< Mga Roma 7 >
1 O hindi ba ninyo nalalaman, mga kapatid (sapagkat nagsasalita ako sa mga taong may alam tungkol sa kautusan), na ang kautusan ang namamahala sa isang tao habang siya ay nabubuhay?
Brethren, do you not know--for I am writing to people acquainted with the Law--that it is during our lifetime that we are subject to the Law?
2 Sapagkat itinatali ng kautusan ang asawang babae sa kaniyang asawa habang siya ay nabubuhay, ngunit kung mamatay ang asawang lalaki, malaya na siya sa kautusan ng pag-aasawa.
A wife, for instance, whose husband is living is bound to him by the Law; but if her husband dies the law that bound her to him has now no hold over her.
3 Kung gayon, habang nabubuhay pa ang kaniyang asawang lalaki, kapag nakipamuhay siya sa ibang lalaki, tatawagin siyang mangangalunya. Ngunit kung namatay ang asawang lalaki, malaya na siya sa kautusan, kaya hindi na siya isang mangangalunya kung namumuhay siya kasama ang ibang lalaki.
This accounts for the fact that if during her husband's life she lives with another man, she will be stigmatized as an adulteress; but that if her husband is dead she is no longer under the old prohibition, and even though she marries again, she is not an adulteress.
4 Kaya, aking mga kapatid, naging patay kayo sa batas sa pamamagitan ng katawan ni Cristo. Ito ay upang maaari kayong makisama sa iba, iyan ay, sa kaniya na binuhay mula sa patay, upang sa gayon maaari tayong magsipagbunga para sa Diyos.
So, my brethren, to you also the Law died through the incarnation of Christ, that you might be wedded to Another, namely to Him who rose from the dead in order that we might yield fruit to God.
5 Sapagkat noong tayo ay nasa laman, ang mga makasalanang pagnanasa ay naging buhay sa ating mga bahagi sa pamamagitan ng kautusan na magbibigay ng bunga sa kamatayan.
For whilst we were under the thraldom of our earthly natures, sinful passions-- made sinful by the Law--were always being aroused to action in our bodily faculties that they might yield fruit to death.
6 Ngunit ngayon, pinakawalan na tayo mula sa kautusan. Namatay tayo sa kung ano ang dating humahawak sa atin. Ito ay upang makapaglingkod tayo sa panibagong Espiritu at hindi sa kalumaan ng sulat.
But seeing that we have died to that which once held us in bondage, the Law has now no hold over us, so that we render a service which, instead of being old and formal, is new and spiritual.
7 Kaya ano ang sasabihin natin? Ang kautusan ba mismo ay kasalanan? Huwag nawa itong mangyari. Gayunpaman, hindi ko sana malalaman ang kasalanan, kung hindi dahil sa kautusan. Sapagkat hindi ko sana malalaman ang tungkol sa kasakiman kung hindi sinabi ng kautusan na, “Huwag kang maging sakim”.
What follows? Is the Law itself a sinful thing? No, indeed; on the contrary, unless I had been taught by the Law, I should have known nothing of sin as sin. For instance, I should not have known what covetousness is, if the Law had not repeatedly said, "Thou shalt not covet."
8 Ngunit kinuha ng kasalanan ang pagkakataon sa pamamagitan ng kautusan at nagdala sa akin ng bawat masamang pagnanasa. Sapagkat kung walang kautusan, patay ang kasalanan.
Sin took advantage of this, and by means of the Commandment stirred up within me every kind of coveting; for apart from Law sin would be dead.
9 Minsan akong nabuhay na wala ang kautusan, ngunit nang dumating ang kautusan, muling nabuhay ang kasalanan at namatay ako.
Once, apart from Law, I was alive, but when the Commandment came, sin sprang into life, and I died;
10 Ang kautusan na magdadala sana ng buhay ay naging kamatayan para sa akin.
and, as it turned out, the very Commandment which was to bring me life, brought me death.
11 Sapagkat kinuha ng kasalanan ang pagkakataon sa pamamagitan ng kautusan at nilinlang ako. Sa pamamagitan ng kautusan, pinatay ako ng kasalanan.
For sin seized the advantage, and by means of the Commandment it completely deceived me, and also put me to death.
