< Mga Roma 3 >

1 Kung gayon, ano ang kalamangan ng Judio? At ano ang mapapakinabangan sa pagtutuli?
Отже, яка перевага юдеїв і яка користь від обрізання?
2 Napakarami sa anumang paraan. Una sa lahat, ipinagkatiwala sa mga Judio ang mga pahayag mula sa Diyos.
Велика – з усякого погляду! Перш за все їм були довірені Слова Божі.
3 Ngunit paano kung walang pananampalataya ang iba sa mga Judio? Ang kawalan ng pananampalataya nila ay nagpapawalang bisa ba sa katapatan ng Diyos?
А що, як деякі з них були невірними? Чи їхня невірність знищить вірність Бога?
4 Hindi kailanman mangyayari. Sa halip, tapat ang Diyos kahit na ang bawat tao ay sinungaling. Gaya ng nasusulat, “Upang ikaw ay makitang matuwid sa iyong mga salita at mananaig kapag ikaw ay mahatulan.”
Зовсім ні! Бог правдивий, навіть якщо кожна людина неправдива. Як написано: «Тому Ти справедливо виконуєш Свій вирок, бездоганно здійснюєш Твій суд».
5 Ngunit kung ang ating pagiging hindi matuwid ang nagpapakita ng katuwiran ng Diyos, ano ang sasabihin natin? Matuwid ba ang Diyos kapag pinahihirapan tayo dahil sa poot, matuwid ba siya? Nagsasalita ako ayon sa pangangatwiran ng tao.
Але якщо наша неправедність виявляє праведність Божу, що нам казати? Хіба Бог несправедливий, коли виявляє гнів? (Я говорю по-людському.)
6 Huwag nawa ito mangyari! Sapagkat kung ganoon, paano hahatulan ng Diyos ang sanlibutan?
Зовсім ні! Інакше як Бог судитиме світ?
7 Ngunit kung ang katotohanan ng Diyos sa pamamagitan ng kasinungalingan ko ay nagbibigay ng saganang kapurihan sa kaniya, bakit pa ako hinahatulan bilang isang makasalanan?
Але якщо Божа істина через мою неправду збільшилася на Його славу, чому мене ще судять як грішника?
8 Bakit hindi nalang sabihin, gaya ng walang katotohanang ulat ng iba na sinasabi daw namin, at gaya ng pinatotohanan ng iba na sinasabi namin, “Gumawa tayo ng masama, upang dumating ang kabutihan?” Ang hatol sa kanila ay makatarungan.
І чому деякі наклепники стверджують, що ми говоримо: «Робімо зло, щоб вийшло добро»? Справедливий суд на таких!
9 Ano ngayon? Sasabihin ba nating mas mabuti tayo? Hindi sa anumang paraan. Sapagkat pinaratangan na natin ang mga Judio at Griyego, silang lahat, sa pagiging nasa ilalim ng kasalanan.
Що ж тоді? Чи є в нас якась перевага? Зовсім ні! Бо ми вже довели, що і юдеї, і язичники – усі під владою гріха.
10 Ito ay gaya ng nasusulat: “Walang matuwid, wala ni isa.
Як написано: «Праведного жодного немає!
11 Walang nakauunawa. Walang humahanap sa Diyos.
Немає жодного, хто розуміє, нікого, хто шукає Бога.
12 Silang lahat ay nagsilihis. Silang lahat ay naging walang silbi. Walang gumagawa ng mabuti, wala, wala kahit isa.
Усі як один збочили з дороги, зіпсувалися; немає того, хто робив би добро, жодного немає».
13 Ang kanilang lalamunan ay tulad ng isang bukas na libingan. Ang kanilang mga dila ay mayroong panlilinlang. Ang kamandag ng ahas ay nasa kanilang mga labi.
«Гортань у них – відкрита могила, язиками вони кажуть неправду». «Отрута аспидова на губах у них».
14 Ang kanilang mga bibig ay puno ng pagmumura at kapaitan.
«Їхні вуста наповнені прокляттям і гіркотою».
15 Ang mga paa nila ay matutulin upang magdanak ng dugo.
«Їхні ноги поспішають проливати кров;
16 Pagkawasak at pagdurusa ang nasa kanilang mga landas.
на їхніх дорогах – руїна та нещастя,
17 Ang mga taong ito ay walang alam sa daan ng kapayapaan.
і дорога миру їм не відома».
