< Pahayag 2 >
1 Sa anghel ng iglesia sa Efeso isulat: 'Ito ang mga salita ng isang may hawak ng pitong bituin sa kaniyang kanang kamay.' Ang isa na siyang lumakad sa gitna ng pitong mga gintong ilawan sinasabi ito,
Τῷ ἀγγέλῳ τῆς ἐν Ἐφέσῳ ἐκκλησίας γράψον, Τάδε λέγει ὁ κρατῶν τοὺς ἑπτὰ ἀστέρας ἐν τῇ δεξιᾷ αὐτοῦ, ὁ περιπατῶν ἐν μέσῳ τῶν ἑπτὰ λυχνιῶν τῶν χρυσῶν·
2 “Alam ko ang inyong ginawa at ang inyong mahirap na trabaho at ang inyong matiyagang pagtitiis, at hindi ninyo matiis ang mga kasaman at inyong sinubok ang mga umaangkin na sila ay mga apostol, pero hindi, at nakita ninyo na sila ay hindi totoo.
Οἶδα τὰ ἔργα σου, καὶ τὸν κόπον σου, καὶ τὴν ὑπομονήν σου, καὶ ὅτι οὐ δύνῃ βαστάσαι κακούς, καὶ ἐπείρασας τοὺς λέγοντας ἑαυτοὺς ἀποστόλους εἶναι καὶ οὐκ εἰσί, καὶ εὗρες αὐτοὺς ψευδεῖς,
3 Alam ko na mayroon kayong matiyagang pagtitiis, at marami na kayong pinagdaanan dahil sa aking pangalan, at hindi kayo lumagong pagod.
καὶ ὑπομονὴν ἔχεις καὶ ἐβάστασας διὰ τὸ ὄνομά μου καὶ οὐκ ἐκοπίασας.
4 Pero ito ang ayaw ko laban sa inyo—iniwan ninyo ang inyong unang pag-ibig.
Ἀλλὰ ἔχω κατὰ σοῦ, ὅτι τὴν ἀγάπην σου τὴν πρώτην ἀφῆκας.
5 Kaya tandaan ninyo kung saan kayo nahulog. Magsisi kayo at gawin ninyo ang mga bagay na ginawa ninyo sa una. Malibang kayo ay magsisi, Ako ay darating sa iyo at aalisin ko ang ilawan mula sa kinalalagyan nito.
Μνημόνευε οὖν πόθεν πέπτωκας, καὶ μετανόησον, καὶ τὰ πρῶτα ἔργα ποίησον· εἰ δὲ μή, ἔρχομαί σοι ταχύ, καὶ κινήσω τὴν λυχνίαν σου ἐκ τοῦ τόπου αὐτῆς, ἐὰν μὴ μετανοήσῃς.
6 Pero kayo ay mayroon nito—kinapopootan ninyo ang mga ginawa ng mga Nicolaita, na kinapopootan ko rin.
Ἀλλὰ τοῦτο ἔχεις, ὅτι μισεῖς τὰ ἔργα τῶν Νικολαϊτῶν, ἃ κἀγὼ μισῶ.
7 Kung mayroon kayong tainga, makinig kung ano ang sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia. Sa isang na siyang nakalupig pahihintulutan ko na kumain mula sa puno ng buhay, na nasa paraiso ng Diyos.'
Ὁ ἔχων οὖς ἀκουσάτω τί τὸ πνεῦμα λέγει ταῖς ἐκκλησίαις. Τῷ νικῶντι δώσω αὐτῷ φαγεῖν ἐκ τοῦ ξύλου τῆς ζωῆς, ὅ ἐστιν ἐν τῷ παραδείσῳ τοῦ Θεοῦ μου.
