< Pahayag 10 >

1 Pagkatapos nakita ko ang isa pang malakas na anghel bumababa mula sa langit. Nababalutan siya ng isang ulap at may isang bahanghari sa itaas ng kaiyang ulo. Ang kaniyang mukha ay tulad ng araw at ang kaniyang mga paa ay gaya ng haliging apoy.
And I saw another mighty angel coming down from heaven invested with a cloud: and there was a rainbow on his head, and his face was as the sun, and his feet as pillars of fire.
2 May hawak siya sa kaniyang kamay na isang maliit na balumbon na nakabukas, at ipinatong niya sa dagat ang kaniyang kanang paa at ang kaniyang kaliwang paa sa lupa.
And he had in his hand a little book open: and he set his right foot upon the sea, and his left upon the earth.
3 Pagkatapos sumigaw siya ng malakas na tinig gaya ng umaatungal na leon, at nang siya ay sumigaw ang pitong mga kulog ay dumagundong.
And he cried with a loud voice like the roaring of a lion; and when he had cried, seven thunders uttered their voices.
4 Nang dumagundong ang pitong kulog, halos isusulat ko na, pero narinig ko ang isang tinig mula sa langit na sinasabing, “Manatiling lihin anuman ang sinabi ng pitong kulog. Huwag itong isulat.”
And when the seven thunders had uttered their voices, I was going to write: but I heard a voice from heaven saying unto me, Seal up what the seven thunders spake, and write them not.
5 Pagkatapos ang anghel na aking nakitang nakatayo sa dagat at sa lupa, ay itinaas ang kaniyang kanang kamay sa langit
And the angel which I saw standing on the sea and on the earth,
6 at nanumpa sa pamamagitan niya na mabubuhay magpakailanman — siyang lumikha ng langit at lahat ng naroon, ang lupa at lahat ng naroon, at ang dagat at lahat ng naroon: “Walang maaaring magtagal doon. (aiōn g165)
lifted up his hand to heaven, and sware by Him that liveth for ever, who created the heaven and the things therein, and the earth and the things that are in it, and the sea and the things therein, that there shall be time no longer: (aiōn g165)
7 Pero sa araw kung kailan ang ika-pitong anghel ay malapit nang hipan ang kaniyang trumpeta, pagkatapos ang hiwaga ng Diyos ay naganap na, gaya ng kaniyang ipinahayag sa kaniyang mga lingkod na mga propheta.”
but in the days of the voice of the seventh angel, when he shall sound his trumpet, the mystery of God shall be finished, as He hath declared to his servants the prophets.
8 Narinig ko ang tinig mula sa langit na may muling sinasabi sa akin: “Lumakad ka, kunin mo ang bukas na balumbon na nasa kamay ng anghel na nakatayo sa dagat at sa lupa.”
And the voice, which I heard from heaven, spake to me again, and said, Go, take the little book which is open in the hand of the angel that standeth upon the sea and upon the earth.
9 Pagkatapos pumunta ako sa angel at sinabi ko sa kaniya na ibigay niya sa akin ang maliit na balumbon. Sinabi niya sa akin, “Kunin mo ang balumbon at kaiinin ito. Gagawin nitong mapait ang iyong tiyan, pero sa iyong bibig ito ay magiging kasing tamis ng pulot.
And I went to the angel, and said to him, Give me the little book. And he said to me, Take it, and eat it up: and it shall make thy belly bitter, but in thy mouth it will be sweet as honey.
10 Kinuha ko ang maliit na balumbon mula sa kamay ng anghel at kinain ko ito. Ito ay kasing tamis ng pulot sa aking bibig pero pagkatapos ko itong kainin ay pumait ang aking tiyan.
And I took the little book out of the angel's hand, and ate it up: and it was in my mouth sweet as honey, and when I had eaten it my belly was bitter.
11 Pagkatapos ilang mga tinig ang nagsabi sa akin, “Kailangan mong magpropesiya muli tungkol sa maraming tao, mga bansa, mga wika at sa mga hari.”
And he said unto me, Thou must prophesy again of many people and nations and tongues and kings.

< Pahayag 10 >