< Mga Awit 84 >
1 Kaibig-ibig ang lugar kung saan kayo nakatira, Yahweh ng mga hukbo!
How amiable are thy tabernacles, O Jehovah of hosts!
2 Nananabik ako sa mga patyo ni Yahweh, pinagod ako ng aking pagnanais para dito. Ang aking puso at ang buo kong pagkatao ay tumatawag sa buhay na Diyos.
My soul longs, yea, even faints for the courts of Jehovah. My heart and my flesh cry out to the living God.
3 Kahit ang maya ay nakahanap ng isang tirahan para sa kaniya na maging ang pugad ng inakay ng layang-layang ay malapit sa inyong mga altar, Yahweh ng mga hukbo, aking Hari, at aking Diyos.
Yea, the sparrow has found her a house, and the swallow a nest for herself where she may lay her young, even thine altars, O Jehovah of hosts, my King and my God.
4 Pinagpala mo (sila) na nakatira sa inyong tahanan; patuloy ka nilang pinupuri. (Selah)
Blessed are those who dwell in thy house. They will still be praising thee. (Selah)
5 Pinagpala ang tao na ang lakas ay nasa iyo, na ang puso ay mga daanan papunta sa Sion.
Blessed is the man whose strength is in thee, in whose heart are the highways to Zion.
6 Sa pagdaan sa lambak ng Pag-iyak, nakahanap (sila) ng bukal ng tubig para inumin. Ang mga maagang ulan ay tinatakpan ito ng maraming tubig.
Passing through the valley of weeping they make it a place of springs. Yea, the early rain covers it with blessings.
7 (Sila) ay naglalakbay mula sa kalakasan patungo sa kalakasan; ang bawat isa sa kanila ay humaharap sa Diyos sa Sion.
They go from strength to strength; each one of them appears before God in Zion.
8 Yahweh ang Diyos ng mga hukbo, dinggin mo ang aking panalangin; Diyos ni Jacob, pakinggan mo ang aking sinasabi! (Selah)
O Jehovah God of hosts, hear my prayer. Give ear, O God of Jacob. (Selah)
9 O Diyos, bantayan ang aming kalasag; magpakita ka ng pag-aalala sa inyong hinirang.
Behold, O God our shield, and look upon the face of thine anointed.
10 Dahil ang isang araw sa iyong patyo ay mas mabuti kaysa isang libo sa ibang dako. Mas nanaisin kong maging bantay sa pinto ng tahanan ng aking Diyos, kaysa mabuhay sa tolda ng mga masasama.
For a day in thy courts is better than a thousand. I had rather be a doorkeeper in the house of my God, than to dwell in the tents of wickedness.
11 Dahil si Yahweh na Diyos ay ang ating araw at kalasag; si Yahweh ay magbibigay ng biyaya at kaluwalhatian; hindi niya pinagkakait ang anumang mabuting bagay mula sa lumalakad na may dangal.
For Jehovah God is a sun and a shield. Jehovah will give grace and glory. He will withhold no good thing from those who walk uprightly.
12 Yahweh ng mga hukbo, pinagpala ang taong nagtitiwala sa inyo.
O Jehovah of hosts, blessed is the man who trusts in thee.