< Mga Roma 10 >
1 Mga kapatid, ang nais ng aking puso at ang hiling ko sa Diyos ay para sa kanila, para sa kanilang kaligtasan.
Ἀδελφοί, ἡ μὲν εὐδοκία τῆς ἐμῆς καρδίας καὶ ἡ ⸀δέησιςπρὸς τὸν θεὸν ὑπὲρ ⸀αὐτῶνεἰς σωτηρίαν.
2 Sapagkat sila ay pinatotohanan ko na mayroon silang pagsisikap para sa Diyos, ngunit hindi ayon sa kaalaman.
μαρτυρῶ γὰρ αὐτοῖς ὅτι ζῆλον θεοῦ ἔχουσιν· ἀλλʼ οὐ κατʼ ἐπίγνωσιν,
3 Sapagkat hindi nila nalalaman ang katuwiran ng Diyos, at pinagsisikapan nilang itatag ang kanilang sariling katuwiran. Hindi sila nagpasakop sa katuwiran ng Diyos.
ἀγνοοῦντες γὰρ τὴν τοῦ θεοῦ δικαιοσύνην, καὶ τὴν ⸀ἰδίανζητοῦντες στῆσαι, τῇ δικαιοσύνῃ τοῦ θεοῦ οὐχ ὑπετάγησαν·
4 Sapagkat si Cristo ang katuparan ng kautusan para sa katuwiran ng lahat ng sumasampalataya.
τέλος γὰρ νόμου Χριστὸς εἰς δικαιοσύνην παντὶ τῷ πιστεύοντι.
5 Sapagkat sumulat si Moises tungkol sa katuwiran na nagmumula sa kautusan: “Ang taong gumagawa ng katuwiran ng kautusan ay mabubuhay sa katuwirang ito.”
Μωϋσῆς γὰρ γράφει ⸂ὅτι τὴν δικαιοσύνην τὴν ἐκ ⸀τοῦ νόμου ὁ ⸀ποιήσας ἄνθρωπος ζήσεται ἐν ⸀αὐτῇ.
6 Ngunit ganito ang sinasabi ng katuwiran na nanggagaling sa pananampalataya, “Huwag mong sabihin sa iyong puso, 'Sino ang aakyat sa langit?' (sa makatuwid ay upang pababain si Cristo).
ἡ δὲ ἐκ πίστεως δικαιοσύνη οὕτως λέγει· Μὴ εἴπῃς ἐν τῇ καρδίᾳ σου· Τίς ἀναβήσεται εἰς τὸν οὐρανόν; τοῦτʼ ἔστιν Χριστὸν καταγαγεῖν·
7 At huwag mong sasabihing, 'Sino ang bababa sa kailaliman?'” (sa makatuwid ay upang iakyat si Cristo mula sa patay.) (Abyssos )
ἤ· Τίς καταβήσεται εἰς τὴν ἄβυσσον; τοῦτʼ ἔστιν Χριστὸν ἐκ νεκρῶν ἀναγαγεῖν. (Abyssos )
8 Ngunit ano ang sinasabi nito? “Malapit sa iyo ang salita, sa iyong bibig at sa iyong puso.” Iyan ang salita ng pananampalataya, na aming ipinapahayag.
ἀλλὰ τί λέγει; Ἐγγύς σου τὸ ῥῆμά ἐστιν, ἐν τῷ στόματί σου καὶ ἐν τῇ καρδίᾳ σου, τοῦτʼ ἔστιν τὸ ῥῆμα τῆς πίστεως ὃ κηρύσσομεν.
9 Sapagkat kung sa iyong bibig, kinikilala mo si Jesus bilang Panginoon, at nananampalataya ka sa iyong puso na binuhay siya ng Diyos mula sa mga patay, maliligtas ka.
ὅτι ἐὰν ⸀ὁμολογήσῃςἐν τῷ στόματί ⸀σουκύριον Ἰησοῦν, καὶ πιστεύσῃς ἐν τῇ καρδίᾳ σου ὅτι ὁ θεὸς αὐτὸν ἤγειρεν ἐκ νεκρῶν, σωθήσῃ·
10 Sapagkat sa puso nananampalataya ang tao sa katuwiran, at sa bibig kumikilala siya para sa kaligtasan.
καρδίᾳ γὰρ πιστεύεται εἰς δικαιοσύνην, στόματι δὲ ὁμολογεῖται εἰς σωτηρίαν·
11 Sapagkat sinasabi ng kasulatan, “Ang sinumang nananampalataya sa kaniya ay hindi mapapahiya.”
λέγει γὰρ ἡ γραφή· Πᾶς ὁ πιστεύων ἐπʼ αὐτῷ οὐ καταισχυνθήσεται.