18 Walang pagkatakot sa Diyos sa kanilang mga mata.”
«Немає страху Божого перед їхніми очима».
19 Ngayon ay nalalaman natin na anuman ang sinasabi ng batas, ito ay sinasabi sa mga taong nasa ilalim ng batas. Ito ay upang matikom ang bawat bibig at upang ang lahat ng nasa sanlibutan ay may pananagutan sa Diyos.
Але ми знаємо: усе, що говорить Закон, він говорить тим, хто під Законом, щоб усякі вуста замовкли й увесь світ був відповідальний перед Богом.
20 Ito ay dahil walang laman ang mapawawalang-sala sa pamamagitan ng batas sa paningin niya. Sapagkat sa pamamagitan ng kautusan ay dumating ang kaalaman sa kasalanan.
Тому ніхто не буде виправданий перед Ним ділами Закону, бо через Закон [приходить лише] пізнання гріха.
21 Ngunit ngayon, naipaalam na ang katuwiran ng Diyos ay hindi sa pamamagitan ng kautusan. Ito ay nasaksihan ng kautusan at ng mga propeta,
Але тепер, незалежно від Закону, була виявлена праведність Божа, про яку свідчать Закон і Пророки.
22 ito ay, ang katuwiran ng Diyos sa pamamagitan ng pananampalataya kay Jesu-Cristo para sa lahat ng mga naniniwala. Sapagkat walang pagtatangi.
Ця праведність Божа дається через віру в Ісуса Христа всім, хто вірує, адже не існує різниці.
23 Sapagkat ang lahat ay nagkasala at hindi nakaabot sa kaluwalhatian ng Diyos.
Бо всі згрішили й позбавлені слави Божої,
24 Sila ay napawalang-sala nang walang bayad ng dahil sa kaniyang biyaya sa pamamagitan ng katubusan na nakay Cristo Jesus.
але виправдані даром, Його благодаттю, через відкуплення в Христі Ісусі.
25 Sapagkat ipinagkaloob ng Diyos si Cristo bilang pampasuyo sa pamamagitan ng pananampalataya sa kaniyang dugo. Inialay niya si Cristo, bilang patotoo sa kaniyang katarungan, dahil sa kaniyang hindi pagpansin sa mga nakaraang kasalanan
Бог призначив Його [місцем] примирення через віру, щоб в Його крові показати Свою праведність. У Своєму довготерпінні Бог залишав [безкарними] гріхи, вчинені в минулому,
26 sa kaniyang pagtityatiyaga. Nangyari ang lahat ng ito para sa pagpapakita ng kaniyang katuwiran sa panahong ito. Ito ay upang kaniyang mapatunayan na siya ay makatarungan at upang ipakitang pinapawalang-sala niya ang sinuman dahil sa pananampalataya kay Jesus.
щоб нині показати Свою праведність і справедливість, виправдовуючи тих, хто вірить в Ісуса.
27 Kung gayon, nasaan ang pagmamalaki? Ito ay inihiwalay na! Sa anong batayan? Sa mga gawa? Hindi, kundi batay sa pananampalataya.
Де ж тоді те, чим би хвалитися? Скасоване! Через який Закон? [Законом] дій? Ні, через Закон віри.
28 Kaya masasabi natin na ang isang tao ay napawalang-sala sa pamamagitan ng pananampalataya na wala ang mga gawa ng kautusan.
Бо ми вважаємо, що людина може бути виправдана вірою, без діл Закону.
29 O ang Diyos ba ay Diyos ng mga Judio lamang? Hindi ba't siya rin ay Diyos ng mga Gentil? Oo, pati ng mga Gentil.
Хіба Бог є Богом тільки юдеїв? Чи Він не є Богом і язичників? Так, і язичників.
30 Kung magkagayon nga, na ang Diyos ay iisa, ipawawalang-sala niya ang pagtutuli sa pamamagitan ng pananampalataya at hindi pagtutuli sa pamamagitan ng pananampalataya.
Насправді є лише один Бог, Який виправдовує через віру як обрізаних, так і необрізаних.
31 Pinapawalang-bisa ba natin ang kautusan sa pamamagitan ng pananampalataya? Huwag nawang mangyari! Sa halip, pinapagtibay pa nga natin ang kautusan.
Чи ми скасовуємо Закон вірою? Зовсім ні! Навпаки, ми утверджуємо Закон.

< Mga Roma 3 >