< Mga Awit 98 >
1 O, umawit kay Yahweh ng bagong awitin, dahil gumawa siya ng mga kahanga-hangang mga bagay; ang kanyang kanang kamay at ang kanyang banal na bisig, ay nagbibigay sa atin ng tagumpay.
A Psalm of David. Sing to the Lord a new song; for the Lord has wrought wonderful works, his right hand, and his holy arm, have wrought salvation for him.
2 Inihayag ni Yahweh ang kanyang kaligtasan; hayagan niyang ipinakita ang kanyang katarungan sa lahat ng mga bansa.
The Lord has made known his salvation, he has revealed his righteousness in the sight of the nations.
3 Inaalala niya ang kaniyang tipan ng kagandahang loob at katapatan para sa sambahayan ng Israel; lahat ng mga hangganan ng daigdig ay makikita ang katagumpayan ng ating Diyos.
He has remembered his mercy to Jacob, and his truth to the house of Israel; all the ends of the earth have seen the salvation of our God.
4 Sumigaw kay Yahweh ng may kagalakan, buong daigdig; isambulat sa awit at umawit ng may kagalakan, umawit ng mga papuri.
Shout to God, all the earth; sing, and exult, and sing psalms.
5 Umawit kay Yahweh ng mga papuri sa pamamagitan ng alpa, sa pamamagitan ng alpa at malambing na awit.
Sing to the Lord with a harp, with a harp, and the voice of a psalm.
6 Sa pamamagitan ng mga trumpeta at mga tunog ng tambuli, mag-ingay kayo na may kagalakan sa harapan ng Hari, si Yahweh.
With trumpets of metal, and the sound of a trumpet of horn make a joyful noise to the Lord before the king.
7 Hayaang sumigaw ang dagat at ang lahat ng bagay sa loob nito, ang buong mundo at ang mga naninirahan dito.
Let the sea be moved, and the fullness of it; the world, and they that dwell in it.
8 Hayaan ang mga ilog na ipalakpak ang kanilang mga kamay at hayaan ang mga bundok na sumigaw sa kagalakan.
The rivers shall clap their hands together; the mountains shall exult.
9 Darating si Yahweh para hatulan ang daigdig. Hahatulan niya ang mundo nang may katuwiran at ang mga bansa nang patas.
For he is come to judge the earth; he shall judge the world in righteousness, and the nations in uprightness.