8 Sa anghel ng iglesia ng Smirna isulat: 'Ito ang mga salita ng isa na siyang una at ang huli—siyang namatay at siyang muling nabuhay:'
Καὶ τῷ ἀγγέλῳ τῆς ἐν Σμύρνῃ ἐκκλησίας γράψον, Τάδε λέγει ὁ πρῶτος καὶ ὁ ἔσχατος, ὃς ἐγένετο νεκρὸς καὶ ἔζησεν·
9 “Alam ko ang inyong mga pagdurusa at inyong kahirapan (pero kayo ay mayaman), at ang paninirang-puri ng mga nagsasabing sila ay mga Judio (pero sila ay hindi—sila ay isang sinagoga ni Satanas).
Οἶδά σου τὰ ἔργα καὶ τὴν θλίψιν καὶ τὴν πτωχείαν, ἀλλὰ πλούσιος εἶ· καὶ τὴν βλασφημίαν ἐκ τῶν λεγόντων Ἰουδαίους εἶναι ἑαυτούς, καὶ οὐκ εἰσίν, ἀλλὰ συναγωγὴ τοῦ Σατανᾶ.
10 Huwag katakutan ang tungkol sa pagdurusahan ninyo. Tingnan mo! Ihahagis ng diyablo ang ilan sa inyo sa kulungan para kayo ay subukin, at magdurusa kayo ng sampung araw. Maging tapat kayo hanggang kamatayan, at ibibigay ko sa inyo ang korona ng buhay.
Μηδὲν φοβοῦ ἃ μέλλεις παθεῖν· ἰδοὺ δή, μέλλει βαλεῖν ὁ διάβολος ἐξ ὑμῶν εἰς φυλακήν, ἵνα πειρασθῆτε· καὶ ἕξετε θλίψιν ἡμερῶν δέκα. Γίνου πιστὸς ἄχρι θανάτου, καὶ δώσω σοι τὸν στέφανον τῆς ζωῆς.
11 Kung kayo ay may tainga, makinig kung ano ang sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia. Ang isa na siyang nakalupig ay hindi masasaktan sa pamamagitan ng ikalawang kamatayan.
Ὁ ἔχων οὖς ἀκουσάτω τί τὸ πνεῦμα λέγει ταῖς ἐκκλησίαις. Ὁ νικῶν οὐ μὴ ἀδικηθῇ ἐκ τοῦ θανάτου τοῦ δευτέρου.
12 Sa anghel ng iglesia ng Pergamo isulat: 'Ito ang mga salita ng isa na siyang may matalas na may magkabilang talim na espada:'
Καὶ τῷ ἀγγέλῳ τῆς ἐν Περγάμῳ ἐκκλησίας γράψον, Τάδε λέγει ὁ ἔχων τὴν ῥομφαίαν τὴν δίστομον τὴν ὀξεῖαν·
13 “Alam ko kung saan kayo nakatira — kung nasaan ang trono ni Satanas. Gayon man mahigpit ninyong pinanghahawakan ang aking pangalan at hindi ninyo itinanggi ang inyong pananampalataya sa akin, kahit sa mga araw ni Antipas na aking saksi, aking matapat, na pinatay sa inyong kalagitnaan, doon nakatira si Satanas.
Οἶδα τὰ ἔργα σου καὶ ποῦ κατοικεῖς, ὅπου ὁ θρόνος τοῦ Σατανᾶ· καὶ κρατεῖς τὸ ὄνομά μου, καὶ οὐκ ἠρνήσω τὴν πίστιν μου ἐν ταῖς ἡμέραις ἐν αἷς Ἀντίπας ὁ μάρτυς μου, ὁ πιστός, ὃς ἀπεκτάνθη παρ᾽ ὑμῖν, ὅπου ὁ Σατανᾶς κατοικεῖ.
14 Pero mayroon akong mga ilang bagay na laban sa inyo: Mayroon ilan sa inyo na mahigpit na pinanghahawakan ang katuruan ni Balaam, na nagturo kay Balak para ihagis ang isang hadlang sa harap ng mga anak ni Israel, sa gayon makakakain sila ng pagkaing inihandog sa mga diyus-diyosan at maging sekswal na imoralidad.
