< Pahayag 18 >

1 Pagkatapos ng mga ito nakita ko ang isang anghel na bumababa mula sa langit. Siya ay may dakilang kapangyarihan, at ang daigdig ay tumatanglaw sa pamamagitan ng kaniyang kaluwalhatian.
Dopo ciò, vidi un altro angelo discendere dal cielo con grande potere e la terra fu illuminata dal suo splendore.
2 Sumigaw siya nang may malakas na tinig sinasabing, “Bumagsak! Bumagsak ang dakilang Babilonia!” Siya ay naging tirahan ng mga demonyo, tirahan para sa bawat maruming espiritu at tirahan para sa bawat marumi at kasuklam-suklam na ibon.
«E' caduta, è caduta Babilonia la grande ed è diventata covo di demòni, carcere di ogni spirito immondo, carcere d'ogni uccello impuro e aborrito e carcere di ogni bestia immonda e aborrita. Gridò a gran voce:
3 Dahil ang lahat ng bansa ay uminom ng alak ng pagnanasa ng kaniyang sekswal na imoralidad na nagdulot sa kaniya ng poot. Ang mga hari ng mundo ay gumawa ng sekswal na imoralidad kasama niya. Ang mga mangangalakal sa mundo ay naging mayaman sa pamamagitan ng kapangyarihan ng marangya niyang pamumuhay.
Perché tutte le nazioni hanno bevuto del vino della sua sfrenata prostituzione, i re della terra si sono prostituiti con essa e i mercanti della terra si sono arricchiti del suo lusso sfrenato».
4 Pagkatapos, narinig ko ang isa pang tinig, mula sa langit na sinasabi, “Lumabas kayo mula sa kaniya, aking bayan, para hindi kayo makibahagi sa kaniyang mga kasalanan, at para hindi ninyo tanggapin ang anumang sa kaniyang mga salot.
Poi udii un'altra voce dal cielo: «Uscite, popolo mio, da Babilonia per non associarvi ai suoi peccati e non ricevere parte dei suoi flagelli.
5 Ang kaniyang mga kasalanan ay patung-patong hanggang sa langit, at inalala ng Diyos ang kaniyang mga masasamang gawain.
Perché i suoi peccati si sono accumulati fino al cielo e Dio si è ricordato delle sue iniquità.
6 Bayaran mo siya katulad ng pagbabayad niya sa iba at bayaran mo siya ng dalawang ulit, dahil sa kaniyang ginawa, sa kaniyang paghalo sa kopa, paghaluin ng dalawang ulit ang bayad para sa kaniya.
Pagatela con la sua stessa moneta, retribuitele il doppio dei suoi misfatti. Versatele doppia misura nella coppa con cui mesceva.
7 Gaya ng pagluwalhati niya sa kaniyang sarili, at namuhay sa karangyaan, bigyan mo siya ng higit sa katumbas na pagdurusa at pagdadalamhati. Dahil sinabi niya sa kaniyang puso, “Ako ay nakaupong tulad ng isang reyna; hindi ako balo, at hindi kailanman makikita ang kalungkutan.
Tutto ciò che ha speso per la sua gloria e il suo lusso, restituiteglielo in tanto tormento e afflizione. Poiché diceva in cuor suo: Io seggo regina, vedova non sono e lutto non vedrò;
8 Kaya isang araw ay dadaanan siya ng kaniyang sariling mga salot: kamatayan, kalungkutan at kagutuman. Siya ay tutupukin ng apoy, dahil ang Panginoong Diyos ay makapangyarihan, at siya ang kaniyang hukom.
per questo, in un solo giorno, verranno su di lei questi flagelli: morte, lutto e fame; sarà bruciata dal fuoco, poiché potente Signore è Dio che l'ha condannata».
9 Ang mga hari ng mundo na nakagawa ng mga sekswal na imoralidad at hindi nakapagpigil kasama niya ay tatangis at mananaghoy sa kaniya kapag nakita nila ang usok ng kaniyang pagkakasunog.
I re della terra che si sono prostituiti e han vissuto nel fasto con essa piangeranno e si lamenteranno a causa di lei, quando vedranno il fumo del suo incendio,
10 Tatayo sila sa malayo, takot sa kaniyang paghihirap, sinasabing, “Kaawa-awa, kaawa-awa sa dakilang lungsod, sa Babilonia, ang makapangyarihang lungsod! Dahil ang i sa loob ng isang oras ang iyong kaparusahan ay darating.
«Guai, guai, immensa città, Babilonia, possente città; in un'ora sola è giunta la tua condanna!». tenendosi a distanza per paura dei suoi tormenti e diranno:
11 Ang mga mangangalakal ng mundo ay tatangis at magluluksa para sa kaniya, dahil walang sinuman ang bibili ng kaniyang mga kalakal kailanman-
Anche i mercanti della terra piangono e gemono su di lei, perché nessuno compera più le loro merci:
12 mga kagamitang ginto, pilak, at mamahaling hiyas, mga perlas, pinong lino, lila, seda, telang pula at lahat ng uri ng mabangong kahoy, bawat sisidlang yari sa pangil ng elepante, bawat sisidlang yari sa mamahaling kahoy, ginto, tanso, bakal at marmol,
carichi d'oro, d'argento e di pietre preziose, di perle, di lino, di porpora, di seta e di scarlatto; legni profumati di ogni specie, oggetti d'avorio, di legno, di bronzo, di ferro, di marmo;
13 sinamon, pampalasa, insenso, mira at kamangyan, alak, langis, pinong harina, trigo, baka, at tupa, mga kabayo at karwahe, mga alipin at mga kaluluwa ng tao.
cinnamòmo, amòmo, profumi, unguento, incenso, vino, olio, fior di farina, frumento, bestiame, greggi, cavalli, cocchi, schiavi e vite umane.
