< Mga Awit 1 >

1 Mapalad ang taong hindi lumalakad sa payo ng masama, o tumatayo sa daanan kasama ang mga makasalanan, o umuupo sa kapulungan ng mga nangungutya.
복 있는 사람은 악인의 꾀를 좇지 아니하며 죄인의 길에 서지 아니하며 오만한 자의 자리에 앉지 아니하고
2 Pero ang kaniyang kagalakan ay nasa batas ni Yahweh, at sa kaniyang batas, nagbubulay-bulay siya araw at gabi.
오직 여호와의 율법을 즐거워하여 그 율법을 주야로 묵상하는 자로다
3 Siya ay matutulad sa isang puno na nakatanim malapit sa mga batis ng tubig na namumunga sa panahon nito, na ang mga dahon ay hindi nalalanta; anuman ang kaniyang gawin ay sasagana.
저는 시냇가에 심은 나무가 시절을 좇아 과실을 맺으며 그 잎사귀가 마르지 아니함 같으니 그 행사가 다 형통하리로다
4 Ang mga masasama ay hindi katulad nito, sa halip (sila) ay katulad ng ipa na tinatangay ng hangin.
악인은 그렇지 않음이여 오직 바람에 나는 겨와 같도다
5 Kaya ang masama ay hindi makatatayo sa paghahatol, maging ang mga makasalanan sa kapulungan ng matuwid.
그러므로 악인이 심판을 견디지 못하며 죄인이 의인의 회중에 들지 못하리로다
6 Dahil sinasang-ayunan ni Yahweh ang daanan ng matuwid, pero ang daanan ng masama ay mapupuksa.
대저 의인의 길은 여호와께서 인정하시나 악인의 길은 망하리로다

< Mga Awit 1 >