< Mga Awit 90 >
1 Ika-apat na aklat. Isang panalangin ni Moises ang lingkod ng Diyos. Panginoon, ikaw ang aming kublihan sa mga nakalipas na mga salinlahi.
BOOK FOURTH: “A prayer of Moses the man of God.” Lord, a place of refuge hast thou been unto us in all generations.
2 Bago nahubog ang mga bundok, o hinubog mo ang lupa at ang mundo, hanggang sa habang panahon, ikaw ay Diyos.
Before yet the mountains were brought forth, or thou hadst ever produced the earth and the world, even from everlasting to everlasting, thou art God.
3 Binabalik mo sa alabok ang tao, at sinasabi mo, “Bumalik ka, ikaw na lahi ng tao.”
Thou turnest man to contrition, and sayest, Return ye children of men.
4 Dahil ang isang libong taon ay parang kahapon na lumipas, na tulad ng hudyat sa gabi.
For a thousand years are in thy eyes but as the yesterday when it is past, and as a watch in the night.
5 Tinatangay mo (sila) tulad ng baha at nakakatulog (sila) sa umaga ay tulad (sila) ng sumisibol na damo.
Thou carriest them away as with a flood; they are as a sleep: in the morning [they grow] like the grass which changeth.
6 Sa umaga ito ay namumulaklak at tumutubo; sa gabi ito ay nalalanta at natutuyot.
In the morning it blossometh, and is changed: in the evening it is mowed off, and withereth.
7 Tunay nga na nilalamon kami ng iyong galit, at sa iyong poot kami ay lubhang natatakot.
For [thus] are we consumed by thy anger, and by thy fury are we terrified.
8 Nilagay mo ang mga kasalanan namin sa iyong harapan, ang aming mga nakatagong kasalanan sa liwanag ng iyong presensiya.
Thou hast set our iniquities before thee, our concealed sins before the light of thy countenance.
9 Lumilipas ang aming buhay sa ilalim ng iyong poot; ang aming mga taon ay madaling lumilipas na tulad ng buntong-hininga.
For all our days are passed away in thy wrath: we consume our years like a word that is spoken.
10 Ang aming mga taon ay pitumpu, walumpu kung kami ay malusog; pero kahit na ang aming pinakamainam na taon ay may suliranin at kapighatian. Oo, mabilis itong lumilipas, at tinatangay kami palayo.
The days of our years in this life are seventy years; and if by uncommon vigor they be eighty, yet is their greatness trouble and mishap; for it soon hasteneth off, and we fly away.
11 Sino ang nakakaalam ng tindi ng iyong galit; ang poot mo na katumbas sa takot na dinudulot nito?
Who knoweth the strength of thy anger, and thy wrath which is like the fear of thee?
12 Kaya turuan mo kaming isaalang-alang ang aming buhay para mamuhay kami ng may karunungan.
Let us then know how to number our days, that we may obtain a heart endowed with wisdom.
13 Bumalik ka, Yahweh! Gaano pa ba katagal? Maawa ka sa iyong mga lingkod.
Return, O Lord, how long yet? and bethink thee concerning thy servants.
14 Bigyan mo kami sa umaga ng kasiyahan sa iyong katapatan sa tipan para magsaya kami at magalak sa lahat ng mga araw namin.
O satisfy us in the morning with thy kindness, that we may be glad and rejoice throughout all our days.
15 Hayaan mo kaming magalak katumbas ng mga araw nang sinaktan mo kami at sa mga taon na nakaranas kami ng suliranin.
Cause us to rejoice as many days as those wherein thou hast afflicted us, the years wherein we have seen unhappiness.
16 Hayaan mong makita ng iyong mga lingkod ang iyong mga gawa, at hayaang makita ng aming mga anak ang iyong kaluwalhatian.
Let thy act be visible on thy servants, and thy majesty over their children.
17 Nawa ang pabor ng Panginoon ay mapasaamin; pasaganahin ang gawa ng aming mga kamay; tunay nga, pasaganahin mo ang gawa ng aming mga kamay.
And may the beauty of the Lord our God be upon us; and the work of our hands do thou firmly establish upon us: yea, the work of our hands—firmly establish thou it.