< Pahayag 8 >

1 Nang buksan ng Kordero ang ika-pitong selyo, naroon ang isang katahimikan sa langit nang mga kalahating oras.
當羔羊開啟了第七個印的時候,天上靜默了約半小時。
2 Pagkatapos nakita ko ang pitong anghel na siyang nakatayo sa harap ng Diyos. at pitong mga trumpeta ang ibinigay sa kanila.
然後,我看見那站在天主面前的七位天使;給了他們七個號角。
3 Isa pang anghel ang dumating, hawak ang isang gintong mangkok ng insenso, nakatayo sa altar. Maraming insenso ang ibinigay sa kaniya, sa gayon dapat niya itong ialay kasama ng mga panalangin ng lahat ng mga mananampalataya sa gintong altar sa harap ng trono.
又來了另一位天使,持著金香爐,站在祭壇旁;給了他許多乳香,為同眾聖徒的祈禱,一起獻在寶座前的金壇上。
4 Ang usok ng insenso kasama ng mga panalangin ng mga mananampalataya, ay bumangon sa harap ng Diyos mula sa kamay ng anghel.
乳香的煙與聖徒的祈禱,遂由那位天使的手中,升到天主面前。
5 Kinuha ng anghel ang mangkok ng insenso at pinuno ito ng apoy mula sa altar. Pagkatapos ibinato niya ito sa lupa, at nagkaroon ng salpukan ng mga kulog, mga dagungdong, at mga kislap ng kidlat at isang lindol.
此後,那位天使提起香爐,盛滿了祭壇上的火,拋到地上,遂發生了雷霆、響聲、閃電和地動。
6 Ang pitong anghel na may mga trumpeta ay naghanda para patunigin sa kanila.
以後,那七位持著七個號角的天使,就準備著吹號角。
7 Pinatunog ng unang anghel ang kaniyang trumpeta, at umulan ng yelo at apoy na may halong dugo. Ito ay inihagis pababa sa lupa kaya ang ikatlong bahagi nito ay natupok, ang ikatlong bahagi ng mga puno ay natupok, at ang lahat ng mga damong berde ay natupok.
第一位一吹號角,就有攙著血的冰雹和火拋到地上;於是大地被燒毀了三分之一,樹木也被燒毀了三分之一,青草全被燒盡。
8 Pinatunog ng ikalawang anghel ang kaniyang trumpeta, at isang bagay na parang isang napakalaking bundok na nasusunog ng apoy ang itinapon sa dagat. Ang ikatlong bahagi ng dagat ay naging dugo,
第二位天使一吹號角,就好像有一座燃著火的大山,投入海中;於是海的三分之一便成了血,
9 ang ikatlong bahagi ng buhay na mga nilalang sa tubig ay namatay, at ang ikatlong bahagi ng mga barko ay nasira.
海裏一切有生命之物也死了三分之一,船隻也毀壞了三分之一。
10 Pinatunog ng ikatlong anghel ang kaniyang trumpeta, at isang napakalaking bituin ang nahulog mula sa himpapawid, nagliliyab tulad ng isang sulo, sa ikatlong bahagi ng mga ilog at mga bukal na tubig.
第三位天使一吹號角,就有一顆大星,熾熱有如火把,從天上落下來,落在河的三分之一和水泉上。
11 Ang pangalan ng bituin ay Kapaitan. Ang ikatlong bahagi ng tubig ay naging mapait, at maraming mga tao ang namatay mula sa tubig na naging mapait.
這星的名字叫「苦艾;」於是水的三分之一變成苦的,許多人因水變苦了而死去。
12 Pinatunog ng ika-apat na anghel ang kaniyang trumpeta, at ang ikatlong bahagi ng araw ay hinampas, gayun din ang ikatlong bahagi ng buwan, at ikatlo ng mga bituin. Kaya ang ikatlo sa kanila ay nagdilim, ang ikatlo sa araw at ikatlo sa gabi ay nawalan ng liwanag.
第四位天使一吹號角,太陽的三分之一,月亮的三分之一和星辰的三分之一,都受了打擊,以致它們的三分之一黑暗了,白日三分之一失了光,黑夜也是一樣。
13 Tumingin ako, at narinig ko na lumilipad ang isang agila sa gitna ng himapapawid, tumatawag ng may malakas na tinig, “Kaawa-awa, kaawa-awa, kaawa-awa, sila na nabubuhay sa lupa, dahil sa natitira pang mga pagsabog ng trumpeta na malapit ng patunugin ng tatlong anghel.”
以後,我看見,也聽見在天空中飛翔的一隻鷹大聲說:「還有另三位吹號角的天使,當他們發出號聲時,禍哉!禍哉!禍哉,地上的居民!」

< Pahayag 8 >