< Pahayag 15 >
1 Pagkatapos nakita ko ang isa pang tanda sa langit, dakila at kamangha-mangha: Mayroong pitong anghel na may pitong salot, kung saan ito ang mga huling salot (dahil sa kanila ang poot ng Diyos ay tapos na).
2 Nakita ko kung ano ang lumitaw sa isang dagat ng salamin na hinaluan ng apoy, at sa tabi ng dagat nakatayo ang mga matagumpay laban sa halimaw at kaniyang imahe, at laban sa bilang ng kumakatawan sa kaniyang pangalan. Hawak nila ang mga alpa na Ibinigay sa kanila ng Diyos.
3 Inaawit nila ang awit ni Moises, ang lingkod ng Diyos, at ang awit ng Kordero: “Dakila at kamangha-mangha ang iyong mga gawa, Panginoong Diyos, siya na naghahari sa lahat. Matuwid at tunay ang iyong mga gawa, Hari ng mga bansa.
4 Sino ang hindi matatakot sa iyo, Panginoon, at luluwalhatiin ang iyong pangalan? Dahil ikaw lamang ang banal. Lahat ng mga bansa ay pupunta at sasamba sa iyong harapan dahil ang iyong mga gawang matuwid ay naihayag.
5 Pagkatapos ng mga bagay na ito, tumingin ako, at ang pinakabanal na lugar, kung saan ang tolda ng mga saksi, ay bumukas sa langit.
6 Mula sa pinaka banal na lugar, lumabas ang pitong anghel na may pitong salot, dinamitan ng dalisay, maliwanag na lino at may mga gintong laso ang nakapalibot sa kanilang mga dibdib.
7 Isa sa apat na buhay na nilalang ay nagbigay sa pitong anghel ng pitong gintong mangkok na puno ng poot ng Diyos na nabubuhay magpakailan pa man. (aiōn )
8 Puno ng usok ang pinakabanal na lugar mula sa kalulwalhatian ng Diyos at mula sa kanIyang kapangyarihan. Walang sinUman ang makakapasok doon hanggang ang pitong salot ng pitong anghel ay tapos na.