< Mga Awit 91 >
1 Siya na nananahan sa kanlungan ng Kataas-taasan ay mananatili sa lilim ng Makapangyarihan sa lahat.
(Sila) ki rete nan abri Pi Wo a va poze nan lonbraj Toupwisan an.
2 Aking sasabihin kay Yahweh, “Siya ang aking kanlungan at aking tanggulan, aking Diyos, na aking pinagkakatiwalaan.”
Mwen va di a SENYÈ a: “Se Li ki sitadèl mwen an, ak Bondye mwen an. Se nan Li mwen mete konfyans!”
3 Dahil sasagipin ka niya mula sa patibong ng mangangaso at mula sa nakamamatay na salot.
Paske se Li menm ki delivre ou soti nan pèlen a chasè a, ak ravaj gwo maladi yo.
4 Tatakpan ka niya ng kaniyang mga pakpak, at sa ilalim ng kaniyang mga pakpak ay makakatagpo ka ng kanlungan. Ang kanyang pagiging mapagkakatiwalaan ay isang kalasag at proteksyon.
Li va kouvri ou ak plim Li yo. Anba zèl Li, ou kapab chache pwotèj. Fidelite Li se yon boukliye ak yon ranpa.
5 Hindi ka matatakot sa kilabot ng gabi, o sa palaso na lumilipad sa araw,
Ou p ap pè laperèz lannwit, ni flèch k ap vole lajounen,
6 o ang salot na gumagala sa kadiliman, o ang sakit na nanggagaling sa katanghalian.
ni gwo maladi ki swiv nan fènwa, ni destriksyon ki devaste a midi.
7 Libo ang maaaring mabuwal sa iyong tabi, at sampung libo sa iyong kanang kamay, pero hindi ito makakaabot sa iyo.
Yon milye kapab tonbe bò kote dwat ou, ak di mil sou men agoch ou, men sa p ap pwoche ou.
8 Mamamasdan mo lamang at makikita ang mga kaparusahan ng masasama.
Ou va sèlman gade avèk zye ou pou wè rekonpans a mechan yo.
9 Dahil si Yahweh ang aking kanlungan! Gawin mo ring kanlungan ang Kataas-taasan.
Paske ou te fè SENYÈ a, vin sekou ou, menm Pi Wo a, kote pou ou rete.
10 Walang kasamaang makakaabot sa iyo; walang paghihirap ang makakalapit sa iyong tahanan.
Nanpwen mal k ap rive ou, Ni okenn toumant k ap pwoche tant ou.
11 Dahil uutusan niya ang kaniyang mga anghel na protektahan ka, para ingatan ka sa lahat ng iyong mga kaparaanan.
Paske Li va bay zanj Li yo lòd konsènan ou menm, pou veye ou nan tout chemen ou yo.
12 Itataas ka nila gamit ang kanilang mga kamay para hindi ka madulas at mahulog sa bato.
Yo va leve ou byen wo nan men yo, pou ou pa frape pye ou kont wòch.
13 Dudurugin mo ang mga leon at ulupong sa iyong mga paa; iyong yuyurakan ang mga batang leon at mga ahas.
Ou va pile sou lyon an ak koulèv la. Jenn lyon an avèk sèpan an, ou va foule yo nèt.
14 Dahil matapat siya sa akin, ililigtas ko siya. Poproktetahan ko siya dahil matapat siya sa akin.
Paske li te renmen M konsa, pou sa, Mwen va delivre li. Mwen va mete li byen solid an wo, akoz li te rekonèt non Mwen.
15 Kapag tumatawag siya sa akin, ako ay tutugon sa kaniya. Makakasama niya ako sa kaguluhan; bibigyan ko siya ng katagumpayan at pararangalan siya.
Li va fè apèl non Mwen e Mwen va reponn li. Mwen va avèk Li nan tan twoub la. Mwen va delivre li e bay li lonè.
16 Bibigyan ko siya ng kasiyahan sa mahabang buhay at ipapakita ko sa kaniya ang aking kaligtasan.
Mwen va satisfè li avèk yon lavi ki long, e kite li wè sali mwen.