< Mga Awit 87 >

1 Ang lungsod ng Panginoon ay naitatag sa banal na mga kabundukan.
Ang kaniyang patibayan ay nasa mga banal na bundok.
2 Mas minamahal ni Yahweh ang mga tarangkahan ng Sion kaysa sa lahat ng mga tolda ni Jacob.
Minahal ng Panginoon ang mga pintuang-bayan ng Sion, ng higit kay sa lahat na tahanan ng Jacob.
3 Mga maluwalhating bagay ay sinabi sa iyo, lungsod ng Diyos. (Selah)
Maluwalhating mga bagay ang sinalita tungkol sa iyo, Oh bayan ng Dios. (Selah)
4 Binanggit ko ang Rahab at Babilonia sa mga tagasunod ko. Masdan ninyo, may Filistia, at Tiro, kasama ang Etiopia. Ang isang ito ay ipinanganak doon.
Aking babanggitin ang Rahab at ang Babilonia na kasama ng mga nakakakilala sa akin: narito, ang Filistia at ang Tiro, pati ng Etiopia; ang isang ito ay ipinanganak diyan.
5 Sa Sion ay sasabihin ito, “Bawat isa rito ay ipinanganak sa kaniya; at ang Kataas-taasan mismo ang magtatatag sa kaniya.”
Oo, tungkol sa Sion ay sasabihin, ang isang ito at ang isang yaon ay ipinanganak sa kaniya; at itatatag siya ng Kataastaasan.
6 Tinatandaan ni Yahweh habang inililista niya ang mga tao, “Ang isang ito ay ipinanganak doon.” (Selah)
Sasalaysayin ng Panginoon, pagka kaniyang isinulat ang mga bayan, ang isang ito ay ipinanganak diyan. (Selah)
7 Kaya sinasabi ng mang-aawit at mananayaw, “Ang lahat ng aking bukal ng tubig ay nasa iyo.”
Silang nagsisiawit na gaya ng nagsisisayaw ay mangagsasabi, lahat ng aking mga bukal ay nangasa iyo.

< Mga Awit 87 >