< Pahayag 3 >
1 “Sa anghel ng iglesya ng Sardis isulat: 'Ang mga salita ng isa na siyang hawak ang pitong mga espiritu ng Diyos at ng pitong mga bituin. “'Alam ko ang inyong ginawa. Mayroon kayong isang dangal na kayo ay buhay, pero kayo ay patay.
Καὶ τῷ ἀγγέλῳ τῆς ἐν Σάρδεσιν ἐκκλησίας γράψον: ‘Τάδε λέγει ὁ ἔχων τὰ ἑπτὰ πνεύματα τοῦ ˚Θεοῦ καὶ τοὺς ἑπτὰ ἀστέρας: “Οἶδά σου τὰ ἔργα, ὅτι ὄνομα ἔχεις, ὅτι ζῇς, καὶ νεκρὸς εἶ.
2 Gumising at palakasin ninyo ang natitira, pero malapit ng mamatay, dahil hindi ko natagpuan ang inyong mga gawa na ganap sa paningin ng Diyos.
Γίνου γρηγορῶν, καὶ στήρισον τὰ λοιπὰ, ἃ ἔμελλον ἀποθανεῖν, οὐ γὰρ εὕρηκά σου ἔργα, πεπληρωμένα ἐνώπιον τοῦ ˚Θεοῦ μου.
3 Kaya tandaan, kung ano ang inyong tinanggap at narinig. Sundin ito, at magsisi. Pero kung hindi kayo gigising, darating ako na parang isang magnanakaw, at hindi ninyo malalaman kung anong oras ako darating laban sa inyo.
Μνημόνευε οὖν πῶς εἴληφας καὶ ἤκουσας, καὶ τήρει καὶ μετανόησον. Ἐὰν οὖν μὴ γρηγορήσῃς, ἥξω ὡς κλέπτης, καὶ οὐ μὴ γνῷς ποίαν ὥραν ἥξω ἐπὶ σέ.
4 Pero may ilang mga pangalan ng mga tao sa Sardis na hindi dinumihan ang kanilang mga damit. Lalakad silang kasama ko, nakadamit ng puti, dahil sila ay karapat-dapat.
Ἀλλὰ ἔχεις ὀλίγα ὀνόματα ἐν Σάρδεσιν, ἃ οὐκ ἐμόλυναν τὰ ἱμάτια αὐτῶν, καὶ περιπατήσουσιν μετʼ ἐμοῦ ἐν λευκοῖς, ὅτι ἄξιοί εἰσιν.
5 Ang isa na siyang nakalupig ay susuotan ng puting damit, at hindi ko kailanman buburahin ang kaniyang pangalan sa aklat ng buhay, at sasabihin ko ang kaniyang pangalan sa harap ng aking Ama, at sa harapan ng kaniyang mga anghel.
Ὁ νικῶν, οὕτως περιβαλεῖται ἐν ἱματίοις λευκοῖς, καὶ οὐ μὴ ἐξαλείψω τὸ ὄνομα αὐτοῦ ἐκ τῆς βίβλου τῆς ζωῆς, καὶ ὁμολογήσω τὸ ὄνομα αὐτοῦ ἐνώπιον τοῦ Πατρός μου, καὶ ἐνώπιον τῶν ἀγγέλων αὐτοῦ.
6 Kung mayroon kayong tainga, pakinggan kung ano ang sinasabi ng Espiritu sa mga iglesya.
Ὁ ἔχων οὖς, ἀκουσάτω τί τὸ ˚Πνεῦμα λέγει ταῖς ἐκκλησίαις.”’
7 “Sa anghel ng iglesya ng Filadelfia isulat: Ang mga salita ng isa na siyang banal at tunay — hawak niya ang susi ni David, binubuksan niya at walang isang makapagsasara, sinasara niya at walang sinuman ang maaaring magbukas.
Καὶ τῷ ἀγγέλῳ τῆς ἐν Φιλαδελφείᾳ ἐκκλησίας γράψον: ‘Τάδε λέγει ὁ Ἅγιος, ὁ Ἀληθινός, ὁ ἔχων τὴν κλεῖν Δαυίδ, ὁ ἀνοίγων καὶ οὐδεὶς κλείσει, καὶ κλείων καὶ οὐδεὶς ἀνοίγει:
8 Alam ko ang inyong ginawa. Tingnan ninyo, Inilagay ko sa inyong harap ang isang pintuang bukas na walang sinuman ang maaaring ikulong. Alam kong mayroon kayong kaunting kalakasan, gayunman sinunod ninyo ang aking salita at hindi itinanggi ang aking pangalan.
