< Mga Awit 95 >
1 O halika, tayo ay umawit kay Yahweh; tayo ay umawit ng may kagalakan para sa bato ng ating kaligtasan.
Pójdźcież, śpiewajmy Panu; wykrzykujmy skale zbawienia naszego.
2 Tayo ay pumasok sa kaniyang presensya ng may pasasalamat; tayo ay umawit sa kaniya ng may salmong papuri.
Uprzedźmy oblicze jego z chwałą; psalmy mu śpiewajmy.
3 Dahil si Yahweh ay dakilang Diyos at dakilang Hari na nananaig sa lahat ng diyos.
Albowiem Pan jest Bóg wielki, i król wielki nade wszystkich bogów.
4 Sa kaniyang kamay ay ang kalaliman ng kalupaan; ang katayugan ng bundok ay sa kaniya.
W jegoż rękach są głębokości ziemi, i wierzchy gór jego są.
5 Ang dagat ay kaniya, dahil nilikha niya ito, at hinulma ng kaniyang mga kamay ang tuyong lupa.
Jegoż jest morze, bo je on uczynił; i ziemia, którą ręce jego ukształtowały.
6 O halika, tayo ay magpuri at yumukod; tayo ay lumuhod sa harapan ni Yahweh, ang ating tagapaglikha:
Pójdźcie, kłaniajmy się, a upadajmy przed nim; klękajmy przed Panem, stworzycielem naszym.
7 Dahil siya ang ating Diyos, at tayo ang mga tao sa kaniyang pastulan at ang mga tupa ng kaniyang kamay. Ngayon, marinig niyo nawa ang kaniyang tinig!
Onci jest zaiste Bóg nasz, a myśmy lud pastwiska jego, i owce rąk jego. Dziś, jeźli głos jego usłyszycie,
8 “Huwag niyong patigasin ang inyong puso, tulad sa Meribah, o sa araw ng Masah sa ilang,
Nie zatwardzajcież serca swego, jako w Meryba, a jako czasu kuszenia na puszczy.
9 nang sinubukan ng inyong ninuno na hamunin ang aking kapangyarihan at sinubukan ang aking pasensya, kahit na nakita nila ang aking mga gawa.
Kiedy mię kusili ojcowie wasi, doświadczylić mię, i widzieli sprawy moje.
10 Sa apatnapung taon ako ay galit sa salinlahi na iyon at sinabi, 'Ito ang mga tao na ang mga puso ay lumihis ng landas; hindi nila alam ang aking mga pamamaraan.'
Przez czterdzieści lat miałem spór z tym narodem, i rzekłem: Lud ten błądzi sercem, a nie poznali dróg moich;
11 Kaya nga nangako ako sa aking poot na hindi na (sila) kailanman makakapasok sa aking lugar ng kapahingahan.”
Którymem przysiągł w popędliwości mojej, że nie wnijdą do odpocznienia mego.