< Pahayag 17 >

1 Dumating ang isa sa pitong anghel na mayroong pitong mangkok at sinabi sa akin, “Halika, ipapakita ko sa iyo ang kaparusahan ng pinakamasamang babae na nakaupo sa ibabaw ng maraming tubig,
In prišel je eden iz sedmerih angelov, imajočih sedmere čaše, in govoril je z menoj, rekoč mi: Sem! pokažem ti sodbo kurbe vélike, sedeče ob mnogih vodah;
2 na nakasama ng mga hari ng mundo sa paggawa ng sekswal na imoralidad, at sa kaniyang sekswal na imoralidad ang mga naninirahan sa mundo ay nalasing.
S katero so se kurbali kralji zemeljski, in upijanili so se z vinom kurbarije njene zemlje prebivalci.
3 Dinala ako ng anghel sa Espiritu sa isang ilang, at nakita ko ang babaeng nakaupo sa pulang halimaw na puno ng paglalapastangan sa mga pangalan. Ang halimaw ay may pitong ulo at sampung sungay.
In odnese me v puščavo v duhu; in videl sem ženo sedečo na zveri škrlatni, polni imen preklinjanja, imajoči sedem glav in rogov deset.
4 Nakasuot ng kulay lila at matingkad na pulang damit at pinaganda ng ginto, mamahaling mga bato, at mga perlas. Sa kaniyang kamay hawak niya ang gintong baso na puno ng kasuklam-suklam na mga bagay at ang mga karumihan ng kaniyang sekswal na imoralidad.
In žena oblečena z bagrom in škrlatom in pozlačena sè zlatom in dragim kamenjem in biseri, imajoč zlato čašo v roki svoji, polno gnjusob in nečistosti kurbarije svoje,
5 Sa kaniyang noo nakasulat ang isang pangalan na mayroong lihim na kahulugan: “ANG DAKILANG BABYLONIA, ANG INA NG LAHAT NG MGA MASASAMANG BABAE AT NANG KASUKLAM-SUKLAM NA MGA BAGAY SA LUPA.”
In na čelu svojem ime zapisano: Skrivnost, Babilon véliki, mati kurb in gnjusob zemlje!
6 Nakita ko ang babae na lasing sa dugo ng mga mananampalataya at sa dugo ng mga martir kay Jesus. Nang makita ko siya, labis akong namangha.
In videl sem ženo pijano krvi svetnikov, in krvi pričevalcev Jezusovih; in čudil sem se, videč jo, čudom silnim.
7 Pero sinabi sa akin ng anghel, “Bakit ka namangha? Ipapaliwanag ko sa iyo ang kahulugan ng babae at ng halimaw na pumapasan sa kaniya (ang halimaw na mayroong pitong ulo at sampung sungay).
In reče mi angelj: Zakaj se čudiš? Jaz ti povem skrivnost žene in zveri, katera jo nosi, katera ima sedem glav in rogov deset.
8 Ang nakita mong halimaw, ay hindi pa nabubuhay sa ngayon, pero malapit nang umahon mula sa kailaliman hukay. At pupunta siya para manira. Sa mga naninirahan sa lupa, silang mga hindi naisulat ang kanilang pangalan sa aklat ng buhay simula pa noong itinatag ang mundo — mamamangha sila kapag nakita nila na nabuhay ang halimaw, na hindi pa nabubuhay ngayon, pero malapit nang dumating. (Abyssos g12)
Zver, katero si videl, bila je, in ni je, in priti ima gor iz brezna in iti v pogubo. In čudili se bodo prebivalci na zemlji, (katerih imena niso zapisana v knjigi življenja od ustanovitve sveta), gledajoč zver, katera je bila in je ni, dasi je. (Abyssos g12)
9 Nagpapaalala ito sa kaisipang may karunungan. Ang pitong ulo ay pitong burol na kung saan ang babae ay nakaupo.
Tukaj razum, kateri ima modrost. Sedmere glave so sedem gorâ, kjer žena sedí na njih, in so kraljev sedem.
10 Sila rin ang pitong hari. Limang haring ang bumagsak, isa ang nanatili, at ang isa ay hindi pa dumarating; kapag siya ay dumating, sandali lamang siyang mananatili.
Pet jih je padlo in eden je, drugi ni še prišel; in kader pride, sme malo časa ostati.
11 Ang halimaw na nabuhay, pero hindi pa nabubuhay ngayon, ay siya rin ang ika-walong hari; pero isa rin siya sa kanilang pitong hari, at siya ay mapupunta sa pagkawasak.
In zver, katera je bila in je ni, je sam osmi, in je izmed sedmerih in gre v pogubo.
12 Ang sampung sungay na nakita mo ay sampung hari na hindi pa nakakatanggap ng kaharian, pero sila ay makakatanggap ng pamumuno bilang mga hari sa isang oras kasama ang halimaw.
In deseteri rogovi, katere si videl, so deset kraljev, kateri še niso prejeli kraljestva, ali oblast kakor kralji prejmó eno uro sè zverjo.
13 Ang mga ito ay nagkakaisa sa isip, at ibinibigay nila ang kanilang kapangyarihan at kapamahalaan sa halimaw.
Ti imajo eno misel, in moč in oblast svojo izročé zveri.
14 Makikipag-digma sila laban sa Kordero. Pero lulupigin sila ng Kordero dahil siya ay Panginoon ng mga panginoon at Hari ng mga hari — at kasama niya ang mga tinawag, ang mga pinili, ang mga matapat.”
Ti se bodo vojskovali z jagnjetom, in jagnje jih bode zmagalo, ker je gospodov Gospod in kraljev Kralj, in z njim poklicani in izvoljeni in zvesti.
15 Sinabi sa akin ng anghel, “Ang mga tubig na nakita mo, kung saan nakaupo ang bayarang babae, ay bayan, maraming tao, mga bansa, at mga wika.
In govori mi: Vode, katere si videl, kjer kurba sedí, ljudstva so in druhali, in narodi in jeziki.
16 Ang sampung sungay na nakita mo — sila at ang halimaw ay masusuklam sa bayarang babae. Gagawin nila siyang ulila at hubad, lalamunin nila ang kaniyang laman, at siya ay susunugin nila ng buo sa apoy.
In deseteri rogovi, katere si videl na zveri, ti bodejo sovražili kurbo in jo pusto naredili in golo, in meso njeno pojedli in njo sežgali v ognji.
17 Dahil inilagay ito ng Diyos sa kanilang mga puso para tuparin ang kaniyang layunin sa pamamagitan ng pagsang-ayon na ibigay ang kanilang kapangyarihan sa halimaw hanggang sa matupad ang mga salita ng Diyos.
Kajti Bog je dal v srca njih, da storé misel njegovo, in da storé eno misel, in dadó kraljestvo svoje zveri, dokler se ne izvršé besede Božje.
18 Ang babaeng nakita mo ay ang dakilang lungsod na namumuno sa mga hari ng mundo.
In žena, katero si videl, je mesto véliko, katero ima kraljestvo nad kralji zemljé.

< Pahayag 17 >