< Pahayag 12 >

1 Isang dakilang tanda ang nakita sa langit: isang babae na dinamitan ng araw, at ang buwan ay nasa ilalim ng kaniyang paa; at nasa ulo niya ay korona ng labing dalawang bituin
Καὶ σημεῖον μέγα ὤφθη ἐν τῷ οὐρανῷ, γυνὴ περιβεβλημένη τὸν ἥλιον, καὶ ἡ σελήνη ὑποκάτω τῶν ποδῶν αὐτῆς, καὶ ἐπὶ τῆς κεφαλῆς αὐτῆς στέφανος ἀστέρων δώδεκα,
2 Siya ay buntis at sumisigaw sa sakit ng pagsisilang—sa sakit ng panganganak.
καὶ ἐν γαστρὶ ἔχουσα, καὶ κράζει ὠδίνουσα καὶ βασανιζομένη τεκεῖν.
3 At may isa pang tanda ang nakita sa langit. Tingnan mo! May isang malaking pulang dragon na may pitong ulo at sampung sungay, at may pitong korona sa kaniyang mga ulo.
καὶ ὤφθη ἄλλο σημεῖον ἐν τῷ οὐρανῷ, καὶ ἰδοὺ δράκων πυρρός μέγας, ἔχων κεφαλὰς ἑπτὰ καὶ κέρατα δέκα καὶ ἐπὶ τὰς κεφαλὰς αὐτοῦ ἑπτὰ διαδήματα,
4 Tinaboy ng kaniyang buntot ang ikatlong bahagi ng mga bituin sa langit at inihulog pababa sa lupa. Tumayo ang dragon sa harap ng babae na malapit nang magsilang, kaya nang siya ay nagsilang, gusto niyang ay lamunin ang kaniyang anak.
καὶ ἡ οὐρὰ αὐτοῦ σύρει τὸ τρίτον τῶν ἀστέρων τοῦ οὐρανοῦ, καὶ ἔβαλεν αὐτοὺς εἰς τὴν γῆν. καὶ ὁ δράκων ἕστηκεν ἐνώπιον τῆς γυναικὸς τῆς μελλούσης τεκεῖν, ἵνα ὅταν τέκῃ τὸ τέκνον αὐτῆς καταφάγῃ.
5 Nagsilang siya ng isang anak, isang batang lalaki, na siyang maghahari sa lahat ng mga bansa nang may tungkod na bakal. Inagaw ang kaniyang anak papunta sa Diyos at sa kaniyang trono,
καὶ ἔτεκεν υἱόν, ἄρσεν, ὃς μέλλει ποιμαίνειν πάντα τὰ ἔθνη ἐν ῥάβδῳ σιδηρᾷ· καὶ ἡρπάσθη τὸ τέκνον αὐτῆς πρὸς τὸν Θεὸν καὶ πρὸς τὸν θρόνον αὐτοῦ.
6 at tumakas ang babae papunta sa ilang, kung saan inihanda ng Diyos ng lugar para sa kaniya, kaya maalagaan siya ng 1, 260 araw.
καὶ ἡ γυνὴ ἔφυγεν εἰς τὴν ἔρημον, ὅπου ἔχει ἐκεῖ τόπον ἡτοιμασμένον ἀπὸ τοῦ Θεοῦ, ἵνα ἐκεῖ τρέφωσιν αὐτὴν ἡμέρας χιλίας διακοσίας ἑξήκοντα.
7 Ngayon may labanan doon sa langit. Si Michael at ang kaniyang mga anghel ay nakipaglaban sa dragon; at lumaban pabalik ang dragon at ang kaniyang mga anghel.
Καὶ ἐγένετο πόλεμος ἐν τῷ οὐρανῷ, ὁ Μιχαὴλ καὶ οἱ ἄγγελοι αὐτοῦ τοῦ πολεμῆσαι μετὰ τοῦ δράκοντος. καὶ ὁ δράκων ἐπολέμησεν καὶ οἱ ἄγγελοι αὐτοῦ,
8 Pero ang dragon ay hindi gaanong malakas para manalo. Kaya wala ng natitirang lugar sa langit para sa kaniya at sa kaniyang mga anghel.
καὶ οὐκ ἴσχυσαν, οὐδὲ τόπος εὑρέθη αὐτῶν ἔτι ἐν τῷ οὐρανῷ.
9 Ang dakilang dragon — ang dating ahas na tinawag na demonyo o Satanas na nanlilinlang sa buong mundo— ay tinapon pababa sa lupa, at ang kaniyang mga anghel ay itinapon pababa kasama siya.
καὶ ἐβλήθη ὁ δράκων ὁ μέγας, ὁ ὄφις ὁ ἀρχαῖος, ὁ καλούμενος Διάβολος καὶ Ὁ Σατανᾶς, ὁ πλανῶν τὴν οἰκουμένην ὅλην, ἐβλήθη εἰς τὴν γῆν, καὶ οἱ ἄγγελοι αὐτοῦ μετ’ αὐτοῦ ἐβλήθησαν.
