< Mga Roma 15 >

1 Ngayon tayong mga malalakas ang nararapat na pumasan sa mga kahinaan ng mga mahihina, at hindi natin dapat bigyang-lugod ang ating mga sarili.
우리 강한 자가 마땅히 연약한 자의 약점을 담당하고 자기를 기쁘게 하지 아니할 것이라
2 Bigyang-lugod ng bawat isa sa atin ang kaniyang kapwa dahil mabuti iyon, upang pagtibayin siya.
우리 각 사람이 이웃을 기쁘게 하되 선을 이루고 덕을 세우도록 할지니라
3 Sapagkat kahit si Cristo ay hindi nagbigay-lugod sa kaniyang sarili. Sa halip, gaya ng nasusulat, “Ang mga panlalait ng mga nanlait sa iyo ay sa akin bumabagsak”.
그리스도께서 자기를 기쁘게 하지 아니하셨나니 기록된바 주를 비방하는 자들의 비방이 내게 미쳤나이다 함과 같으니라
4 Dahil anuman ang isinulat noong una ay para sa ating ikatututo, upang sa pamamagitan ng pagtitiis at sa pamamangitan ng pagpapalakas ng loob ng mga kasulatan ay magkakaroon tayo ng pag-asa.
무엇이든지 전에 기록한 바는 우리의 교훈을 위하여 기록된 것이니 우리로 하여금 인내로 또는 성경의 안위로 소망을 가지게 함이니라
5 Ngayon, nawa ang Diyos ng pagtitiis at ng lakas ng loob ay pagkalooban kayo ng iisang pag-iisip ayon kay Cristo Jesus.
이제 인내와 안위의 하나님이 너희로 그리스도 예수를 본받아 서로 뜻이 같게 하여 주사
6 Nawa ay gawin niya ito upang kayo na may iisang pag-iisip ay magpuri ng may iisang bibig sa Diyos at Ama ng ating Panginoong Jesu-Cristo.
한 마음과 한 입으로 하나님 곧 우리 주 예수 그리스도의 아버지께 영광을 돌리게 하려 하노라
7 Kaya tanggapin ninyo ang isa't isa, gaya ng pagtanggap din sa inyo ni Cristo, sa ikapupuri ng Diyos.
이러므로 그리스도께서 우리를 받아 하나님께 영광을 돌리심과 같이 너희도 서로 받으라
8 Sapagkat sinasabi ko na si Cristo ay ginawang lingkod ng pagtutuli sa ngalan ng katotohanan ng Diyos. Ginawa niya ito upang patotohanan niya ang mga pangakong ibinigay sa mga ninuno,
내가 말하노니 그리스도께서 하나님의 진실하심을 위하여 할례의 수종자가 되셨으니 이는 조상들에게 주신 약속들을 견고케 하시고
9 at para sa mga Gentil upang papurihan nila ang Diyos sa kaniyang awa. Ito ay gaya ng nasusulat, “Kaya pupurihin kita kasama ng mga Gentil, at aawit ng papuri sa pangalan mo.”
이방인으로 그 긍휼하심을 인하여 하나님께 영광을 돌리게 하려 하심이라 기록된바 이러므로 내가 열방 중에서 주께 감사하고 주의 이름을 찬송하리로다 함과 같으니라
10 Muling nitong sinasabi, “Magalak kayo, kayong mga Gentil, kasama ang kaniyang mga tao.”
또 가로되 열방들아 주의 백성과 함께 즐거워하라 하였으며
11 At muli, “Purihin ang Panginoon, lahat kayong mga Gentil at hayaan ninyong ang lahat na mga tao ay purihin siya.”
또 모든 열방들아 주를 찬양하며 모든 백성들아 저를 찬송하라 하였으며
12 Sinasabi rin ni Isaias, “Magkakaroon ng ugat mula kay Jesse, at siya ang lilitaw upang mamuno sa mga Gentil. Magtitiwala ang mga Gentil sa kaniya.”