14 Ang bunga na iyong hinahangad nang buong lakas mo ay nawala mula sa iyo. Lahat ng iyong karangyaan at kaningningan ay naglaho, at hindi na kailanman muling masusumpungan.
«I frutti che ti piacevano tanto, tutto quel lusso e quello splendore sono perduti per te, mai più potranno trovarli».
15 Ang mga mangangalakal ng mga bilihing ito na naging mayaman sa pamamagitan niya ay tatayong malayo mula sa kaniya sa kalayuan dahil sa takot ng kaniyang paghihirap, pagtatangis at malakas na pagpipighati.
I mercanti divenuti ricchi per essa, si terranno a distanza per timore dei suoi tormenti; piangendo e gemendo, diranno:
16 Sasabihin nila, “Kaawa-awa, kaawa-awa sa dakilang lungsod na nadadamitan ng pinong lino, ng lila at telang pula at pagpapaganda ng ginto, mamahaling hiyas at mga perlas!”
«Guai, guai, immensa città, tutta ammantata di bisso, di porpora e di scarlatto, adorna d'oro, di pietre preziose e di perle!
17 Sa loob ng isang oras ang lahat ng kayamanan ay nasayang. Ang bawat kapitan ng barko, bawat mandaragat, mga manlalayag, at silang lahat na ang nabubuhay ay mula sa dagat, ay nakatayo sa kalayuan.
In un'ora sola è andata dispersa sì grande ricchezza!». Tutti i comandanti di navi e l'intera ciurma, i naviganti e quanti commerciano per mare se ne stanno a distanza,
18 Sisigaw sila habang nakikita nila ang usok ng kaniyang pagkakasunog. Sinabi nila, “Anong lungsod ang tulad ng dakilang lungsod?”
e gridano guardando il fumo del suo incendio: «Quale città fu mai somigliante all'immensa città?».
19 Nagsaboy sila ng alikabok sa kanilang mga ulo, at sumigaw, nananangis, at nananaghoy. “Kaawa-awa, kaawa-awa ang dakilang lungsod kung saan lahat ng kanilang mga barko sa dagat ay yayaman mula sa kaniyang kayamanan. Dahil sa loob ng isang oras siya ay winasak.”
«Guai, guai, immensa città, del cui lusso arricchirono quanti avevano navi sul mare! In un'ora sola fu ridotta a un deserto! Gettandosi sul capo la polvere gridano, piangono e gemono:
20 “Magalak kayo sa kaniya, kalangitan, kayong mga mananampalataya, mga apostol at mga propeta, dahil dinala ng Diyos ang inyong hatol sa kaniya!”
Esulta, o cielo, su di essa, e voi, santi, apostoli, profeti, perché condannando Babilonia Dio vi ha reso giustizia!».
21 Isang makapangyarihang anghel ang kumuha ng isang bato tulad ng isang malaking gilingang bato at itinapon ito sa dagat, sinasabing, “Sa ganitong paraan ang dakilang lungsod ng Babilonia, ay itatapon pababa nang may karahasan at hindi na makikita kailanman.
«Con la stessa violenza sarà precipitata Babilonia, la grande città e più non riapparirà. Un angelo possente prese allora una pietra grande come una mola, e la gettò nel mare esclamando:
22 Ang tunog ng manunugtog ng alpa, mga musiko, manunugtog ng plauta at mga trumpeta ay hindi na maririnig sa inyo kailanman. Walang anumang uri ng manggagawa ang matatagpuan sa inyo. Walang tunog ng gilingan ang maririnig sa inyo kailanman.
La voce degli arpisti e dei musici, dei flautisti e dei suonatori di tromba, non si udrà più in te; ed ogni artigiano di qualsiasi mestiere non si troverà più in te; e la voce della mola non si udrà più in te;
23 Ang ilaw ng ilawan ay hindi na magliliwanag sa inyo kailanman. Ang mga tinig ng lalaking ikakasal at babaing ikakasal ay hindi na ninyo maririnig kailanman, dahil ang inyong mga mangangalakal ay ang mga prinsipe ng mundo at ang mga bansa ay nilinlang sa pamamagitan ng inyong pangkukulam.
e la luce della lampada non brillerà più in te; e voce di sposo e di sposa non si udrà più in te. Perché i tuoi mercanti erano i grandi della terra; perché tutte le nazioni dalle tue malìe furon sedotte.
24 Sa kaniya natagpuan ang dugo ng mga propeta at ng mga mananampalataya, at ang dugo ng lahat ng mga pinatay sa lupa.
In essa fu trovato il sangue dei profeti e dei santi e di tutti coloro che furono uccisi sulla terra».

< Pahayag 18 >