< Mga Awit 89 >
1 Magpakailanman kong aawitin ang mga ginawa ni Yahweh sa kaniyang katapatan sa tipan. Ihahayag ko sa mga susunod na salinlahi ang iyong pagiging totoo.
(에스라인 에단의 마스길) 내가 여호와의 인자하심을 영원히 노래하며 주의 성실하심을 내 입으로 대대에 알게 하리이다
2 Dahil aking sinabi, “Ang katapatan sa tipan ay naitatag magpakailanman; itinatag mo ang iyong pagkamatapat sa kalangitan.”
내가 말하기를 인자하심을 영원히 세우시며 주의 성실하심을 하늘에서 견고히 하시리라 하였나이다
3 “Nakipagtipan ako sa aking pinili, nangako ako sa aking lingkod na si David.
주께서 이르시되 내가 나의 택한 자와 언약을 맺으며 내 종 다윗에게 맹세하기를
4 Itataguyod ko ang iyong mga kaapu-apuhan magpakailanman, at itataguyod ko ang iyong trono sa bawat salinlahi.” (Selah)
내가 네 자손을 영원히 견고히 하며 네 위를 대대에 세우리라 하였다 하셨나이다 (셀라)
5 Pinupuri ng kalangitan ang iyong kamanghaan, Yahweh; ang iyong pagiging totoo ay pinupuri sa pagtitipon ng mga banal.
여호와여, 주의 기사를 하늘이 찬양할 것이요 주의 성실도 거룩한 자의 회중에서 찬양하리이다
6 Dahil sino sa kalangitan ang maihahambing kay Yahweh? Sino sa mga anak ng mga diyos ang katulad ni Yahweh?
대저 궁창에서 능히 여호와와 비교할 자 누구며 권능 있는 자 중에 여호와와 같은 자 누구리이까?
7 Siya ay Diyos na lubos na pinararangalan sa konseho ng mga banal at ang kamangha-mangha sa gitna ng lahat ng nakapalibot sa kaniya.
하나님은 거룩한 자의 회중에서 심히 엄위하시오며 둘러 있는 모든 자 위에 더욱 두려워할 자시니이다
8 Yahweh, Diyos ng mga hukbo, sino ang kasing lakas mo, Yahweh? Pinapaligiran ka ng iyong katapatan.
여호와 만군의 하나님이여, 주와 같이 능한 자 누구리이까 여호와여, 주의 성실하심이 주를 둘렀나이다
9 Pinaghaharian mo ang nagngangalit na mga dagat; kapag gumugulong ang mga alon, pinapayapa mo ang mga ito.
주께서 바다의 흉용함을 다스리시며 그 파도가 일어날 때에 평정케 하시나이다
10 Dinurog mo si Rahab katulad ng isang taong pinatay. Kinalat mo ang mga kaaway mo sa pamamagitan ng malakas mong bisig.
주께서 라합을 살륙 당한 자 같이 파쇄하시고 주의 원수를 주의 능력의 팔로 흩으셨나이다
11 Sa iyo ang kalangitan, pati na ang kalupaan. Nilikha mo ang mundo at lahat ng nilalaman nito.
하늘이 주의 것이요 땅도 주의 것이라 세계와 그 중에 충만한 것을 주께서 건설하셨나이다
12 Nilikha mo ang hilaga at timog. Nagsasaya ang Tabor at Hermon sa pangalan mo.
남북을 주께서 창조하셨으니 다볼과 헤르몬이 주의 이름을 인하여 즐거워하나이다
13 Mayroon kang makapangyarihang bisig at malakas na kamay, at nakataas ang iyong kanang kamay.
주의 팔에 능력이 있사오며 주의 손은 강하고 주의 오른손은 높으시니이다
14 Katuwiran at hustisya ang saligan ng iyong trono. Katapatan sa tipan at pagiging mapagkakatiwalaan ang nasa harapan mo.