10 Pagkatapos narinig ko ang isang malakas na tinig sa langit, “Ngayon narito na ang kaligtasan, ang kapangyarihan — at ang kaharian ng ating Diyos, at ang kapangyarihan ng kaniyang Cristo. Dahil ang taga-paratang ng ating mga kapatid ay naitapon na pababa — siyang nagparatang sa kanila araw at gabi sa harap ng ating Diyos.
καὶ ἤκουσα φωνὴν μεγάλην ἐν τῷ οὐρανῷ λέγουσαν Ἄρτι ἐγένετο ἡ σωτηρία καὶ ἡ δύναμις καὶ ἡ βασιλεία τοῦ Θεοῦ ἡμῶν καὶ ἡ ἐξουσία τοῦ Χριστοῦ αὐτοῦ, ὅτι ἐβλήθη ὁ κατήγωρ τῶν ἀδελφῶν ἡμῶν, ὁ κατηγορῶν αὐτοὺς ἐνώπιον τοῦ Θεοῦ ἡμῶν ἡμέρας καὶ νυκτός.
11 Siya ay kanilang nilupig sa pamamagitan ng dugo ng Kordero at sa pamamagitan ng kanilang patotoo, dahil hindi nila minahal ang kanilang buhay nang higit, kahit sa kamatayan.
καὶ αὐτοὶ ἐνίκησαν αὐτὸν διὰ τὸ αἷμα τοῦ Ἀρνίου καὶ διὰ τὸν λόγον τῆς μαρτυρίας αὐτῶν, καὶ οὐκ ἠγάπησαν τὴν ψυχὴν αὐτῶν ἄχρι θανάτου.
12 Kaya, magalak, kayong mga langit, at lahat ng naninirahan sa kanila. Pero kaawa-awa ang nasa lupa at ang nasa dagat dahil ang demonyo ay bumaba sa inyo. Napuno siya ng nakasisindak na galit, dahil alam niya na kakaunti lamang ang kaniyang oras.
διὰ τοῦτο εὐφραίνεσθε, οὐρανοὶ καὶ οἱ ἐν αὐτοῖς σκηνοῦντες· οὐαὶ τὴν γῆν καὶ τὴν θάλασσαν, ὅτι κατέβη ὁ διάβολος πρὸς ὑμᾶς ἔχων θυμὸν μέγαν, εἰδὼς ὅτι ὀλίγον καιρὸν ἔχει.
13 Nang mapagtanto ng dragon na siya ay itinapon sa lupa, hinanap niya ang babaing nagsilang ng batang lalaki.
Καὶ ὅτε εἶδεν ὁ δράκων ὅτι ἐβλήθη εἰς τὴν γῆν, ἐδίωξεν τὴν γυναῖκα ἥτις ἔτεκεν τὸν ἄρσενα.
14 Pero ang babae ay binigyan ng dalawang pakpak ng isang malaking agila, kaya siya ay nakalipad sa lugar na inihanda para sa kaniya sa ilang, ang lugar kung saan siya mapapangalagaan, sa loob ng isang oras, maraming oras at kalahating oras—na malayong maabot ng ahas.
καὶ ἐδόθησαν τῇ γυναικὶ αἱ δύο πτέρυγες τοῦ ἀετοῦ τοῦ μεγάλου, ἵνα πέτηται εἰς τὴν ἔρημον εἰς τὸν τόπον αὐτῆς, ὅπου τρέφεται ἐκεῖ καιρὸν καὶ καιροὺς καὶ ἥμισυ καιροῦ ἀπὸ προσώπου τοῦ ὄφεως.
15 Nagbuga ng tubig mula sa kaniyang bibig ang ahas tulad ng isang ilog, kaya nakagawa ng isang baha para tangayin siya.
καὶ ἔβαλεν ὁ ὄφις ἐκ τοῦ στόματος αὐτοῦ ὀπίσω τῆς γυναικὸς ὕδωρ ὡς ποταμόν, ἵνα αὐτὴν ποταμοφόρητον ποιήσῃ.
16 Pero tinulungan ng lupa ang babae. Binuksan nito ang kaniyang bibig at nilunok ng ilog ang binuga ng dragon mula sa kaniyang bibig.
καὶ ἐβοήθησεν ἡ γῆ τῇ γυναικί, καὶ ἤνοιξεν ἡ γῆ τὸ στόμα αὐτῆς καὶ κατέπιεν τὸν ποταμὸν ὃν ἔβαλεν ὁ δράκων ἐκ τοῦ στόματος αὐτοῦ.
17 Pagkatapos sumiklab ang galit ng dragon sa babae at umalis para makipagdigma sa mga natitirang kaapu-apuhan niya - silang mga sumunod sa mga kautusan ng Diyos at pinanghawakan ang mga patotoo tungkol kay Jesus.
καὶ ὠργίσθη ὁ δράκων ἐπὶ τῇ γυναικί, καὶ ἀπῆλθεν ποιῆσαι πόλεμον μετὰ τῶν λοιπῶν τοῦ σπέρματος αὐτῆς, τῶν τηρούντων τὰς ἐντολὰς τοῦ Θεοῦ καὶ ἐχόντων τὴν μαρτυρίαν Ἰησοῦ·

< Pahayag 12 >