12 Kaya banal ang kautusan at ang utos ay banal, matuwid at mabuti.
So that the Law itself is holy, and the Commandment is holy, just and good.
13 Kaya, ang mabuti nga ba ay naging kamatayan sa akin? Huwag nawa itong mangyari. Ngunit ang kasalanan, upang maipakitang ito ay kasalanan sa pamamagitan ng mabuti, ay nagdala ng kamatayan sa akin. Ito ay upang sa pamamagitan ng kautusan, maaaring ang kasalanan ay maging kasalanang walang kapantay.
Did then a thing which is good become death to me? No, indeed, but sin did; so that through its bringing about death by means of what was good, it might be seen in its true light as sin, in order that by means of the Commandment the unspeakable sinfulness of sin might be plainly shown.
14 Sapagkat alam natin na ang kautusan ay espirituwal, ngunit ako ay sa laman. At ipinagbili akong alipin sa ilalim ng kasalanan.
For we know that the Law is a spiritual thing; but I am unspiritual--the slave, bought and sold, of sin.
15 Sapagkat hindi ko talaga maintindihan ang aking ginagawa. Sapagkat hindi ko ginagawa ang nais kong gawin, at ang ayaw kong gawin ay siya namang aking ginagawa.
For what I do, I do not recognize as my own action. What I desire to do is not what I do, but what I am averse to is what I do.
16 Ngunit kung ginagawa ko ang ang ayaw kong gawin, sumasang-ayon ako sa kautusan, na ang kautusan ay mabuti.
But if I do that which I do not desire to do, I admit the excellence of the Law,
17 Ngunit ngayon hindi na ako ang gumagawa nito, kundi ang kasalanang nananahan sa akin.
and now it is no longer I that do these things, but the sin which has its home within me does them.
18 Sapagkat alam ko na sa akin, sa aking laman, ay walang nananahang mabuti. Sapagkat ang kagustuhan para sa mabuti ay nasa akin, ngunit hindi ko ito magawa.
For I know that in me, that is, in my lower self, nothing good has its home; for while the will to do right is present with me, the power to carry it out is not.
19 Sapagkat ang mabuti na nais ko ay hindi ko ginagawa, ngunit ang masama na ayaw ko, ang ginagawa ko.
For what I do is not the good thing that I desire to do; but the evil thing that I desire not to do, is what I constantly do.
20 Ngayon kung ginagawa ko ang ayaw kong gawin, kung gayon hindi na ako ang gumagawa nito, kundi ang kasalanang namumuhay sa akin.
But if I do that which I desire not to do, it can no longer be said that it is I who do it, but the sin which has its home within me does it.
21 Kaya, natuklasan ko na ang prinsipyo na nasa akin, na nais kong gawin ang mabuti, subalit ang kasamaang iyon ay naririto sa akin.
I find therefore the law of my nature to be that when I desire to do what is right, evil is lying in ambush for me.
22 Sapagkat nagagalak ako sa kautusan ng Diyos sa aking kaibuturan.
For in my inmost self all my sympathy is with the Law of God;
23 Ngunit may nakikita akong ibang tuntunin sa mga bahagi ng aking katawan. Nilalabanan nito ang bagong tuntunin sa aking isipan. Binibihag ako nito sa pamamagitan ng tuntunin ng kasalanan na nasa mga bahagi ng aking katawan.
but I discover within me a different Law at war with the Law of my understanding, and leading me captive to the Law which is everywhere at work in my body--the Law of sin.
24 Kaawa-awa akong tao! Sino ang magliligtas sa akin mula sa katawang ito ng kamatayan?
(Unhappy man that I am! who will rescue me from this death-burdened body?
25 Ngunit ang pasasalamat ay sa Diyos sa pamamagitan ni Jesu-Cristo na ating Panginoon! Kaya ako mismo ay naglilingkod sa kautusan ng Diyos sa aking isipan. Gayunman, sa laman naglilingkod ako sa tuntunin ng kasalanan.
Thanks be to God through Jesus Christ our Lord!) To sum up then, with my understanding, I--my true self--am in servitude to the Law of God, but with my lower nature I am in servitude to the Law of sin.