< Mga Awit 94 >
1 Yahweh, ang Diyos na naghihiganti, magliwanag ka sa amin.
O God, of vengeance, Lord! O God of vengeance, shine forth.
2 Bumangon ka, hukom ng mundo, ibigay mo sa mapagmalaki kung ano ang nararapat sa kanila.
Lift up thyself, O judge of the Earth! bring a recompense upon the proud.
3 Yahweh, gaano magtatagal ang kasamaan, gaano magtatagal ang kaligayahan ng masasama?
How long shall the wicked, O Lord—how long shall the wicked exult?
4 Nagbubuhos (sila) ng pagmamataas at mapanghamon na mga salita, at nagmamayabang silang lahat.
They sputter, they speak hard things: all the workers of wickedness boast themselves.
5 Wawasakin nila ang iyong bayan, Yahweh; sinasaktan nila ang bansa na nabibilang sa iyo.
Thy people, O Lord! they crush, and thy heritage they afflict.
6 Pinapatay nila ang balo at ang dayuhan, at pinapaslang nila ang mga ulila.
The widow and the stranger they slay, and the fatherless they murder.
7 Sinasabi nila, “Hindi makikita ni Yahweh, ang Diyos ni Jacob ay hindi mapapansin ito.”
And they say, The Lord will not see, and the God of Jacob will not take notice of it.
8 Unawain ninyo, kayong mangmang; kayong mga hangal, kailan kayo matututo?
Understand, ye brutish among the people: and ye fools, when will ye become intelligent!
9 Siya na lumikha ng tainga, hindi ba niya naririnig? Siyang naghulma ng mata, hindi ba siya nakakakita?
He that hath planted the ear, shall he not hear? or he that hath formed the eye, shall he not see?
10 Siya na dumidisiplina ng mga bansa, hindi ba niya tinatama? Siya ang nagbigay ng kaalaman sa tao.
He that admonisheth nations, shall he not correct? is it not he that teacheth man knowledge!
11 Alam ni Yahweh ang isipan ng mga tao, na (sila) ay masama.
The Lord knoweth the thoughts of man, that they are nought.
12 Pinagpala siya na iyong tinuruan, Yahweh, siya na tinuruan mo mula sa iyong batas.
Happy is the man whom thou admonisheth, O Lord, and teachest him out of thy law:
13 Binigyan mo siya ng kapahingahan sa oras ng kaguluhan hanggang ang isang hukay ang binungkal para sa masasama.
That thou mayest grant him repose from the days of evil, until the pot be dug for the wicked.
14 Dahil hindi iiwanan ni Yahweh ang kaniyang mga tao o pababayaan ang kanyang pag-aari.
For the Lord will not cast off his people, and his inheritance will he not forsake.
15 Dahil mananaig ang katarungan; at lahat ng matuwid ay susunod.
For unto righteousness will justice return; and it shall be followed by all the upright in heart.
16 Sino ang babangon para ipagtanggol ako mula sa mga gumagawa ng masama? Sino ang tatayo para sa akin laban sa mga masasama?
Who will rise up for me against evil-doers? or who will stand forward for me against the workers of wickedness?
17 Maliban na lang kung si Yahweh ang aking naging tulong, sa kalaunan, ako ay hihiga sa lugar ng katahimikan.
Unless the Lord had been a help unto me, but a little would have been wanting that my soul had dwelt in the silence of death.
18 Nang sinabi ko, “Ang aking paa ay nadudulas,” ang iyong katapatan sa tipan, Yahweh, ay itinaas ako.
When I said, My foot hath slipped: thy kindness, O Lord, sustained me.
19 Kapag ang mga alalahanin na nasa akin ay nagbabadya na tabunan ako, ang iyong kaginhawaan ang nagpapasaya sa akin.
In the multitude of my [painful] thoughts within me, thy consolations delight my soul.
20 Kaya ba ng masasamang mga pinuno na makiisa sa iyo, silang mga gumawa ng walang katarungan sa pamamagitan ng alituntunin?
Can there be associated with thee the throne of destructive wickedness, which frameth mischief as a law?
21 (Sila) ay magkasama na nagsasabwatan para kunin ang buhay ng matuwid at kanilang sinsusumpa sa kamatayan ang walang sala.
They band themselves together against the soul of the righteous, and innocent blood do they condemn.
22 Pero si Yahweh ang naging matayog kong tore, at ang aking Diyos ang naging bato sa aking kanlungan.
But the Lord is become my defence, and my God, the rock of my refuge.
23 Dadalhin niya sa kanila ang kanilang sariling labis na kasalanan at puputulin niya ang sarili nilang kasamaan. Si Yahweh ang ating Diyos ang puputol sa kanila.
And he will bring back upon them their own injustice, and in their own wickedness will he destroy them: [yea], he will destroy them—the Lord our God.