< Mga Awit 83 >

1 O Diyos, huwag kang manahimik! Huwag mo kaming isawalang bahala at manatiling hindi kumikilos, O Diyos.
Cántico. Salmo de Asaf. Oh Dios, no permanezcas mudo; no estés sordo, oh Dios, ni te muestres pasivo.
2 Tingnan mo, ang iyong mga kaaway ay nanggugulo, at ang mga napopoot sa iyo ay nagmamataas.
Mira el tumulto que hacen tus enemigos, y cómo los que te odian yerguen su cabeza.
3 (Sila) ay nagsasabwatan laban sa iyong bayan at magkakasamang nagbabalak laban sa iyong mga pinangangalagaan.
A tu pueblo le traman asechanzas; se confabulan contra los que Tú proteges.
4 Sinabi nila, “Halina, at wasakin natin (sila) bilang isang bansa. Sa gayon ang pangalan ng Israel ay hindi na maaalala pa.”
“Venid (dicen), borrémoslos; que ya no sean pueblo; no quede ni memoria del nombre de Israel.”
5 Sama-sama silang nagbalak ng isang mahusay na paraan; gumawa (sila) ng alyansa laban sa iyo.
Así conspiran todos a una y forman liga contra Ti:
6 Kabilang dito ang mga tolda ng Edom at ang mga Ismaelita, at ang mga mamamayan ng Moab at ang Agarenos, na nagbalak ng masama kasama nina
las tiendas de Edom y los ismaelitas, Moab y los agarenos,
7 Gebal, Ammon, Amalek; kabilang din dito ang Filistia at ang mga nakatira sa Tiro.
Gebal y Ammón y Amalec, Filistea y los habitantes de Tiro.
8 Ang Asiria ay kaanib din nila; (sila) ay tumutulong sa kaapu-apuhan ni Lot. (Selah)
También los asirios se les han unido, y se han hecho auxiliares de los hijos de Lot.
9 Gawin mo sa kanila ang tulad ng ginawa mo sa Midian, sa Sisera at sa Jabi sa Ilog ng Kison.
Haz Tú con ellos como con Madián y con Sísara, y con Jabín, junto al torrente Cisón;
10 Namatay (sila) sa Endor at naging tulad ng pataba sa lupa.
que perecieron en Endor, y vinieron a ser como estiércol para la tierra.
11 Gawin mong tulad nina Oreb at Zeeb ang kanilang mga maharlika, at lahat ng kanilang mga prinsipe tulad nina Zeba at Zalmuna.
Trata a sus caudillos como a Oreb y a Zeb; a todos sus jefes, como a Zebee y a Salmaná,
12 Sinabi nila, “Kunin natin ang mga pastulan ng Diyos.”
pues han dicho: “Ocupemos para nosotros las tierras de Dios.”
13 Aking Diyos, gawin mo silang tulad ng ipo-ipong alikabok, tulad ng ipa sa hangin,
Dios mío, hazlos como el polvo en un remolino y la hojarasca presa del viento.
14 tulad ng apoy na sumusunog sa gubat, at tulad ng apoy na sumusunog sa kabundukan.
Como fuego que consume la selva, como llama que abrasa los montes,
15 Habulin mo (sila) ng iyong malakas na hangin, at sindakin (sila) ng iyong bagyo.
así persíguelos en tu tempestad, y atérralos en tu borrasca.
16 Balutan mo ang kanilang mga mukha ng kahihiyan para hanapin nila ang iyong mukha, Yahweh.
Haz que sus rostros se cubran de vergüenza, para que busquen tu nombre ¡oh Dios!
17 Nawa mailagay (sila) sa kahihiyan at masindak magpakailanman; nawa ay mamatay (sila) sa kahihiyan.
Queden para siempre en la ignominia y en la turbación; sean confundidos y perezcan.
18 At malalaman nila na ikaw lamang, Yahweh, ang Kataas-taasan sa buong mundo.
Y sepan que tu Nombre es Yahvé; y que solo Tú eres el Altísimo sobre toda la tierra.

< Mga Awit 83 >