< Pahayag 22 +

1 Pagkatapos ipinakita sa akin ng anghel ang ilog ng tubig ng buhay, ang tubig ay kasing linaw ng kristal. Dumadaloy ito mula sa trono ng Diyos at ng Kordero,
И показал мне чистую реку воды жизни, светлую, как кристалл, исходящую от престола Бога и Агнца.
2 sa gitna ng lansangan ng lungsod. Sa magkabilang tabi ng ilog ay naroon ang puno ng buhay na nagbubunga ng labingdalawang uri ng prutas, at sa bawat buwan ay namumunga ito. Ang mga dahon ng puno ay para mapagaling ang bansa.
Среди улицы его, и по ту и по другую сторону реки, древо жизни, двенадцать раз приносящее плоды, дающее на каждый месяц плод свой; и листья дерева - для исцеления народов.
3 Wala na kahit anumang sumpa. Ang trono ng Diyos at ng Kordero ay matatagpuan sa lungsod at paglilingkuran siya ng kaniyang mga lingkod.
И ничего уже не будет проклятого; но престол Бога и Агнца будет в нем, и рабы Его будут служить Ему.
4 Makikita nila ang kaniyang mukha at ang kaniyang pangalan ay malalagay sa kanilang mga noo.
И узрят лице Его, и имя Его будет на челах их.
5 Wala nang magiging gabi, hindi na sila mangangailangan ng liwanag ng ilawan o sikat ng araw dahil ang Panginoong Diyos ang magliliwanag sa kanila. Maghahari sila magpakailan pa man. (aiōn g165)
И ночи не будет там, и не будут иметь нужды ни в светильнике, ни в свете солнечном, ибо Господь Бог освещает их; и будут царствовать во веки веков. (aiōn g165)
6 Sinabi sa akin ng anghel, “Ang mga salitang ito ay mapagkakatiwalaan at totoo. Ang Panginoon, ang Diyos ng mga espiritu ng mga propeta, ay ipinadala ang kaniyang anghel para ipakita sa kaniyang mga lingkod ang mga bagay na malapit ng maganap.”
И сказал мне: сии слова верны и истинны; и Господь Бог святых пророков послал Ангела Своего показать рабам Своим то, чему надлежит быть вскоре.
7 “Tingnan mo! Malapit na akong dumating. Pinagpala ang siyang sumusunod sa mga salita ng propesiya ng aklat na ito.”
Се, гряду скоро: блажен соблюдающий слова пророчества книги сей.
8 Ako, si Juan, ang siyang nakarinig at nakakita ng mga bagay na ito. Nang aking makita at narinig sila, ipinatirapa ko ang aking sarili sa paanan ng anghel para sambahin siya, ang anghel na nagpakita sa akin ng mga bagay na ito.
Я, Иоанн, видел и слышал сие. Когда же услышал и увидел, пал к ногам Ангела, показывающего мне сие, чтобы поклониться ему;
9 Sinabi niya sa akin, “Huwag mong gawin iyan!” Ako ay tulad mo ring lingkod na kasama mo, kasama ng iyong mga kapatid na mga propeta, at kasama ng mga sumusunod sa mga salita ng aklat na ito. Sambahin ang Diyos!”
но он сказал мне: смотри, не делай сего; ибо я сослужитель тебе и братьям твоим пророкам и соблюдающим слова книги сей; Богу поклонись.
10 Sinabi niya sa akin, “Huwag mong selyuhan ang mga salita ng propesiya ng aklat na ito, dahil ang oras ay malapit na.
И сказал мне: не запечатывай слов пророчества книги сей; ибо время близко.
11 Siya na hindi matuwid, hayaan siyang magpatuloy na gawin ang hindi matuwid. Siya na marumi ang moralidad, hayaan siyang magpatuloy sa pagiging marumi ang moralidad. Siya na matuwid, hayaan siyang magpatuloy na gumawa ng matuwid. Siya na banal, hayaan siya na magpatuloy na maging banal.
Неправедный пусть еще делает неправду; нечистый пусть еще сквернится; праведный да творит правду еще, и святый да освящается еще.
12 Tingnan mo! Malapit na akong dumating. Ang aking gantimpala ay nasa akin, para gantihan ang bawat isa ayon sa anuman na kaniyang ginawa.
Се, гряду скоро, и возмездие Мое со Мною, чтобы воздать каждому по делам его.
13 Ako ang Alpa at ang Omega, ang Una at ang Huli, ang Simula at ang Katapusan.
Я есмь Алфа и Омега, начало и конец, Первый и Последний.
14 Pinagpala ang mga naglilinis ng kanilang mga balabal kaya magkakaroon sila ng karapatan para makakain nang mula sa puno ng buhay at para makapasok sa lungsod sa pamamagitan ng mga tarangkahan.
Блаженны те, которые соблюдают заповеди Его, чтобы иметь им право на древо жизни и войти в город воротами.
15 Nasa labas ang mga aso, ang mga mangkukulam, ang sekswal na imoralidad, ang mga mamamatay tao, ang mga sumasamba sa mga diyus-diyosan, at ang lahat ng nagmamahal at gumagawa ng kasinungalingan.
А вне - псы и чародеи, и любодеи, и убийцы, и идолослужители, и всякий любящий и делающий неправду.
16 Ako, si Jesus, ipinadala ko ang aking anghel para magpatotoo sa inyo tungkol sa mga bagay para sa mga iglesiya. Ako ang ugat at ang kaapu-apuhan ni David, ang maningning na Bituin sa Umaga.
Я, Иисус, послал Ангела Моего засвидетельствовать вам сие в церквах. Я есмь корень и потомок Давида, звезда светлая и утренняя.
17 Sinasabi ng Espiritu at ng Babaeng ikakasal, “Halika! Hayaang sabihin ng nakaririnig, “Halika!” Sinuman ang nauuhaw, hayaan siyang lumapit, at sinuman ang nagnanais nito, hayaan siya na malayang magkaroon ng tubig ng buhay.
И Дух и невеста говорят: прииди! И слышавший да скажет: прииди! Жаждущий пусть приходит, и желающий пусть берет воду жизни даром.
18 Pinatototohanan ko sa bawat isang nakikinig sa mga salita ng propesiya ng aklat na ito: Kung sinumang magdagdag sa mga ito, ang Diyos ang magdadagdag sa kaniya ng mga salot na tulad ng nakasaad sa aklat na ito.
И я также свидетельствую всякому слышащему слова пророчества книги сей: если кто приложит что к ним, на того наложит Бог язвы, о которых написано в книге сей;
19 Kung sinuman ang mag-aalis mula sa mga salita ng aklat na ito ng propesiya, aalisin ng Diyos ang kaniyang bahagi sa puno ng buhay at sa banal na lungsod, na nakasulat tungkol sa aklat na ito.
и если кто отнимет что от слов книги пророчества сего, у того отнимет Бог участие в книге жизни и в святом граде и в том, что написано в книге сей.
20 Siyang nagpapatotoo sa mga bagay na ito ay sinasabi, “Oo! Malapit na akong dumating.” Amen! Halika, Panginoong Jesus!
Свидетельствующий сие говорит: ей, гряду скоро! Аминь. Ей, гряди, Господи Иисусе!
21 Sumainyong nawa lahat ng biyaya ng Panginoong Jesus. Amen.
Благодать Господа нашего Иисуса Христа со всеми вами. Аминь

< Pahayag 22 +