Ἀλλ᾽ ἔχω κατὰ σοῦ ὀλίγα, ὅτι ἔχεις ἐκεῖ κρατοῦντας τὴν διδαχὴν Βαλαάμ, ὃς ἐδίδαξε τὸν Βαλὰκ βαλεῖν σκάνδαλον ἐνώπιον τῶν υἱῶν Ἰσραήλ, καὶ φαγεῖν εἰδωλόθυτα καὶ πορνεῦσαι.
15 Sa parehong paraan, may ilan din sa inyo na siyang mahigpit na pinanghahawakan ang katuruan ng mga Nicolaita.
Οὕτως ἔχεις καὶ σὺ κρατοῦντας τὴν διδαχὴν τῶν Νικολαϊτῶν ὁμοίως.
16 Kaya magsisi kayo! Kung hindi, darating ako sa inyo nang hindi magtatagal, at ako ay gagawa ng digmaan laban sa kanila gamit ang espada na lumalabas sa aking bibig.
Μετανόησον οὖν· εἰ δὲ μή, ἔρχομαί σοι ταχύ, καὶ πολεμήσω μετ᾽ αὐτῶν ἐν τῇ ῥομφαίᾳ τοῦ στόματός μου.
17 Kung mayroon kayong tainga, pakinggan ninyo ang sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia. Sa isa na siyang nakalupig, ibibigay ko ang ilang nakatagong manna, at ibibigay ko ang isang puting bato na may isang bagong pangalan na nakasulat sa bato, isang pangalan na walang kahit isang nakakaalam kundi ang isa na siyang tumanggap nito.
Ὁ ἔχων οὖς ἀκουσάτω τί τὸ πνεῦμα λέγει ταῖς ἐκκλησίαις. Τῷ νικῶντι δώσω αὐτῷ τοῦ μάννα τοῦ κεκρυμμένου, καὶ δώσω αὐτῷ ψῆφον λευκήν, καὶ ἐπὶ τὴν ψῆφον ὄνομα καινὸν γεγραμμένον, ὃ οὐδεὶς οἶδεν εἰ μὴ ὁ λαμβάνων.
18 Sa anghel ng iglesia ng Tiatira isulat: 'Ito ang mga salita ng Anak ng Diyos, na may mga mata na katulad ng ningas ng apoy at mga paa na gaya ng pinakintab na tanso:'
Καὶ τῷ ἀγγέλῳ τῆς ἐν Θυατείροις ἐκκλησίας γράψον, Τάδε λέγει ὁ υἱὸς τοῦ Θεοῦ, ὁ ἔχων τοὺς ὀφθαλμοὺς αὐτοῦ ὡς φλόγα πυρός, καὶ οἱ πόδες αὐτοῦ ὅμοιοι χαλκολιβάνῳ·
19 “Alam ko ang inyong mga ginawa — ang inyong pag-ibig, at panananampalataya, at paglilingkod, at ang inyong matiyagang pagtitiis at ang inyong mga ginawa kamakailan ay higit pa kaysa mga ginawa ninyo sa una.
Οἶδά σου τὰ ἔργα, καὶ τὴν ἀγάπην καὶ τὴν πίστιν καὶ τὴν διακονίαν καὶ τὴν ὑπομονήν σου, καὶ τὰ ἔργα σου, τὰ ἔσχατα πλείονα τῶν πρώτων.
20 Pero mayroon akong laban sa inyo: pinahihintulutan ninyo ang babaeng si Jezebel, na tinatawag ang sarili niyang isang propeta. Sa pamamagitan ng kaniyang katuruan ay nililinlang niya ang aking mga lingkod na gumawa ng mga sekswal na imoralidad at kumain ng mga pagkaing inialay sa mga diyus-diyosan.
Ἀλλ᾽ ἔχω κατὰ σοῦ ὅτι ἀφεῖς τὴν γυναῖκά σου Ἰεζάβελ, ἣ λέγει ἑαυτὴν προφῆτιν, καὶ διδάσκει καὶ πλανᾷ τοὺς ἐμοὺς δούλους πορνεῦσαι καὶ φαγεῖν εἰδωλόθυτα.