또 이사야가 가로되 이새의 뿌리 곧 열방을 다스리기 위하여 일어나시는 이가 있으리니 열방이 그에게 소망을 두리라 하였느니라
13 Ngayon nawa ang Diyos ng pagtitiwala ay punuin kayo ng buong kagalakan at kapayapaan sa inyong paniniwala, upang kayo ay managana sa pagtitiwala sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Banal na Espiritu.
소망의 하나님이 모든 기쁨과 평강을 믿음 안에서 너희에게 충만케 하사 성령의 능력으로 소망이 넘치게 하시기를 원하노라
14 Ako man sa aking sarili ay naniniwala tungkol sa inyo, aking mga kapatid. Naniniwala din ako na kayo mismo ay puno ng kabutihan, puno ng lahat ng kaalaman. Naniniwala ako na kayo ay may kakayahan ding payuhan ang isa't isa.
내 형제들아 너희가 스스로 선함이 가득하고 모든 지식이 차서 능히 서로 권하는 자임을 나도 확신하노라
15 Ngunit mas matapang akong sumusulat sa inyo tungkol sa ilang mga bagay upang paalalahanan kayong muli, dahil sa kaloob na ibinigay sa akin ng Diyos.
그러나 내가 너희로 다시 생각나게 하려고 하나님께서 내게 주신 은혜로 인하여 더욱 담대히 대강 너희에게 썼노니
16 Itong kaloob na dapat akong maging lingkod ni Cristo Jesus na isinugo sa mga Gentil, upang ihandog bilang isang pari ang ebanghelyo ng Diyos. Kailangan kong gawin ito upang ang handog ng mga Gentil ay maging katanggap-tanggap, nakalaan sa Diyos sa pamamangitan ng Banal na Espiritu.
이 은혜는 곧 나로 이방인을 위하여 그리스도 예수의 일군이 되어 하나님의 복음의 제사장 직무를 하게 하사 이방인을 제물로 드리는 그것이 성령 안에서 거룩하게 되어 받으심직하게 하려 하심이라
17 Kaya ang aking kagalakan ay kay Cristo Jesus at sa mga bagay na mula sa Diyos.
그러므로 내가 그리스도 예수 안에서 하나님의 일에 대하여 자랑하는 것이 있거니와
18 Sapagkat hindi ako mangangahas na magsalita ng kahit na ano maliban sa mga bagay na ginawa ni Cristo sa pamamagitan ko para sa pagsunod ng mga Gentil. Ito ay mga bagay ng ginawa sa pamamagitan ng salita at gawa,
그리스도께서 이방인들을 순종케 하기 위하여 나로 말미암아 말과 일이며 표적과 기사의 능력이며 성령의 능력으로 역사하신 것외에는 내가 감히 말하지 아니하노라
19 sa pamamagitan ng kapangyarihan ng mga tanda at mga kahanga-hangang gawa, at sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Banal na Espiritu. Ito ay nangyari mula sa Jerusalem, at sa palibot hanggang sa Ilirico, ipinangaral ko nang lubos ang ebanghelyo ni Cristo.
이 일로 인하여 내가 예루살렘으로부터 두루 행하여 일루리곤까지 그리스도의 복음을 편만하게 전하였노라
20 Sa ganitong paraan, ang aking hangarin ay ang maipahayag ang ebanghelyo, ngunit hindi kung saan kilala ang pangalan ni Cristo, upang hindi ako makapagtayo sa pundasyon ng ibang tao.
또 내가 그리스도의 이름을 부르는 곳에는 복음을 전하지 않기로 힘썼노니 이는 남의 터 위에 건축하지 아니하려 함이라
21 Katulad ng nasusulat: “Makikita siya ng mga hindi dinatnan ng balita tungkol sa kaniya, at maiintindihan ng mga hindi nakarinig.”