12 Sapagkat walang pagkakaiba ang Judio at Griyego. Dahil iisang Panginoon ang Panginoon ng lahat, at mayaman siya sa lahat ng mga tumatawag sa kaniya.
οὐ γάρ ἐστιν διαστολὴ Ἰουδαίου τε καὶ Ἕλληνος, ὁ γὰρ αὐτὸς κύριος πάντων, πλουτῶν εἰς πάντας τοὺς ἐπικαλουμένους αὐτόν·
13 Sapagkat ang lahat na tumatawag sa pangalan ng Panginoon ay maliligtas.
Πᾶς γὰρ ὃς ἂν ἐπικαλέσηται τὸ ὄνομα κυρίου σωθήσεται.
14 Kung gayon, paano sila tatawag sa kaniya na hindi nila sinasampalatayanan? At paano sila sasampalataya sa kaniya na hindi pa nila naririnig? At paano sila makakarinig kung walang tagapangaral?
Πῶς οὖν ⸀ἐπικαλέσωνταιεἰς ὃν οὐκ ἐπίστευσαν; πῶς δὲ ⸀πιστεύσωσινοὗ οὐκ ἤκουσαν; πῶς δὲ ⸀ἀκούσωσινχωρὶς κηρύσσοντος;
15 At paano sila mangangaral kung hindi sila isinugo? — Gaya ng nasusulat, “Kayganda ng mga paa ng mga nagpapahayag ng mga masasayang balita ng mga mabubuting bagay!”
πῶς δὲ ⸀κηρύξωσινἐὰν μὴ ἀποσταλῶσιν; ⸀καθὼςγέγραπται· Ὡς ὡραῖοι οἱ πόδες τῶν ⸀εὐαγγελιζομένων⸀τὰἀγαθά.
16 Ngunit hindi lahat sa kanila ay nakinig sa ebanghelyo. Sapagkat sinasabi ni Isaias, “Panginoon, sino ang naniwala sa aming mensahe?”
ἀλλʼ οὐ πάντες ὑπήκουσαν τῷ εὐαγγελίῳ· Ἠσαΐας γὰρ λέγει· Κύριε, τίς ἐπίστευσεν τῇ ἀκοῇ ἡμῶν;
17 Kaya ang pananampalataya ay nanggagaling sa pakikinig, at pakikinig sa salita ni Cristo.
ἄρα ἡ πίστις ἐξ ἀκοῆς, ἡ δὲ ἀκοὴ διὰ ῥήματος ⸀Χριστοῦ
18 Ngunit sinasabi ko, “Hindi ba nila narinig?” Oo, tiyak na narinig nila. “Ang kanilang tinig ay nakarating sa buong mundo, at ang kanilang mga salita sa mga dulo ng mundo.”
Ἀλλὰ λέγω, μὴ οὐκ ἤκουσαν; μενοῦνγε· Εἰς πᾶσαν τὴν γῆν ἐξῆλθεν ὁ φθόγγος αὐτῶν, καὶ εἰς τὰ πέρατα τῆς οἰκουμένης τὰ ῥήματα αὐτῶν.
19 Bukod dito, sinasabi ko, “Hindi ba nalaman ng Israel?” Noong una ay sinabi ni Moises, “Iinggitin ko kayo sa pamamagitan ng isang hindi bansa. Sa pamamagitan ng isang bansang walang pagkaunawa, gagalitin ko kayo.”
ἀλλὰ λέγω, μὴ ⸂Ἰσραὴλ οὐκ ἔγνω; πρῶτος Μωϋσῆς λέγει· Ἐγὼ παραζηλώσω ὑμᾶς ἐπʼ οὐκ ἔθνει, ἐπʼ ἔθνει ἀσυνέτῳ παροργιῶ ὑμᾶς.
20 At sinasabi ni Isaias nang buong tapang, “Natagpuan ako ng mga hindi humanap sa akin. Nagpakita ako sa mga hindi nagtatanong tungkol sa akin.”
Ἠσαΐας δὲ ἀποτολμᾷ καὶ λέγει· Εὑρέθην ⸀ἐντοῖς ἐμὲ μὴ ζητοῦσιν, ἐμφανὴς ⸀ἐγενόμηντοῖς ἐμὲ μὴ ἐπερωτῶσιν.
21 Ngunit sa Israel sinasabi niya, “Buong araw kong iniunat ang aking mga kamay sa mga taong suwail at matitigas ang ulo.”
πρὸς δὲ τὸν Ἰσραὴλ λέγει· Ὅλην τὴν ἡμέραν ἐξεπέτασα τὰς χεῖράς μου πρὸς λαὸν ἀπειθοῦντα καὶ ἀντιλέγοντα.