21 Binigyan ko siya ng oras para magsisi pero hindi maluwag sa kaniyang kalooban na magsisi sa kaniyang imoralidad.
Καὶ ἔδωκα αὐτῇ χρόνον ἵνα μετανοήσῃ, καὶ οὐ θέλει μετανοῆσαι ἐκ τῆς πορνείας αὐτῆς.
22 Bantayan ninyo! Ihahagis ko siya sa isang banig ng karamdaman, at ang mga gumawa ng pangangalunya kasama niya sa matinding pagdurusa, malibang sila ay magsisi sa anumang ginawa niya.
Ἰδού, βάλλω αὐτὴν εἰς κλίνην, καὶ τοὺς μοιχεύοντας μετ᾽ αὐτῆς εἰς θλίψιν μεγάλην, ἐὰν μὴ μετανοήσωσιν ἐκ τῶν ἔργων αὐτῆς.
23 Hahampasin ko ang kaniyang mga anak hanggang mamatay, at ang lahat ng mga iglesia ay malalaman na ako ang siyang sumisiyasat sa mga kaisipan at mga nasain. Ibibigay ko sa bawat isa sa inyo ayon sa inyong ginawa.
Καὶ τὰ τέκνα αὐτῆς ἀποκτενῶ ἐν θανάτῳ· καὶ γνώσονται πᾶσαι αἱ ἐκκλησίαι ὅτι ἐγώ εἰμι ὁ ἐρευνῶν νεφροὺς καὶ καρδίας· καὶ δώσω ὑμῖν ἑκάστῳ κατὰ τὰ ἔργα ὑμῶν.
24 Pero sa iba sa inyo sa Tiatira, sa lahat ng hindi pinanghahawakan ang katuruang ito, at hindi alam ang tinatawag ng iba na malalalim na mga bagay ni Satanas — sinasabi ko sa inyo, “hindi ko inilagay sa inyo ang anumang ibang pasanin.'
Ὑμῖν δὲ λέγω, τοῖς λοιποῖς τοῖς ἐν Θυατείροις, ὅσοι οὐκ ἔχουσι τὴν διδαχὴν ταύτην, οἵτινες οὐκ ἔγνωσαν τὰ βαθέα τοῦ Σατανᾶ, ὡς λέγουσιν, οὐ βάλλω ἐφ᾽ ὑμᾶς ἄλλο βάρος.
25 Sa anumang kalagayan, dapat kayong humawak nang mahigpit hanggang ako ay dumating.
Πλὴν ὃ ἔχετε κρατήσατε, ἄχρις οὗ ἂν ἥξω.
26 Ang isa na siyang nakalupig at siyang gumagawa ng mga ginawa ko hanggang sa huli, sa kaniya ko ibibigay ang kapangyarihan sa ibabaw ng mga bansa.
Καὶ ὁ νικῶν καὶ ὁ τηρῶν ἄχρι τέλους τὰ ἔργα μου, δώσω αὐτῷ ἐξουσίαν ἐπὶ τῶν ἐθνῶν·
27 Siya ay mamumuno sa kanila gamit ang tungkod na bakal, sila ay dudurugin niya gaya ng mga palayok.'
καὶ ποιμανεῖ αὐτοὺς ἐν ῥάβδῳ σιδηρᾷ· ὡς τὰ σκεύη τὰ κεραμικά, συντριβήσεται· ὡς κἀγὼ εἴληφα παρὰ τοῦ πατρός μου·
28 Gaya ng aking tinanggap mula sa aking Ama, ibibigay ko rin sa kaniya ang bituin sa umaga.
καὶ δώσω αὐτῷ τὸν ἀστέρα τὸν πρωϊνόν.
29 Kung mayroon kang tainga, makinig sa sinasabi ng Espirito sa mga iglesia.
Ὁ ἔχων οὖς ἀκουσάτω τί τὸ πνεῦμα λέγει ταῖς ἐκκλησίαις.