“Οἶδά σου τὰ ἔργα. Ἰδοὺ, δέδωκα ἐνώπιόν σου θύραν ἀνεῳγμένην, ἣν οὐδεὶς δύναται κλεῖσαι αὐτήν, ὅτι μικρὰν ἔχεις δύναμιν, καὶ ἐτήρησάς μου τὸν λόγον, καὶ οὐκ ἠρνήσω τὸ ὄνομά μου.
9 Bantayan ninyo! Sila na siyang nabibilang sa sinagoga ni Satanas, sila na siyang nagsabing na sila ay mga Judio pero hindi, — sa halip sila ay nagsisinungaling. Palalapitin ko sila at payuyukuin ko sa harap ng inyong mga paa, at malalaman nila na minahal ko kayo.
Ἰδοὺ, διδῶ ἐκ τῆς συναγωγῆς τοῦ Σατανᾶ, τῶν λεγόντων ἑαυτοὺς Ἰουδαίους εἶναι, καὶ οὐκ εἰσὶν, ἀλλὰ ψεύδονται· ἰδοὺ, ποιήσω αὐτοὺς ἵνα ἥξουσιν καὶ προσκυνήσουσιν ἐνώπιον τῶν ποδῶν σου, καὶ γνῶσιν ὅτι ἐγὼ ἠγάπησά σε.
10 Yamang pinanatili ninyo ang aking utos na matiyagang pagtitiis. Iingatan ko rin kayo mula sa oras ng pagsubok na darating sa buong mundo, para subukin sila na siyang nakatira sa mundo.
Ὅτι ἐτήρησας τὸν λόγον τῆς ὑπομονῆς μου, κἀγώ σε τηρήσω ἐκ τῆς ὥρας τοῦ πειρασμοῦ τῆς μελλούσης ἔρχεσθαι ἐπὶ τῆς οἰκουμένης ὅλης, πειράσαι τοὺς κατοικοῦντας ἐπὶ τῆς γῆς.
11 Ako ay malapit nang dumating. Mahigpit na panghawakan kung anong mayroon kayo kaya walang sinuman ang maaaring mag-alis ng inyong korona.
Ἔρχομαι ταχύ· κράτει ὃ ἔχεις, ἵνα μηδεὶς λάβῃ τὸν στέφανόν σου.
12 Gagawin kong isang haligi sa templo ng aking Diyos ang isa na siyang nakalupig, at hindi na siya kailanman lalabas dito. Isusulat ko sa kaniya ang pangalan ng aking Diyos, ang pangalan ng lungsod ng aking Diyos (ang bagong Jerusalem, na bumababa sa langit mula sa aking Diyos), at ang aking bagong pangalan.
Ὁ νικῶν, ποιήσω αὐτὸν στῦλον ἐν τῷ ναῷ τοῦ ˚Θεοῦ μου, καὶ ἔξω οὐ μὴ ἐξέλθῃ ἔτι, καὶ γράψω ἐπʼ αὐτὸν τὸ ὄνομα τοῦ ˚Θεοῦ μου, καὶ τὸ ὄνομα τῆς πόλεως τοῦ ˚Θεοῦ μου, τῆς καινῆς Ἰερουσαλήμ, ἡ καταβαίνουσα ἐκ τοῦ οὐρανοῦ ἀπὸ τοῦ ˚Θεοῦ μου, καὶ τὸ ὄνομά μου τὸ καινόν.
13 Ang isa na siyang may tainga, hayaan siyang makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesya.
Ὁ ἔχων οὖς, ἀκουσάτω τί τὸ ˚Πνεῦμα λέγει ταῖς ἐκκλησίαις.”’
14 Sa anghel ng iglesya sa Laodicea isulat: 'Ang mga salita ng Amen, ang maaasahan at totoong saksi, ang tagapamahala sa nilikha ng Diyos.
