< Mga Awit 86 >
1 Makinig ka, Yahweh, at sagutin mo ako, dahil ako ay mahirap at inapi.
Prière de David. Éternel, prête l'oreille, exauce-moi! car je suis misérable et pauvre.
2 Pangalagaan mo ako, dahil ako ay matapat; aking Diyos, iligtas mo ang iyong lingkod na nagtitiwala sa iyo.
Garde mon âme, car je suis fidèle! Sois en aide, toi, mon Dieu, à ton serviteur qui se confie en toi!
3 Maawa ka sa akin, Panginoon, dahil ako ay tumatawag sa iyo buong araw.
Prends pitié de moi, Seigneur, car je t'implore tous les jours!
4 Pasayahin mo ang iyong lingkod, dahil sa iyo, Panginoon, ako nagdarasal.
Réjouis l'âme de ton serviteur, car à toi, Seigneur, j'élève mon âme.
5 Ikaw, Panginoon, ay mabuti, at handang magpatawad, at nagpapakita ka ng malaking awa sa lahat ng tumatawag sa iyo.
Car, Seigneur, tu es bon et clément, et riche en amour pour tous ceux qui t'invoquent.
6 Yahweh, makinig ka sa aking panalangin, dinggin mo ang aking pagsamo.
Éternel, prête l'oreille à ma prière, sois attentif à mes supplications.
7 Sa araw ng aking kaguluhan tumatawag ako sa iyo, dahil sasagutin mo ako.
Dans mon jour de détresse, je t'implore, parce que tu m'exauces.
8 Walang sinuman ang maihahambing sa iyo sa mga diyos, Panginoon. Walang mga gawa ang makakatulad sa mga ginawa mo.
Entre les dieux nul n'est pareil à toi, Seigneur, et rien n'égale tes œuvres.
9 Lahat ng bansa na iyong ginawa ay pupunta at yuyuko sa iyo, Panginoon. Pararangalan nila ang iyong pangalan.
Que tous les peuples que tu as faits, viennent se prosterner devant toi, Seigneur, et honorer ton nom!
10 Dahil ikaw ay dakila at gumagawa ng kamangha-manghang mga bagay, ikaw lamang ang Diyos.
Car tu es grand, tu opères des miracles, seul tu es Dieu.
11 Turuan mo ako ng iyong mga pamamaraan, Yahweh. At ako ay lalakad sa iyong katotohanan. Pag-isahin mo ang aking puso sa pagsamba sa iyo.
Éternel, montre-moi ta voie, pour que je marche dans ta vérité! Concentre mon cœur dans la crainte de ton nom!
12 Panginoon aking Diyos, pupurihin kita ng buong puso, luluwalhatiin ko ang iyong pangalan magpakailanman.
Je veux te louer, Seigneur, mon Dieu, de tout mon cœur, et honorer éternellement ton nom!
13 Dahil dakila ang iyong katapatan sa tipan para sa akin, iniligtas mo ang aking buhay mula sa kailaliman ng sheol. (Sheol )
car ta miséricorde est grande envers moi; tu arraches mon âme du fond des Enfers. (Sheol )
14 O Diyos, ang mayayabang ay naghihimagsik laban sa akin. Ang isang pangkat ng marahas na mga lalaki ay nagbabanta sa aking buhay. Wala silang pagsasaalang-alang para sa iyo.
O Dieu! des superbes s'élèvent contre moi, et une bande de furieux attente à ma vie; et ils n'ont pas les yeux tournés vers toi.
15 Pero kayo, Panginoon, ay maawain at mabait na Diyos, matagal magalit, at sagana sa pagiging tapat at mapagkakatiwalaan sa tipan.
Cependant, Seigneur, tu es un Dieu miséricordieux et bon lent à t'irriter, et riche en grâce et en fidélité.
16 Harapin mo ako at maawa ka sa akin, ibigay mo ang iyong kalakasan sa iyong lingkod; iligtas mo ang anak ng babaeng lingkod mo.
Tourne tes regards vers moi, et prends pitié de moi! Accorde ta protection à ton serviteur, et sois en aide au fils de ta servante.
17 Magpakita kayo sa akin ng tanda ng iyong pabor. Kung ganoon sinumang napopoot sa akin ay makikita ito at malalagay sa kahihiyan dahil ikaw, Yahweh, ang tumulong at umaliw sa akin.
Opère en ma faveur un signe pour me sauver! Que mes ennemis le voient, et soient confondus! car, Éternel, tu m'assistes et me consoles.