의와 공의가 주의 보좌의 기초라 인자함과 진실함이 주를 앞서 행하나이다
15 Mapalad ang mga sumasamba sa iyo! Yahweh, lumalakad (sila) sa liwanag ng iyong mukha.
즐거운 소리를 아는 백성은 유복한 자라 여호와여, 저희가 주의 얼굴 빛에 다니며
16 Buong araw silang nagsasaya sa pangalan mo, at itinataas ka nila sa katuwiran mo.
종일 주의 이름으로 기뻐하며 주의 의로 인하여 높아지오니
17 Ikaw ang kanilang dakilang kalakasan, at sa iyong pabor kami ay nagtatagumpay.
주는 저희 힘의 영광이심이라 우리 뿔이 주의 은총으로 높아지오리니
18 Dahil ang kalasag namin ay pagmamay-ari ni Yahweh; ang hari namin ay Ang Banal ng Israel.
우리 방패는 여호와께 속하였고 우리 왕은 이스라엘의 거룩한 자에게 속하였음이니이다
19 Matagal na ang nakalipas nang nagsalita ka sa matatapat sa iyo sa pamamagitan ng pangitain; sinabi mo, “Pinatungan ko ng korona ang isang taong magiting; humirang ako mula sa mga tao.
주께서 이상 중에 주의 성도에게 말씀하시기를 내가 돕는 힘을 능력 있는 자에게 더하며 백성 중에서 택한 자를 높였으되
20 Pinili ko si David na aking lingkod; hinirang ko siya gamit ang aking banal na langis.
내가 내 종 다윗을 찾아 나의 거룩한 기름으로 부었도다
21 Aalalayan siya ng aking kamay; palalakasin siya ng aking bisig.
내 손이 저와 함께 하여 견고히 하고 내 팔이 그를 힘이 있게 하리로다
22 Walang kaaway ang makapanlilinlang sa kaniya; walang anak ng kasamaan ang mang-aapi sa kaniya.
원수가 저에게서 강탈치 못하며 악한 자가 저를 곤고케 못하리로다
23 Dudurugin ko ang mga kaaway niya sa kaniyang harapan; papatayin ko ang mga namumuhi sa kaniya.
내가 저의 앞에서 그 대적을 박멸하며 저를 한하는 자를 치려니와
24 Makakasama niya ang aking katotohanan at ang aking katapatan sa tipan; sa pamamagitan ng pangalan ko siya ay magtatagumpay.
나의 성실함과 인자함이 저와 함께 하리니 내 이름을 인하여 그 뿔이 높아지리로다
25 Ipapatong ko ang kaniyang kamay sa ibabaw ng dagat at ang kanang kamay niya sa ibabaw ng mga ilog.
내가 또 그 손을 바다 위에 세우며 오른손을 강들 위에 세우리니
26 Tatawagin niya ako, 'Ikaw ang aking Ama, aking Diyos, ang bato ng aking kaligtasan.'
저가 내게 부르기를 주는 나의 아버지시요, 나의 하나님이시요, 나의 구원의 바위시라 하리로다
27 Gagawin ko rin siyang panganay kong anak na lalaki, ang pinaka-tinatanghal sa mga hari ng lupa.
내가 또 저로 장자를 삼고 세계 열왕의 으뜸이 되게 하며
28 Ipagpapatuloy ko ang aking katapatan sa tipan sa kaniya magpakailanman; at ang tipan ko sa kaniya ay magiging matatag.
저를 위하여 나의 인자함을 영구히 지키고 저로 더불어 한 나의 언약을 굳게 세우며
29 Itataguyod ko ang kaniyang mga kaapu-apuhan magpakailanman at ang kaniyang trono ay magiging kasing tatag ng kalangitan.
또 그 후손을 영구케 하여 그 위를 하늘의 날과 같게 하리로다
30 Kung iiwanan ng kaniyang mga anak ang aking batas at susuwayin ang aking mga kautusan,
만일 그 자손이 내 법을 버리며 내 규례대로 행치 아니하며
31 kung lalabagin nila ang aking mga patakaran at hindi susundin ang aking mga kautusan,
내 율례를 파하며 내 계명을 지키지 아니하면
32 parurusahan ko ang kanilang paghihimagsik gamit ang isang pamalo at ang kanilang mga kasalanan ng aking mga suntok.
내가 지팡이로 저희 범과를 다스리며 채찍으로 저희 죄악을 징책하리로다
33 Pero hindi ko aalisin ang aking katapatan sa tipan mula sa kaniya o hindi magiging totoo sa aking pangako.
그러나 나의 인자함을 그에게서 다 거두지 아니하며 나의 성실함도 폐하지 아니하며
34 Hindi ko puputulin ang aking tipan o babaguhin ang mga salita ng aking mga labi.
내 언약을 파하지 아니하며 내 입술에서 낸 것도 변치 아니하리로다
35 Higit kailanman ako ay nangako sa aking kabanalan - hindi ako magsisinungaling kay David:
내가 나의 거룩함으로 한번 맹세하였은즉 다윗에게 거짓을 아니할 것이라
36 ang kaniyang mga kaapu-apuhan at ang kaniyang trono ay magpapatuloy magpakailanman na kasing tagal ng araw sa aking harapan.
