< Ruth 1 >

1 Nangyari ito noong mga araw nang ang mga hukom ay namahala na nagkaroon ng taggutom doon, at isang tiyak na lalaki ng Bethlehem ng Juda ang pumunta sa bansa ng Moab kasama ang kaniyang asawa at kaniyang dalawang anak na lalaki.
當民長執政時代,國內發生了饑荒。有個人帶了他的妻子和兩個兒子,從猶大白冷到摩阿布鄉間去僑居。
2 Elimelek ang pangalan ng lalaki at Naomi ang pangalan ng kaniyang asawa. Ang pangalan ng kaniyang dalawang anak na lalaki ay sina Mahlon at Quelion, na mga Efrateo na taga-Bethlehem-Juda. Nakarating sila sa bansa ng Moab at nanirahan doon.
這人名叫厄里默肋客,他的妻子名叫納敖米,他的兩個兒子:一個名叫瑪赫隆,一個名叫基肋雍,是猶大白冷厄弗辣大人。他們到了摩阿布鄉間,就住在那裏。
3 Pagkatapos namatay si Elimelek na asawa ni Naomi, at naiwan siyang kasama ng kaniyang dalawang anak na lalaki.
後來納敖米的丈夫厄里默肋客死了,留下了她和她的兩個兒子。
4 Itong mga anak na lalaki ay kumuha ng mga asawa mula sa mga kababaihan ng Moab; ang pangalan ng isa ay Orpa at ang pangalan ng isa pa ay Ruth. Nanirahan sila roon nang halos sampung taon.
他們都娶了摩阿布女子為妻:一個名叫敖爾帕,一個名叫盧德;他們在那裏大約住了十年。
5 Pagkatapos parehong namatay sina Mahlon at Quelion, kaya naiwan si Naomi wala ang kaniyang asawa at wala ang kaniyang dalawang anak.
瑪赫隆和基肋雍二人有相繼去世,只剩下了那婦人,沒有兒子,以沒有丈夫。
6 Pagkatapos nagpasya si Naomi na umalis ng Moab kasama ang kaniyang mga manugang at bumalik sa Juda dahil narinig niya sa rehiyon ng Maob na tinulungan ni Yahweh ang kaniyang bayan na nangangailangan at binigyan sila ng pagkain.
於是她便與她的兩個兒媳打算從摩阿布鄉間起程回家,因為她在摩阿布鄉間聽說天主垂顧了他的百姓,賜給了他們食糧。納熬米勸兒媳回家
7 Kaya umalis siya sa lugar kung saan siya naroon kasama ang kaniyang mga manugang na babae at naglakad sila pababa sa daan para bumalik sa lupain ng Juda.
當她和她的兩個兒媳,要從寄居的地方出發,取道回猶大故鄉的時候,
8 Sinabi ni Naomi sa kaniyang dalawang manugang na babae, “Lumakad, bumalik, kayo bawat isa sa inyo, sa bahay ng inyong ina. Nawa ipakita ni Yahweh ang kabaitan sa inyo, tulad ng pagpapakita ninyo ng katapatan sa namatay at sa akin.
納熬米就對她的兩個兒媳說:「你們去罷! 各自回娘家去! 願上主恩待你們,如同你們待了死者和我一樣。
9 Nawa idulot sa inyo ng Panginoon ang pahinga, bawat isa sa inyo sa bahay ng panibagong asawa.” Pagkatapos hinalikan niya sila at nagtaas sila ng mga boses at umiyak.
院上主賜你們在新夫家裏,各得安身! 」於是就吻了她們;她們便放聲大哭,
10 Sinabi nila sa kaniya, “Hindi! Babalik kami kasama mo sa iyong lahi.”
向她說:「我們要同你回到你的民族中去。」
11 Pero sinabi ni Naomi, “Bumalik kayo, aking mga anak! Bakit kayo sasama sa akin? May mga anak pa ba ako sa aking sinapupunan para sa inyo, para maging asawa ninyo?
