliko je napabirčila. Tada Ruta izvadi i dade joj što joj bijaše preteklo pošto se nasitila.
19 Sinabi ng kaniyang biyenan sa kaniya, “Saan ka namulot ngayong araw? Saan ka pumunta para magtrabaho? Pagpalain nawa ang lalaking tumulong sa iyo.” Pagkatapos sinabi ni Ruth sa kaniyang biyenan ang tungkol sa lalaking nagmamay-ari ng bukid kung saan siya nagtrabaho. Sinabi niya,” Ang pangalan ng lalaking nagmamay-ari ng bukid kung saan ako nagtrabaho ngayon ay Boaz.”
Svekrva je upita: “Gdje si pabirčila danas? Gdje si radila? Neka je blagoslovljen onaj koji je pogledao na te!” Onda ona pripovjedi svekrvi kod koga je radila i reče: “Čovjek u koga sam danas radila zove se Boaz.”
20 Sinabi ni Naomi sa kaniyang manugang,” Pagpalain nawa siya ni Yahweh, na hindi itinigil ang kaniyang katapatan sa buhay at sa mga patay.” Sinabi ni Naomi sa kaniya,” Ang lalaking iyon ay malapit na kamag-anak natin; isa sa mga tagasagip na kamag-anak natin.”
Tada će Noemi svojoj snasi: “Neka Jahve blagoslovi onoga koji ne uskraćuje dobrote svoje ni živima ni mrtvima!” I dometnu Noemi: “Taj je čovjek naš rod; jedan od naših skrbnika.”
21 Sinabi ni Ruth na Moabita, “Tunay nga, sinabi niya sa akin, 'Dapat kang manatiling malapit sa aking mga kabataang lalaki hanggang matapos nilang lahat ang aking ani.”
Ruta Moapka pripovjedi dalje: “Još mi reče: 'Drži se mojih poslenika dokle ne požanju sve moje!'”
22 Sinabi ni Naomi kay Ruth na manugang niya, “Mabuti iyon, aking anak, lumabas ka kasama ng kaniyang mga kabaatang babaeng manggagawa, para hindi ka mapahamak alinman sa ibang bukid.”
Noemi nato reče Ruti, snasi svojoj: “Dobro je, kćeri moja, idi za njegovim poslenicima da ti ne bude neprilike na kojoj drugoj njivi.”
23 Kaya nanatili siyang malapit sa mga babaing manggagawa ni Boaz para mamulot hanggang matapos ang pag-aani ng sebada at pag-aani ng trigo. Nakatira siya kasama ng kaniyang biyenan.
I tako se držala poslenika Boazovih i pabirčila dokle ne požeše i ječam i pšenicu. I živjela je kod svekrve svoje.

< Ruth 2 >