그 후손이 장구하고 그 위는 해같이 내 앞에 항상 있으며
37 Magiging matatag ito magpakailanman katulad ng buwan, ang tapat na saksi sa kalangitan. (Selah)
또 궁창의 확실한 증인 달 같이 영원히 견고케 되리라 하셨도다
38 Pero itinanggi mo at itinakwil; nagalit ka sa iyong hinirang na hari.
그러나 주께서 주의 기름 부음 받은 자를 노하사 물리쳐 버리셨으며
39 Tinalikuran mo ang tipan ng iyong lingkod. Nilapastangan mo ang kaniyang korona sa lupa.
주의 종의 언약을 미워하사 그 관을 땅에 던져 욕되게 하셨으며
40 Giniba mo ang lahat ng kaniyang mga pader. Sinira mo ang kaniyang mga tanggulan.
저의 모든 울타리를 파괴하시며 그 보장을 훼파하셨으므로
41 Ninakawan siya ng lahat ng dumaan sa kaniya. Siya ay naging kasuklam-suklam sa mga kapitbahay niya.
길로 지나는 자들에게 다 탈취를 당하며 그 이웃에게 욕을 당하나이다
42 Itinaas mo ang kanang kamay ng mga kaaway niya; pinasaya mo ang lahat ng mga kaaway niya.
주께서 저의 대적의 오른손을 높이시고 저희 모든 원수로 기쁘게 하셨으며
43 Binaliktad mo ang dulo ng kaniyang espada at hindi mo siya pinagtatagumpay kapag nasa labanan.
저의 칼날을 둔하게 하사 저로 전장에 서지 못하게 하셨으며
44 Tinapos mo ang kaniyang karangyaan; giniba mo ang kaniyang trono.
저의 영광을 그치게 하시고 그 위를 땅에 엎으셨으며
45 Pinaikli mo ang araw ng kaniyang kabataan. Binihisan mo siya ng kahihiyan. (Selah)
그 소년의 날을 단촉케 하시고 저를 수치로 덮으셨나이다 (셀라)
46 Hanggang kailan, Yahweh? Itatago mo ba ang iyong sarili, habang buhay? Hanggang kailan maglalagablab ang iyong galit tulad ng apoy?
여호와여, 언제까지니이까? 스스로 영원히 숨기시리이까? 주의 노가 언제까지 불붙듯 하시겠나이까?
47 Isipin mo kung gaano na lang kaikli ang oras ko, at ang kawalan ng pakinabang ng lahat ng mga anak ng tao na nilikha mo!
나의 때가 얼마나 단촉한지 기억하소서 주께서 모든 인생을 어찌 그리 허무하게 창조하셨는지요
48 Sino ang kayang mabuhay at hindi mamamatay, o sino ang makapagliligtas ng kaniyang buhay mula sa kapangyarihan ng sheol? (Selah) (Sheol )
누가 살아서 죽음을 보지 아니하고 그 영혼을 음부의 권세에서 건지리이까 (셀라) (Sheol )
49 Panginoon, nasaan na ang dati mong mga gawain ng katapatan sa tipan na pinangako mo kay David sa iyong katotohanan?
주여, 주의 성실하심으로 다윗에게 맹세하신 이전 인자하심이 어디 있나이까?
50 Alalahanin mo, Panginoon, ang pangungutya sa iyong mga lingkod at kung paano ko kinikimkim sa aking puso ang napakaraming panlalait mula sa mga bansa.
주는 주의 종들의 받은 훼방을 기억하소서 유력한 모든 민족의 훼방이 내 품에 있사오니
51 Nagbabato ng panlalait ang mga kaaway mo, Yahweh; kinukutya nila ang mga hakbangin ng iyong hinirang.
여호와여, 이 훼방은 주의 원수가 주의 기름부음 받은 자의 행동을 훼방한 것이로소이다
52 Pagpalain nawa si Yahweh magpakailanman. Amen at Amen.
여호와를 영원히 찬송할지어다! 아멘, 아멘