Καὶ τῷ ἀγγέλῳ τῆς ἐν Λαοδικείᾳ ἐκκλησίας γράψον: ‘Τάδε λέγει ὁ Ἀμήν, ὁ μάρτυς ὁ πιστὸς καὶ ὁ ἀληθινός, ἡ ἀρχὴ τῆς κτίσεως τοῦ ˚Θεοῦ:
15 Alam ko kung ano ang inyong ginawa, at kayo na sinumang malamig o mainit. Nais ko na kayo ay maging malamig ni mainit!
“Οἶδά σου τὰ ἔργα, ὅτι οὔτε ψυχρὸς εἶ οὔτε ζεστός. Ὄφελος ψυχρὸς ἦς ἢ ζεστός.
16 Kaya, dahil kayo ay maligamgam — ni mainit o malamig — malapit ko na kayong isuka buhat sa aking bibig.
Οὕτως, ὅτι χλιαρὸς εἶ, καὶ οὔτε ζεστὸς οὔτε ψυχρός, μέλλω σε ἐμέσαι ἐκ τοῦ στόματός μου.
17 Dahil sinabi mo, “Mayaman ako, marami akong materyal na pag-aari, at wala akong pangangailangan.” Pero hindi mo alam na ikaw ang pinakamalungkot, kaawa-awa, dukha, bulag at hubad.
Ὅτι λέγεις, ὅτι ‘Πλούσιός εἰμι, καὶ πεπλούτηκα, καὶ οὐδὲν χρείαν ἔχω’, καὶ οὐκ οἶδας ὅτι σὺ εἶ ὁ ταλαίπωρος, καὶ ἐλεεινὸς, καὶ πτωχὸς, καὶ τυφλὸς, καὶ γυμνός.
18 Pakinggan ang aking payo: Bumili ka mula sa akin ng gintong pinino sa pamamagitan ng apoy kaya maaari kang maging mayaman, at makinang na mga puting damit kaya maaari mong damitan ang iyong sarili at hindi makikita ang kahihiyan ng iyong kahubaran, at papanatag para pahiran ang iyong mga mata kaya maaari kang makakita.
Συμβουλεύω σοι ἀγοράσαι παρʼ ἐμοῦ χρυσίον πεπυρωμένον ἐκ πυρὸς, ἵνα πλουτήσῃς, καὶ ἱμάτια λευκὰ, ἵνα περιβάλῃ, καὶ μὴ φανερωθῇ ἡ αἰσχύνη τῆς γυμνότητός σου, καὶ κολλύριον ἐγχρῖσαι τοὺς ὀφθαλμούς σου, ἵνα βλέπῃς.
19 Bawat isa na mahal ko ay sinasanay ko at tinuturuan sila paano dapat mamuhay. Kaya, maging masigasig at magsisi.
Ἐγὼ ὅσους ἐὰν φιλῶ, ἐλέγχω καὶ παιδεύω· ζήλευε οὖν καὶ μετανόησον.
20 Tingnan ninyo, ako ay nakatayo sa may pinto at kumakatok. Kung sinuman ang nakaririnig sa aking tinig at nagbubukas ng pinto, papasok ako sa kaniyang tahanan at kakain kasama niya, at siya sa akin.
Ἰδοὺ, ἕστηκα ἐπὶ τὴν θύραν καὶ κρούω· ἐάν τις ἀκούσῃ τῆς φωνῆς μου καὶ ἀνοίξῃ τὴν θύραν, εἰσελεύσομαι πρὸς αὐτὸν, καὶ δειπνήσω μετʼ αὐτοῦ, καὶ αὐτὸς μετʼ ἐμοῦ.
21 Ang isa na siyang nakalupig, bibigyan ko ng karapatang umupo kasama ko sa aking trono, gaya nang ako ay nakalupig at umupo kasama ng aking Ama sa kaniang trono.
Ὁ νικῶν, δώσω αὐτῷ καθίσαι μετʼ ἐμοῦ ἐν τῷ θρόνῳ μου, ὡς κἀγὼ ἐνίκησα, καὶ ἐκάθισα μετὰ τοῦ Πατρός μου ἐν τῷ θρόνῳ αὐτοῦ.
22 Kung mayroon kang tainga, makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesya.
Ὁ ἔχων οὖς, ἀκουσάτω τί τὸ ˚Πνεῦμα λέγει ταῖς ἐκκλησίαις.”’”