納敖米回答說:「我的女兒,你們回去罷! 為什麼要跟我去呢﹖難道我還能懷妊生子給你們做丈夫嗎﹖
12 Bumalik kayo, aking mga anak, lumakad sa sarili ninyong landas dahil ako ay napakatanda na para magkaroon ng asawa. Kung sabihin ko, “Umaasa akong makakuha ako ng asawa ngayong gabi,' at pagkatapos magsilang ng mga anak na lalaki,
我的女兒啊,你們回去罷! 你們走罷! 我已老了,不能再嫁人了;如說我尚又希望,今夜能嫁人,也懷妊生子,
13 kung gayon maghihintay pa ba kayo hanggang lumaki sila? Maghihintay pa ba kayo at hindi magpapakasal sa mga lalaki ngayon? Huwag, mga anak ko! Ito ay higit na magpapahirap sa akin kaysa magpapahirap sa inyo, dahil bumaling laban sa akin ang kamay ni Yahweh.
你們又豈能等待他們長大,持身不嫁人﹖我的女兒啊! 不要這樣,有了你們我反而更苦,因為上主已伸出手來與我作對。」盧德追隨婆母
14 Pagkatapos ang kaniyang mga manugang ay nagtaas ng kanilang mga boses at muling umiyak. Hinalikan ni Orpah ang kaniyang biyenan nang may pamamaalam, pero si Ruth ay nanatili sa kaniya.
她們於是又放聲大哭。敖爾帕吻了自己的婆婆,便回自己的家鄉去了;盧德對婆母仍依依不捨。
15 Sinabi ni Naomi, “Makinig ka, ang hipag mo ay bumalik na sa kaniyang bayan at sa kaniyang mga diyos! Bumalik ka kasama ang iyong hipag.”
納敖米向她說:「看,你的嫂子已回她民族和她的神那裏去了,你也跟你的嫂子回去罷! 」
16 Pero sinabi ni Ruth, “Huwag mo akong palayuin mula sa iyo, sapagkat kung saan ka pupunta, doon ako pupunta; kung saan ka titira, doon ako titira; ang iyong bayan ay magiging aking bayan, at ang iyong Diyos ay magiging aking Diyos.
盧德答說:「請你別逼我離開你,而不跟你去。你到那裏去,我也要到那裏去;你住在那裏,我也住在那裏;你的民族,就是我的民族;你的天主,就是我的天主;
17 Kung saan ka mamamatay, doon ako mamamatay at doon din ako ililibing. Nawa parusahan ako ni Yahweh, at kahit higit pa, kung anuman pero kamatayan kailanman ang magpahiwalay sa atin.
你死在那裏,我也死在那裏,埋在那裏;若不是死使我與你分離,願上主罰我,重重罰我! 」
18 Nang makita ni Naomi na nagpasya nang sumama si Ruth sa kanya, tumigil na siyang makipagtalo sa kaniya.
納敖米見她執意要與自己同去,就不再勸阻她了。
19 Kaya naglakbay ang dalawa hanggang makarating sila sa bayan ng Bethlehem. Nangyari ito nang dumating sila sa Bethlehem, ang buong bayan ay sobrang nagulat tungkol sa kanila. Sinabi ng mga kababaihan, “Ito ba si Naomi?”
於是二人同行,來到了白冷。她們一到了白冷,全城的人都為她們所驚動。婦女們驚問說:「這不是納敖米嗎﹖」
20 Pero sinabi niya sa kanila, “Huwag ako tawaging Naomi. Tawagin akong Maramdamin, dahil ang Maykapal ay sobrang nagdaramdam sa akin.
她向她們說:「你們不要叫我納敖米,應叫我瑪辣,因為全能者待我好苦!
21 Lumabas akong puno pero muli akong ibinalik ni Yahweh sa bahay ng walang dala. Kaya bakit tinatawag ninyo akong Naomi, nakikitang hinatulan ako ni Yahweh, na pinahirapan ako ng Maykapal?”
我去時富足,如今上主卻使我空空而回。上主責罰了我,全能者降禍於我,你們為什麼還叫我納敖米呢﹖」
22 Kaya sina Naomi at Ruth na Moabita, na kaniyang manugang, ay bumalik mula sa bansa ng Moab. Dumating sila sa Bethlehem sa simula ng pag-aani ng sebada.
納敖米同她的兒媳摩阿布女子盧德回來了,是從摩阿布鄉間回來的。她們來到白冷,正是開始收大麥的時候。

< Ruth 1 >