기록된바 주의 소식을 받지 못한 자들이 볼 것이요 듣지 못한 자들이 깨달으리라 함과 같으니라
22 Kaya maraming beses din akong hinadlangan na tumungo sa inyo.
그러므로 또한 내가 너희에게 가려 하던 것이 여러번 막혔더니
23 Ngunit ngayon, wala na akong iba pang lugar sa mga lupaing ito, at inaasam ko ng maraming taon na makapunta ako sa inyo.
이제는 이 지방에 일할 곳이 없고 여러 해 전부터 언제든지 서바나로 갈 때에 너희에게 가려는 원이 있었으니
24 Kaya sa tuwing pumupunta ako sa Espanya, umaasa akong makita kayo sa aking pagdaan, at inasahan ko din na kayo ang tutulong sa aking pag-alis pagkatapos akong magsaya kasama kayo kahit panandalian lang.
이는 지나가는 길에 너희를 보고 먼저 너희와 교제하여 약간 만족을 받은 후에 너희의 그리로 보내줌을 바람이라
25 Ngunit ngayon ay pupunta ako sa Jerusalem upang maglingkod sa mga mananampalataya.
그러나 이제는 내가 성도를 섬기는 일로 예루살렘에 가노니
26 Sapagkat ito ay kasiyahan ng mga taga-Macedonia at ng mga taga-Acaya na magambag-ambag para sa mga mahihirap na mananampalataya na nasa Jerusalem.
이는 마게도냐와 아가야 사람들이 예루살렘 성도 중 가난한 자들을 위하여 기쁘게 얼마를 동정하였음이라
27 Oo, ito ay kanilang kasiyahan, at sa katunayan, sila ang mga may utang sa kanila. Sapagkat kung ang mga Gentil ay nakibahagi sa kanilang mga espirituwal na bagay, dapat lang silang maglingkod sa kanila sa mga materyal na bagay.
저희가 기뻐서 하였거니와 또한 저희는 그들에게 빚진 자니 만일 이방인들이 그들의 신령한 것을 나눠 가졌으면 육신의 것으로 그들을 섬기는 것이 마땅하니라
28 Kaya, kapag natapos kong gawin ito at mapatunayan ang bungang ito sa kanila, dadaan ako diyan sa inyo pagpunta ko sa Espanya.
그러므로 내가 이 일을 마치고 이 열매를 저희에게 확증한 후에 너희에게를 지나 서바나로 가리라
29 Alam ko, na kapag pumunta ako sa inyo, pupunta ako ng may buong pagpapala ni Cristo.
내가 너희에게 나갈 때에 그리스도의 충만한 축복을 가지고 갈 줄을 아노라
30 Ngayon hinihikayat ko kayo, mga kapatid, sa ngalan ng Panginoong Jesu-Cristo, at sa pamamagitan ng pag-ibig ng Banal na Espirito, na magsumikap kayo kasama ko sa inyong mga panalangin sa Diyos patungkol sa akin.
형제들아 내가 우리주 예수 그리스도로 말미암고 성령의 사랑으로 말미암아 너희를 권하노니 너희 기도에 나와 힘을 같이하여 나를 위하여 하나님께 빌어
31 Ipanalangin ninyo na ako ay maligtas sa mga hindi sumusunod na nasa Judea at ang aking paglilingkod sa Jerusalem ay maging katanggap-tanggap sa mga mananampalataya.
나로 유대에 순종치 아니하는 자들에게서 구원을 받게 하고 또 예루살렘에 대한 나의 섬기는 일을 성도들이 받음직하게 하고
32 Ipanalangin ninyo na ako ay makapunta sa inyo ng may galak sa pamamagitan ng kalooban ng Diyos, at ako nawa ay makasumpong ng kapahingahan ka kasama ninyo.
나로 하나님의 뜻을 좇아 기쁨으로 너희에게 나아가 너희와 함께 편히 쉬게 하라
33 Nawa ay sumainyong lahat ang Diyos ng kapayapaan. Amen.
평강의 하나님께서 너희 모든 사람과 함께 계실지어다! 아멘

< Mga Roma 15 >